15

22 2 0
                                    

"Tita, pwede po bang paki-pirmahan ang waiver? Malapit na daw po kasi ang fieldtrip namin e."







Muntik ko nang makalimutan na papirmahan yung waiver. Mabuti na lang bago ako umalis papuntang school ay naabutan ko pa si Tita Debi sa kwarto niya.





"I'm glad you're going to join, Drei. Mae-enjoy mo yun panigurado," ani Tita Debi pagkabalik sa'kin ng papel.






"Excited na nga po ako e," tugon ko naman. Hindi pa kasi kami nagkakaroon ng oras na pumunta sa iba't ibang lugar dahil laging busy si Tita. Ayos lang naman, pakiramdam ko nasa bakasyon ako dahil sobrang relaxing ng bahay.





Mabuti na lang at maagang nagising si Ali ngayon kaya hindi kami na-late sa school. Pagkarating ko sa classroom ay nagco-collect na yung class representative namin ng mga waiver kaya binigay ko iyon ka agad.





"Kanino 'to galing?" tanong ko kay Jane. Kararating ko lang kasi sa upuan ko at nakitang may iced coffee at sandwhich na nakapatong roon.






"Ay, pinabibigay pala ni Nico," ani Jane. Nakakapagtaka naman, ang sabi niya mag-uusap kami. Kabilang ba doon ang pagbibigay ng breakfast?







"Hala ka sis, parang mag-aagawan pa yung magtropa sa'yo ah? Sandali nga, baka natatapakan ko na buhok mo," natatawang sabi ni Jhaz. Hanggang sa seating arrangement magkakatabi kaming tatlo. Minsan nga nagrereklamo yung mga nasa harapan dahil ang ingay daw namin eh.





"Sure ka? Baka naman pinapabayaran sa'kin to."






"Anong pinapabayaran? Baka sa sunod niyan bilhin na niya 'yong buong fast-food chain, para lang may pa iced coffee ka tuwing umaga," nagtawanan sina Jhaz at Jane. Ipinagkibit-balikat ko na lang at nagtipa ng message kay Nico.




Adrianna Brielle Enciso: Hi, Nico! Thank you sa iced coffee and sanwhich? Btw, ano meron?




Nicolas Mendez: Wala lang, trip ko lang. I hope you like it :)







"Ms. Enciso, can you collect the papers of your classmate and submit it to me in the Faculty?" tanong ni Mr. Amparado. "Sure sir," tugon ko at nagsimula nang magkolekta ng mga papel.





Pagkatapos kong kolektahin ang papel ay dumiretso na agad ako sa Faculty. Baka kasi makalimutan ko pa kung hindi ko sasadyain ngayon. Tahimik lang ako naglalakad at binabasa ang sagot ng mga kaklase ko nang may makabangga ako.




"Sorry po."





"Hala, sorry."







Nanlaki ang mata ko at naisipang bilisan na lang ang paglalakad patungong faculty nang marahan niyang hawakan ang palapulsuhan ko nang balak kong lagpasan siya.







"Adi, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Jaze.






"Ngayon? May ipapasa pa ako eh, kailangan na 'to ni Sir ngayon."







"Samahan na kita," sambit ni Jaze habang hindi pa rin tinatanggal ang kamay sa palapulsuhan ko.







"Huh? Mabilis lang 'yon, kahit huwag mo na akong samahan."







"Iniiwasan mo ba ako?" kunot noo niyang tanong sa'kin.







"Iniiwasan? Bakit naman kita iiwasan?"tanong ko.







Under The StarsWhere stories live. Discover now