14

24 2 0
                                    

"Adi, tara na sa cafeteria."






Lunch time na kaya nag-aya sina Jhaz at Jane. Inayos ko lang ang gamit ko at sumunod na agad sa dalawa na naghihintay sa'kin sa pintuan.








Papasok na kami ng cafeteria nang makita ko si Jaze na kasama si Nico na nakapila sa loob. Nataranta agad ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Ilang linggo na rin simula nung naganap ang Foundation Day..at yung nangyari sa exhibit.








"Uhm..May gagawin pa pala ako. 'Di na ako kakain, busog pa rin ako e," sabi ko at hindi na hinintay ang sinabi ng dalawa.








Kung suswertehin ka nga naman ay sinigaw pa nila ang pangalan ko pagkatakbo ko. Sana lang hindi narinig ni Jaze yun. Mas binilisan ko tuloy ang pagtakbo papunta sa library.








Pumwesto na lang ako sa mga shelves at roon naupo. Baka kasi kapag pumwesto ako sa mga tables at makita nila ako agad mula sa labas.







"Excuse me? Alam mo kung saan mahahanap 'to?" tanong ng isang babae. Isa rin ata siyang Senior High student probably Grade 12 dahil hindi siya masyado pamilyar sa'kin.







Tinignan ko naman agad ang pinapakita niya sa papel at tinulungan siyang hanapin iyon. Mabuti na lang nung Junior High ako ay Booklovers Club ako kaya pamilyar na rin ako kung saan nakalagay ang mga particular books.







"Eto po 'yun diba?" tanong ko sa kanya pagkatapos mahanap sa ang libro na sinasabi niya. Ibinigay ko naman ito at agad siyang nagpasalamat sa'kin.







"Thank you—Ano nga pala ulit pangalan mo?" tanong niya pagkatapos matanggap ang libro.









"Adrianna," sabi ko at inilahad ang kamay ko sa kanya. "Kahit Adi na lang," dagdag ko.







"Nice to meet you, Adi. I'm Shane," sagot niya pagkatapos tanggapin ang kamay ko.







Biglang nag-bell ang librarian hudyat na tapos na ang lunch time kaya dapat bumalik na kami sa kanya-kanyang classroom. Nagngitian muli kami ni Shane at sabay nang lumabas ng library.







"Grade 11 ka?" tanong niya sa'kin pagkalabas ng library. Tumango lang ako at ngumiti. Paakyat na sana kami ngunit nakita ko si Jaze na papunta sa gawi namin. Natigilan ako sandali pero nang makabalik sa wisyo ay binilisan ko na ang lakad ko.









"Adi!"







Nagdadalawang isip ako kung lilingunin ko ba si Jaze o hindi. Nang marinig ko ang pagtawag ni Shane ay napalingon ako sa kanilang dalawa. Hindi na pala ako nakapagpaalam ng maayos kay Shane dahil sa pagmamadaling maiwasan si Jaze.








"Ross? Kumusta ka na? Dito ka pala lumipat?" sunod-sunod na tanong ni Shane. Pareho sila ni Jaze na nasa tapat ng pintuan ng library. Ako naman nakahabang na sa hagdanan papuntang third floor.








Hindi ko alam kung bakit napako ako sa kinatatayuan ko. Bakit hindi ako makaalis? Pakiramdam ko may tumutusok sa puso ko nang makita kung ano ang nasa harap ko ngayon.








"Ayos lang naman. Ah, Shane si Adi nga pala," nilingon ako ni Jaze. Paano niya nalaman na nandito pa rin ako nakatayo?







"Ah, oo. Nagkakilala kami sa loob kanina," ani Shane habang nakaturo sa library. Nilingon ako ni Jaze at hilaw lang akong ngumiti.








"Sige una na ako," sabi ko sa dalawa at hahakbang na sanang muli nang pigilan ako ni Jaze. Marahan niyang hinawakan ang palapulsuhan ko. Nagulat ako sa ginawa niya kaya napatingin ako kay Shane. Hilaw lang siyang nakangiti habang pinagmamasdan ang kamay ni Jaze sa kamay ko.








"Puwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Jaze. Kitang-kita ko ang pagkasabik sa mga mata niya.







"Ross? Mangangamusta pa sana ako sa'yo," sambit ni Shane kaya napatingin sa kanya si Jaze.








"Male-late na ako sa klase ko, Jaze. Mag-usap na muna kayo," nang sabihin ko yun ay unti-unting binitawan ni Jaze ang kamay ko. Inisip kong hudyat na 'yon para iwan sila at pumunta na sa classroom.









Pagkarating ko ay nagkakagulo pa rin ang mga kaklase ko. Kumaway si Jane at tinapik ang upuan na nasa tabi niya. Doon naman agad ako dumiretso.








"Tagal mo ah. Saan ka galing? Hinahanap ka pala ni Jaze kanina," sabi ni Jhaz.










"Sa library, nag-aral lang ako," tugon ko.








Natapos ang usual na araw ng eskwela. At dahil maaga ang dismissal namin kapag Thursday ay naisipan muna naming tumambay sa school grounds at manood ng mga varsity na nagt-training dahil malapit na ang Division Meet.









"Si Nico oh!" turo ni Jane at tumakbo na papunta kay Nico na tahimik na nakamasid sa mga taong nasa school grounds.








"Hi," bati ni Nico at nakangiti pa sa'ming tatlo. Naupo naman kami sa bench. Katabi ni Jane si Nico at kami naman ni Jhaz ang magkatabi.









"Asan si Jaze?" tanong ni Jhaz. Kasabay nang pagtanong niya ay natanaw namin si Jaze na papalapit kasama si Shane.







"Ow, sino si girl? Akala ko ba ikaw ang crush Adi?" sunod-sunod na tanong ni Jane. Mariin ko siya kinurot na agad naman niyang inireklamo. Ang babae talagang ito! Mabuti na lang at naglalakad pa lang sila papalapit kaya hindi narinig ang sinabi ni Jane.








"Childhood best friend ni Jaze," simpleng sagot ni Nico. Napatingin ako agad sa kanya at umayos ng upo.







"Mas maganda ka girl," bulong ni Jhaz na katabi ko lang.








Hindi ko naman ipagkakaila na maganda talaga si Shane. Ang buhok niya na hanggang balikat ay sumasayaw kasabay nang paglalakad niya. Nakasuot din siya ng salamin at kapag nakangiti ay nagiging chinita siya.








"Guys, si Shane nga pala," pagpapakilala ni Jaze. Ningitian lang nina Jhaz at Jane si Shane pero dahil kaibigan nila ako, pansin na pansin kong plastic na ngiti lang iyon. Ano bang problema ng mga 'to, wala namang ginagawa si Shane baka mahalata pa niya.









"Adi, diba pupunta pa kami sa bahay niyo?" biglaang tanong ni Jane. Napagusapan ba 'yon? Hindi ko alam ah.








"Oo nga pala, tara na Adi," hinila nila akong dalawa paalis roon. Ang gaya nga ng biglaang plano, napatambay sila sa bahay nang hindi ko inaasahan.







"Nakakahiya, wala tuloy kaming meryenda para sa inyo," sambit ko at naglagpag na ng cheese rolls, pizza at orange juice.










"Oo, Adi, wala talaga merienda," sarkastikong sabi ni Jane. Natawa na lang ako. Nakakahiya kasi baka nage-expect sila nang mas marami na pagkain.







"Wait, so Shane huh," sambit ni Jhaz habang punong-puno pa yung bibig niya sa four-cheese na pizza.





"Girls, hayaan niyo na siya. Wala naman siyang ginagawang masama e," tugon ko.






"Correction, wala pa. Baka bukas makawala siya na ang magustuhan ni Jaze," ani Jane pagkatapos uminom ng orange juice. Andito lang kami sa veranda nakatambay at prenteng nakaupo habang nag-uusap.







"Sabi nga nila change is the only constant thing in this world," ngumiti akong hilaw sa kanila.





Biglang nag-vibrate ang phone ko at nakita ang isang notification.






Nicolas Mendez: Hi, Adi. I know you are having a good time with the girls so I apologize for interrupting. But, can we talk tomorrow? May sasabihin lang sana ako.

Under The StarsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu