23

17 1 0
                                    

"Hindi ka pa ba mage-enroll?"






Malapit na kasi ang pasukan. Graduating na ako sa Senior High at freshmen naman si Jaze. Tinatanong ko sa kanya kung malapit na ba siyang mag-enroll. Baka kasi ako, saktong pagkauwi namin mage-enroll na din.






"Pagkauwi natin," sambit niya. Bukas na kasi ang flight namin pauwi nang Manila. Sasama na ulit ngayon si Tita sa pagbisita namin kay Mama sa sementeryo.






"Nakapili ka na ng school mo?" pag-uusisa ko. Naalala ko matagal-tagal na rin naming napag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon. "Oo, maganda ang program ng film doon," tugon niya.






"Akala ko ba ayaw mo sa photography, dahil baka magsawa ka sa hobby mo?" kumunot ang noo ko. Ayon kasi ang pagkakaalala ko e'.






"Sayang kasi..b-baka hindi rin umabot," umiwas siya ng tingin. "Umabot?" hindi ko siya maintindihan. "Hayaan mo na 'yun. Magaling naman ako dun diba? Kaya ko naman diba?" tanong niya sa'kin.







"Oo naman. Ano ka ba, ikaw lang 'yan Jaze," natatawa kong sambit at marahan siyang pinalo sa balikat.







Natahimik kami nang ilang sandali. Nagpatuloy ako sa pagd-drawing nang mga sketches ko sa sketch pad. Nakaisip kasi ako nang mga bagong disenyon para sa mga damit na gusto kong iguhit.








"Adi, ito pala 'yung kape mo," sabay abot niya ng tasa. Naupo na rin siya sa katabing lounge chair. Hindi naman namin paboritong tambayan 'to, ano.






"Matapang ba 'to?" tanong ko. Napuyat kasi ako kagabi. Anong oras na rin natapos sa kantahan sila ate. Hindi ako makatulog.







"Bakit? Ayaw mo?" tanong niya. Kukuhanin na sana niya ang tasa mula sa kamay ko pero pinigilan ko siya. "Hindi, okay lang. Gusto ko yung matapang."







"Matapang ako," saad niya at umiwas ng tingin. Natawa ako. Mabuti na lang hindi pa ako sumisipsip ng kape, kung hindi naibuga ko sa kanya 'yun.








Natahimik nanaman kami. Nagpatuloy lang ako sa pagd-drawing. Si Jaze naman tahimik lang ring nakahalukipkip sa ginuguhit ko. Nakikita ko nga sa peripheral vision ko na minsan sa'kin pa siya tumitingin. Naiilang nga ako e'. Panay bura tuloy ang ginagawa ko.






"Bakit? Okay naman a'," bigla niyang saad. Nakakailang bura na kasi ako e'. "Ang panget kaya," tugon ko.






Sinipsip ko ang huling kape na natitira sa baso ko. Nakagawa pa ako nang ingay dahil lang sinubukan kong ubusin iyon agad. Tumingin si Jaze sa'kin at ganun din ang ginawa niya. Pati ang ingay sa pag-inom ginawa niya rin.






"Ginagaya mo ba ako?" inis kong tanong. Inosente siyang tumingin sa'kin. Nagtaas pa nga ng kilay.







"Ginagawa mo ba ako?" pagmamaktol niya sa'kin. "Jazell Ross!" inis kong sigaw at pinagpapalo siya. Tawa naman siya ng tawa at isinasangga ang sarili para hindi ko mapalo nang husto.






Nang makarating kami sa Manila. Nag-aya na si Tita na kumain muna kami sa restaurant nila Jaze bago umuwi. Sakto lang rin kasi ihahatid na namin si Jaze doon at pagkatapos kumain uuwi na rin kami.








"Nako, Ms. Debi. Maraming salamat po talaga pag-aalaga ng anak ko a'," ani Tita Jeanette. "No worries, Ma'am. Parang anak ko na rin itong si Jazell," nagkangitian si Jaze at Tita Debi.







Under The StarsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt