21

25 2 0
                                    

"Hay sa wakas!"








Tuwang-tuwa si Ali at Tita Debi nang maikuwento ko ang nangyari kagabi. Sakto naman na weekend ngayon kaya nagkaroon kami ng panahon na makapag-kuwentuhan kahit papaano.






"I like how you guys are taking it slow," ngumiti sa'kin si Tita Debi.







"Sobrang slow, Tita. Baka pagsisihan nila 'yan," sambit ni Ali. Napakamaldita talaga nang isang 'to. Kanino ba siya nagmana?







"Mas okay na yung mabagal na sigurado, Ali. Ang hirap kasi kapag minamadali lahat," sambit ko sa kanya.





Ine-enjoy lang namin ang brunch ngayon. Pagkatapos daw nito tsaka papasok si Tita Debi.








"Be ready next week, ah. Baka magbakasyon tayo sa Iloilo. May aasikasuhin lang ako doon," ani Tita.








Nagliwanag ang mata ni Ali. "Mabibisita na natin si Mama!" excited niyang sabi. Natuwa namana ako. Makakabalik na rin kami.







Nang matapos na kaming makapag-brunch ay tsaka pa lang ako naligo. Napag-desisyunan kong magsuot ng oversized beige shirt at navy blue dolphin shorts. Pina-air dry ko lang ang buhok ko dahil tinatamad akong ayusin 'to.






"Ate, andyan na yung manliligaw mo," sambit ni Ali. Hindi pa nga kumatok ang kapatid kong ito, at agad-agad na lang na sinabi iyon.





"Eto na, pababa na," tugon ko at nagmadali nang mag-ayos para hindi paghintayin si Jaze.





Sinabi niya sa'kin kagabi na may surprise daw siya, kaya nandito siya ngayon. Nakapagpaalam din naman ako kay Tita at pumayag naman siya. Mabuti naman at nandito lang kami sa bahay.





"Grabe, ah. First day pa lang, masyado mong ginagalingan," natatawa kong sabi. Tumayo siya mula sa pagkakaupo nang makita akong pababa.








"Ako lang 'to, Adi," natatawa niyang tugon. "Ano 'yang dala mo?" nagtataka kong tanong.









"Uh..pwedeng palagay muna sa ref niyo?" tanong niya sa'kin. "Huh? Pumunta ka dito para makilagay sa ref namin?"








"Hindi ah! Magluluto tayo, tuturuan kita," ngumiti siya. "Wow! Totoo ba? Ayos!" hilig ko rin naman ang pagluto dahil namana namin ito kay Mama.







Minsan kapag napaaga ang gising ko, sinasabihan ko si Manang na ako na lang magluluto ng breakfast namin. Ganoon rin si Ali, pero mas gusto niyang magluto ng dinner dahil ayaw niyang magising ng maaga palagi.






"So paano 'to?" tanong ko kay Jaze nang matapos nang hiwain ang bawang. Nilapitan naman niya ako ka agad matapos i-check ang beef.






"Iluto na natin 'to," saad ni Jaze. Naglagay siya ng butter sa pan at sinunod ang beef. "Pakilagay na nung bawang."







Sinunod ko naman ang sinabi niya. Pagkatapos nun, nilagay niya ang isang sauce. "Ano nilagay mo diyan?"









"Adi, ang secret recipe hindi na magiging secret kung sasabihin ko sa'yo," pagpapaliwanag niya. "Okay, Mr. Crabs."








"Ano?! Sa gwapo kong 'to, ikukumpara mo 'ko kay Mr. Crabs?" natatawang tanong niya. Inirapan ko na lang siya.







Sa bandang huli, siya na ang nagtuloy sa pagluluto at pinanood ko na lang siya. Nakaupo ako sa bar stool ng breakfast table at nakahalumbaba habang passionate siyang naghahalo ng karne sa tapat ko.







Under The StarsWhere stories live. Discover now