19

22 2 0
                                    

"Nagugutom ako."






Iniba ko ang usapan at tumayo mula sa pagkakaupo namin sa gilid ng swimming pool. Hindi talaga ako magaling sa ganito. Ano ba dapat 'kong sabihin? Oo? Hindi? Bawal pa? Studies first muna?






"Umm..Sabi ni Mama daan muna kayo sa restaurant bago umuwi. Tatawagan niya rin daw si Tita Debi," sambit ni Jaze. Sinundan niya pala ako at kinausap na parang walang nangyari.






"Huh? Kakain? Sama kami ah!" sabi ni Jhaz na bigla na lang pumagitna sa'ming dalawa ni Jaze.







"Basta ikaw magbabayad," natatawang sabi ni Jaze. "Huwag na lang pala," ani Jhaz at pumunta na lang sa loob ng lobby para kuhanin ang mga gamit niya.







"Sige, itetext ko na lang rin si Tita. Hanapin ko muna si Ali," sabi ko kay Jaze nang hindi makatingin sa kanya. "Gusto mo samahan kita?" tanong niya.






"Ano ka ba? Okay lang 'yun. Ako na bahala," sabi ko at binilisan ang lakad papalayo.







Sa mga ipinapakita ko sa kanya. Okay lang sa'kin kung bigla na lang niyang itigil ang pagkagusto sa'kin. Maiintindihan ko naman. Magulo ako, mahirap unawain. Kaya kung susuko siya, okay lang.








"Hija! Ngayon na lang ulit kita nakita. Na-miss kita," sabi ni Tita Jeanette at niyakap ako. "Palagi ka pa rin namang kinu-kuwento ni Jazell, kaya pakiramdam ko tayo ang magkaibigan e'."







"Mama naman. Nakakahiya," bulong ni Jaze sa Mama niya. Natawa na lang si Tita Debi at Tita Jeanette.







"Tita, CR lang po kami a'? Ate, samahan mo ako," hindi na hinintay ni Ali ang sagot ni Tita at agad na akong hinila papunta sa restroom.







"Anong sinagot mo sa kanya?" Bungad ni Ali nang makapasok na kami ng tuluyan sa restroom.








"Huh? Anong pinagsasabi mo?" kunot noo kong tingin sa kanga habang naisipan na mag-ayos na lang sa harap ng salamin.







"Narinig kong tinanong ka ni Kuya kung puwede ba siyang manligaw. Anong sinagot mo?"






"Wala akong sinabi. Iniba ko ang usapan."





"Huh?! E' mukha masaya ka naman kapag kasama mo siya diba?" nagtatakang tanong ni Ali.







"Oo naman, tsaka komportable rin ako sa kanya. Pakiramdam ko naman naiintindihan niya ako at tanggap niya rin ako bilang..ako."








"Alam mo ate, hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo siya binigyan ng sagot," bumuntong hininga si Ali. "Mukha naman okay yung tao. Tingin ko aalagaan ka naman niya. Syempre hindi ako papayag kung iba ang pakiramdam ko no!"





"Alvia, natatakot ako.."






Humarap na siya sakin at hinawakan ang pareho kong kamay.







"Kung hindi ka natatakot, hindi ka nagmamahal," sambit ni Ali at niyakap ako. "Masaya ako kapag masaya ka rin ate."







Nagsimulang tumulo ang luha ko. Ngayon lang nag-sink in sa'kin kung gaano ko pinapahalagan ang kung anong meron sa'min ni Jaze. Oo, sa ngayon hanggang dun na lang muna. Gusto niya ako at gusto ko rin siya.







"Ako na ang nag-order para sa inyong dalawa. You girls took a lot of time in the rest room. Are you okay?" Nagaalalang tanong ni Tita Debi.







Under The StarsWhere stories live. Discover now