20

41 2 0
                                    

"Ang galing mo kanina grabe!"





Hindi pa rin ako makapaniwala na tapos na ang pagrampa namin. Si Jaze naman panay pa rin ang pagpalakpak.







"Ingay mo nga kanina e', akala ko ikaw na yung host," sabi ko sa kanya. Natawa naman siya. "Maingay na 'yon? Kulang pa 'yon!"






Nang natapos ang exhibit ay hinatid niya ako pauwi. Gabi na rin kasi at marami din akong bitbit na gamit.





"Alam mo, nakakatuwa kang pagmasdan kanina."







"Nakakatuwa o nakakatawa? Hindi kasi ako sanay rumampa. Gusto ko lang yung nagde-design ng mga damit," ngumuso ako.








"Nakakatuwang isipin na kasama mo ako habang inaabot ang mga pangarap mo," ngumiti siya at pinagmasdan ang langit. At dahil nga gabi na, kitang-kita ang mga tala na nagniningning.








"Pasok ka," sabi ko nang makarating kami sa gate. "Huh? Ang bilis mo naman ata," sabi niya at niyakap ang sarili.








Natawa naman ako. "Sira! 'Lika na," sambit ko at hinila siya papasok. Nagpatinaod lang siya sa paghila ko sa kanya.






"Congrats, Adi!" sabay-sabay nilang sigaw. Kasabay din nun ang pagputok ng party poppers, pagsigaw ni Ali at pagpalakpak nina Tita Debi at Manang.






Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig nang makita ang surpresa na hinanda nila. Maraming pagkain, tingin ko'y nagpa-catering pa si Tita. Kumpleto rin sila miski si Mang Rey ay nandito rin.






"Hija, I'm so proud of you!" sinalubong ako ni Tita Jeanette na may bitbit pang cake. "Salamat po, Tita," ngumiti ako at hinagkan siya pabalik.







"Kainan na! Wohoo!" ani Ali at dumiretso na agad sa lamesa. Natawa naman sina Manang at sumunod na rin.






"Congratulations, my Drei. Tita is so proud of you," bumeso sa'kin si Tita Debi. "This is all Jaze's fault," bulong niya sa'kin at sumunod na rin kina Ali sa lamesa.








Nilingon ko naman si Jaze dahil sa sinabi ni Tita. Mayroon siyang bitbit na mga bulaklak sakto paglingon ko sa kanya. Ibinigay naman niya iyon ka agad.







"Surfries!" natatawang sabi ni Jaze habang nakabuka pa ang kamay. "Thank you," sobra. Hindi niya alam kung gaano ako kasaya ngayon. "Wala 'yun," ngumiti siya at kinurot ang pisngi ko.







"Tama na harot, kain na," sabi ni Ali habang puno na ang bigbig dahil sa carbonara na kinakain niya.






Kinuhanan muna ako ni Jaze nang plato, kutsara at tinidor bago siya. Sa tuwing lalagyan na ako ng pagkain ng caterer, sinasabi niya damihan daw dahil panigurado gutom ako.








"Okay na 'to, busog pa 'ko," pagpupumilit ko. Unang plato ko pa lang 'to pero punong-puno na. Hindi ko alam kung nanti-trip nanaman 'to o ano e'.







Panay ang pakikipag-usap ni Tita Debi at Tita Jeanette. Si Ali naman panay ang video at picture, sinasali niya pa sina Manang at Mang Rey. Buti game na game naman sila.







"Baka maging busy na ako dahil sa mga practices namin," anunsyo ni Jaze. Malapit na kasi ang graduation nila. Freshman na siya next school year at ako naman graduating ng Senior High.








Under The StarsWhere stories live. Discover now