35

29 2 0
                                    

"Adi! Buti naman nakapagkita na ulit tayo. Palagi yata tayong nagkakasalisi sa hospital."





Mula sa hospital, dumiretso ako papunta sa restaurant nina Jaze. Andito si Tita Jeanette ngayon, balak ko sanang sabihin na ako na muna ang magbabantay dito, dahil mukhang kailangan siya ni Jaze doon.




"Kakagaling ko lang po sa hospital," tipid akong ngumiti. "Naroon rin po ang mga kaibigan niya."




"Talaga ba? Nako, mabuti. Papunta na rin ako doon ngayon. Dadalhan ko na lang sila ng pagkain," ngumiti sa'kin si Tita habang inaayos ang kaha nila.





"Kahit ako na po muna rito, Tita. Ayos lang," sambit ko sa kanya at nagsimula nang suotin ang apron. Minsan kasi nagv-volunteer ako bilang waitress, para mapanatag ang loob ni Tita habang nasa ospital siya.





"Hindi lang si Ross ang swerte sa'yo, hija. Pati ako rin. Maraming salamat sa lahat," niyakap ako ni Tita Jeanette. Nabigla ako. Pinipigilan kong pumatak ang mga luha ko.





Totoo nga bang swerte si Jaze na nakilala niya ako? Ako, oo. Mas nag-strive ako maging better araw-araw dahil gusto kong maging proud siya sa'kin. Hindi ko sinukuan ang Fashion Designing, dahil alam kong naniniwala siya sa'kin. Kahit ako mismo hindi nagtitiwala sa sarili ko, siya pinapatibah niya ang loob ko.





Pero bakit? Bakit niya nasabing baka magsisi siyang nakilala niya ako? Pakiramdam niya ba hindi kami karapat-dapat para sa bawat isa? Napapagod na ba siyang makita ako araw-araw?





Tinapos ko muna ang oras ko dito sa restaurant, hanggang sa magsara na sila. Pagkatapos, umuwi na ako sa bahay dahil gusto nila akong kumustahin sa unang araw ng trabaho ko sa Atelier.




"Totoo ba na mahirap ang internship, Ate?" kuryosong tanong ni Ali. Nakaupo kami ngayon sa hammock swing chair na mayroon kami sa backyard.





"Nakakapanibago lang. Syempre, hindi ko pa naman alam kung paano ang paikot-ikot sa trabaho," tugon ko sa kanya pagkatapos kong sumipsip sa baso ng gatas na iniinom ko.





"E' paano iyon pala? Nasabi mo na ba kay kuya ang tungkol sa New York?" kuryoso niyang tanong at nilingon ako. Tanging iling lang ang sinukli ko sa kanya.






Naalala ko nanamang muli yung mga sinabi ni Jaze. Kung nalaman ba niyang aalis ako, hahayaan niyang ganito kami?








"Hindi ko pa nga alam kung sasabihin ko ba sa kanya e'," sambit ko sa kapatid. Pareho kaming bumuntong hininga. "One month rin iyon, Ate. Baka maayos naman kung pag-uusapan."











Sa totoo lang, hindi ko alam. Kaya ko pa ba siyang harapin matapos kong marring ang mga salitang iyon mula sa kanya? "One month lang naman, mabilis lang iyon. Makakabalik rin ako ka agad."








"Baka pagsisihan mo naman 'yan," sabi ni Ali sa'kin. "Ate Adi, ang daming puwedeng mangyari sa isang buwan. Panigurado malulungkot rin 'yon si Kuya kung aalis ka ng walang paalam."








Maya-maya habang tahimik kaming dalawa ni Ali rito sa backyard at tinatanaw ang langit na puno nang mga bituin ay biglang pumunta si Tita Debi na halos kauuwi lang rin. Busy na kasi ngayon sa office dahil sa makalawa ay luluwas na kami pa New York.











Under The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon