28

17 2 0
                                    

"Good luck sa enrollment, Drei!"











Sabay muna kaming nag-almusal ni Tita Debi bago ako magtungo sa bago kong eskwelahan. Siya ang nag-suggest ng school na iyon, dahil doon din siya nag-aral dati. Isa Siyang design school, maganda daw ang quality ng education at maraming opportunities ang binibigay sa students.











"Thank you, Tita! Kinakabahan nga po ako e'," tugon ko at kinagatan na ang waffle na nakahanda sa lamesa.











Ako na lang muna mag-isa ang mage-enroll, dahil may pasok pa si Jaze. Si Jane at Jhaz naman..well, iba-iba kasi ang gusto naming tahakin na career. Kaya iba-ibang school rin kami. Nangako naman kami sa isa't-isa na magku-kumustahan at magkikita pa rin kami.











"Enrollee 0028, Enciso" sigaw nung registar kaya agad naman akong lumapit. "Good day, Ms. Enciso," sabi niya at ngumiti naman ako. "Good morning po."











Pagkatapos kong ibigay sa kanya ang mga papeles ay ngumiti muli siya sa'kin. "Ikaw ba yung pamangkin ni Deborah Enciso?" tanong niya.











Oo nga pala, kilala si Tita Debi dito dahil sa dami ng achievements na nakuha niya. Madalas rin Siyang naiimbitahan sa talk or symposiums patungkol sa fashion designing. "Ah, opo," tugon ko at ngumiti.








Nang matapos na ako sa pag-enroll ay balak ko sanang libutin muna ang campus. Kaya lang, biglang nag-notification ang phone ko at nagpahiwatig na may tumatawag. Hindi ko inaasahan na makikita ang caller ID niya sa cellphone ko.








"Papa.."











["Anak? Balita ko nag-enroll ka na daw? Tapos ka na ba?"] tanong ni Papa sa kabilang linya.








"Ah, opo."











"Puwede ka na bang lumbaal? Andito casi amo, tara kain tayo," pag-aaya niya. Nagdadalawang-isip pa alo kung sasama pero kinalaunan ay pumayag na rin.











Mayroong mamahaling restaurant na di kalayuan sa school kaya doon na lang kami kumain. Nag-request pa si Papa na sa isang private room kami kumain. Kahit ang sabi ko ay okay na nandito na kami sa labas. Mayroon pang body guards na nakabantay sa labas ng private room na ni-rentahan ni Papa.








"Nakabili ka na ba ng gamit mo? Puwede kitang samahan ngayon," sambit ni Papa pagkatapos inumin ang kape niya.











"Susunod daw po si Jaze, Papa. Siya na lang po, baka busy ka rin e'."








"Si Jazell ba? Anong year na nga pala iyon?" tanong niya. "Second year na po. Mechanical Engineering."











Maya-maya ay synod-sunod na nagkaroon ng notification sa phone ko. Chineck ko nang patago para makita kung sino iyon, baka isinin ni Papa hindi ko ginagalang ang pagkain.








Jazell Ross Dizon: Love


: Babe





: Baby





: Babylove





: Honey bunch





: Encisooo





Under The StarsWhere stories live. Discover now