36

27 2 0
                                    

"Adrianna, mag-iisang lingo na tayo dito sa New York. Nakatunganga ka pa rin diyan. Paano mo magagawang mag-live a happy life nang ganito."







Hindi ako makapagmukmok ng maayos dahil palagi akong ginugulo nitong si Andre. Buong araw na nga kaming magkasama para sa Fashion Week. Gabi-gabi pang nandito sa hotel room ko.








"Ikaw na lang ang umalis mag-isa, Andre. Naantok na ako." Akma na akong hihiga sa kama pero hinila niya ako patayo. "Gaga! 8pm pa lang oh? Tsaka si Tita mo ang nag-aaya satin. Hala ka, minsan lang iyon makasama dahil siya ang pinakabusy sa atin."







Tuluyan na kong hinila ni Andre. Siya pa ang pumili sa susuotin ko ngayong gabi. Miski pag-aayos ng buhok ko, siya na rin ang gumawa. "Oh ikaw na diyan, kaya mo na yan. Malaki ka na," sambit niya at nilagay ang mga make-up ko sa lamesa.





Nagsuot ako ng white turtleneck at black skirts. Pinatungan ko ito ng beige na coat at nagsuot ng pair of black boots. Si Andre naman, white na turtle neck rin ang pang-loob pero gray ang coat niya at black rin ang pants. Nang matapos kami sa pag-aayos ay nakasalubong na namin si Tita Debi na naghihintay sa lobby ng hotel.





"Wow! Ang gaganda ng mga suot niyo ha," Tita complimented us. "Thanks, Tita," sambit ni Andre. Ngumiti naman ako kay Tita Debi. "You too, Tita."





Hindi ganoon kalayo ang restaurant na kinainan namin. Famous daw ito dahil masarap ang steak rito. Kaya hindi rin mapagkakaila na marami ngang tao.





"Bakit ka kasi pumayag, Drei?" tanong ni Tita sa'kin. Hanggang ngayon ang break-up pa rin namin ni Jaze ang topic nila.






"Ayaw kong makitang nahihirapan siya, Tita. Pakiramdam ko po kasi nahihirapan siya sa sitwasyon namin. Pakiramdam ko pabigat lang ako sa pinagdadanan niya," yumuko ako at pinaglaruan na lang ang pagkain.






"Adi.." marahang hinahaplos ni Andre ang balikat ko. Naawa na rin siya sa'kin, dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako maka get over. Nireto na nga niya ako sa mga lalaki na kakilala niya pero 'di ako pumapayag.





"Once all of this is done, Drei. Pumunta ka kaagad sa kanya," pinisil ni Tita ang kamay ko. Mukhang umaasa pa siya na maayos ang lahat. Ako ba aasa pa? Hindi ko alam.





Naglakad na lang kami pabalik ng hotel dahil masayang maglakad-lakad dito sa New York. Buhay na buhay pa rin siya kahit gabi. Maraming tao, maingay, at magugulo pa ang ibang tao.





"We have a breakfast meeting tomorrow ha. Don't forget," paalala ni Tita. Pagkatapos noon ay pumunta na kami sa kanya-kanya naming hotel room para makapagpahinga.





Nasa iisang floor lang kami at hindi rin magkakalayo ang mga rooms. Actually, magkakatabi nga e' at connecting rin siya. Si Tita Debi ang nag-request noon para hindi daw kami magkakalayo.






"Good morning, Adi!" masiglang bati ni ate Vina. Ngayong week lang siya nakarating dito sa New York. At kasama rin namin siya sa breakfast meeting. Magkakaroon kasi ng collaboration ang V Atelier at Vesta Studio.






"Ate V!" niyakap ko siya. Ngayon na lang ulit kami nagkita e'.





Naging busy kasi sa sumunod na oras dahil pagkatapos ng meeting. Pumunta na kami sa studio kung saan nagaganap ang pagtatahi ng mga damit.





"Adi, I heard some of your designs will be released. Congrats! You deserve it," ngumiti si ate Vina sa'kin. "Thank you talaga, Ate. Isa ka rin sa nagtiwala sa'kin."






Under The StarsWhere stories live. Discover now