40

56 2 0
                                    

tw: death

"Mag-iingat doon, Drei ah. Tawagan ako agad kapag may problema o kaya kung may kailangan ka."



Sina Tita Debi, Ali, Manang, Mang Rey at Tita Jeanette ang naghatid sa'min sa airport. Kumpleto pa talaga sila. Mabuti napayagan naman itong si Jaze na mag-travel, hindi ko alam paano niya napilit si Doc Perez.



[Hello? Adi? Sorry, hindi ako makakasama sa paghatid ah. Hayaan mo dadalaw na kang ako sa inyo doon..Babe—] si Andre sa kabilang linya.



"Andre Villar! Sino 'yong kausap mo?!" tanong ko sa kanya.




[Hay nako, bes. Tanong mo sa boyfriend mong napakagaling na pasyente.] Napatingin ako kay Jaze at tumawa lang siya. Si Doc Perez ba 'yon?





"I love you, Drei. Mag-iingat kayo ah," niyakap ako ni Tita Debi. "Ate..I'll miss you," ganoon rin ang ginawa ni Ali.







Miski ang pagyakap kay Jaze ginawa rin nila. Mukhang si Jazell na ang paborito at hindi na ako ah? Chos lang.







"Salamat, anak," ani Tita Jeanette at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik.




Nang makapagpaalam na kami ng matiwasay ay dumiretso na kami sa departure area. Bumili muna kami ng pagkain para hindj kamk magutom habang naghihintay. Nakaupo muna kami ni Jazell habang nag-iisip ng makakain.






"Ang ganda mo, love," sabi niya habang tinititigan ako. Nag-susuklay lang naman ako dahil itatali ko ang buhok ko.




"Anong pagbobola 'yan, Jazell Ross?" tumawa ako.







"Sayang, love. Kulang kasi ako ng piso. May gusto akong i-order doon oh," ngumuso siya sa menu na nakapaskil sa may pader ng fast food.







"Aba'y—" hahampasin ko na sana siya. Bigla niyang ipinagkrus ang mga kamay para protektahan ang sarili. "Eto naman. Ilang taon na tayo, hindi ka pa rin mabiro."





Nang maakrating na kami sa bahay ni Tita Debi sa Iloilo ay agad kaming nag-ayos ng mga gamit. Busy na ako sa pagtatanggal ng mga damit sa maleta ko nang mapansin kong nakatayo lang si Jaze sa pintuan.





"May masakit ba sa'yo?" nag-aalala kong tanong. Nilapitan ko siya kaagad. Umiling lang siya at nakatulala pa rin.








"Dito rin ba ako matutulog, love?" nilingon niya ako. Kumunot ang noo ko sa kanya. Anong bang pinag-iisip nito?








"Oo, love. Bakit may problema ba?" Mas mababantayan ko kasi siya kapag magkasama kami sa isang kwarto. Mas mapapabilis kong maibibigay sa kanya ang kailangan niya kung sakaling meron.








"Wa-wala naman." Kitang-kita ko ang ngiti nita na bot hanggang tenga.








Nang matapos na akong mag-ayos ng mga gamit ay pinakiusapan ko ang taga-bantay ni Tita Debi dito kung pwede kami kuhanan ng buko. Mabuti na lang may puno ng buko na tinanim dito sina Tita Debi, kaya napapakinabangan siya hanggang ngayon.








Maya-maya bumaba na rin si Jaze. Inalalayan ko siya papunta doon sa veranda namin, para habang umiinom kami ng buko, ay tanaw namin ang mala-krystal na dagat.








"Saan na tayo pagtapos ito?" tanong ni Jaze. Nahihimigan ko ang excitement sa kanya. Marami sana akong gusto gawin naming dalawa, pero kailangan mag-ingat dahil baka mapagod rin siya.





Under The StarsWhere stories live. Discover now