08

33 2 0
                                    

"Lagyan mo ng truffle cheese ah."



Napagisipan namin na pasta na lang ang iluto para ngayong dinner. Ako ang nag-prepare ng sauce at si Ali naman ang nagluto ng pasta.





"Gawa din kaya ako ng mashed potatoes?" tanong niya sa'kin. Nagkatinginan kami sandali at parehas na pumalakpak dahil sa excitement.





Busy kami pareho ni Ali sa pagluluto. Si Manang ay nakabantay lang sa'min at tinutulungan kami sakaling may kailangan kami.






Habang hinihintay ang sauce ay napagdesisyunan ko na mag-reply sa dalawa. 'Nakauwi na ako.' ayun ang ni-reply ko kay Nico at cinopy paste ko lang ang pag send kay Jaze. Hindi na ako naghintay ng reply nila dahil busy ako sa pagluluto.






Habang hinahalo ni Ali ang mashed potatoes ay napatingin ako sa kanya. Magkamukha naman kami diba? Kahit pagbaliktarin pa ang mundo siya ang kapatid ko. Hindi ko maiimagine ang buhay na hindi siya ang kapatid ko. Bigla ko na lang siyang niyakap.







"Ano meron?" natatawa niyang tanong. Hindi siguro sanay dahil hindi naman kami ganito.





"Wala lang. Baka sa iba nagpapayakap ka tapos akong ate mo nandidiri ka ah," pabiro ko siyang sinabunutan.








"Hi girls!" bati ni Tita Debi. Dali-dali kaming pumunta sa kanya para batiin at yakapin.





"Sabi ni Manang may hinanda daw kayo. Totoo ba?" tanong ni Tita. Nagkatinginan kami ni Ali. Pinaupo niya ka agad si Tita sa upuan at ako ang naghain ng pasta at mashed potatoes na hinanda namin.







"Wow! Ang bango. Mukha pang masarap." excited na sabi ni Tita Debi. Nakangiti naman kami ni Ali. Excited ding matikman niya ang luto namin.






"Let's eat." ngiti ni Tita at nagsalo-salo na kami sa hapag.







Naalala ko ang sinabi ni Papa. Alam kaya ni Tita ang totoo? Dapat bang sabihin ko sa kanya na nakipagkita ako kay Papa? Iyan ang mga tanong na matagal nang bumabagabag sa'kin. Natatakot akong marinig ang totoo. Natatakot akong harapin ito.





"Ready ka na para bukas?" tanong ni Jane. Panibagong araw nanaman sa school at kami-kami ulit ang magkakasama.








Puspusan na ang pagrereview ko dahil bukas na ang Quiz Bee. Ang alam ko pa ay buong senior high school ang manonood. Andito ako sa library kasama sina Jhaz at Jane na gumagawa ng assignment namin.







"Kinakabahan, pero kakayanin." tugon ko. "Ikaw pa ba girl? Kaya mo yan!" ani Jhaz. Nakakatuwa naman 'tong dalawa kasi kitang-kita ko kung gaano sila ka supportive sa'kin.








Nang mag-bell na ang librarian at hudyat na oras na nang pagbalik sa klase, ay nag-ayos na kaming magkakaibigan ng gamit.







"Sa harapan kami bukas, para marinig mo ang cheer namin." excited na sabi ni Jane.







"Jazell!" tinawag ni Jhaz sina Nico at Jaze na nasa dulo ng corridor. Mukhang tumambay muna sila sa labas dahil hinihintay nila ang teacher nila.






"Uy saan kayo galing?" tanong ni Jaze.








"Sa library lang. Nagsisipag kami." ani Jane at ipinakita ang hawak na notebooks.







Under The StarsWhere stories live. Discover now