24

17 1 0
                                    

"Saan ka pupunta? Umuulan oh! Wala kang payong?"






Hinila ni Jaze ang hoodie ko bago pa ako makalabas ng tuluyan sa bahay namin. Hindi ko rin alam bakit andito siya sa pintuan. Sabado na Sabado, hindi ba siya busy ngayon?






"Aray! Bitawan mo 'ko," isang sabi ko lang binitawan nga niya ako pero nakabukas na ang payong niya. "Nakakatamad magdala ng payong, may bibilihin lang ako."







"Samahan na kita," aniya at mas nauna pang maglakad sa'kin. Kinalaunan hinintay niya rin ako para masilong ako sa payong.






Nakasunod lang si Jaze sa'kin habang tulak tulak niya ang push cart. Ako naman, abala sa pagtitingin sa listahan at pagpipili nang mga pagkain para sa grocery namin.






"Bakit ikaw nago-grocery? Wala si Manang?" pakikiusyoso ni Jaze. "Umuwi muna sa kanila. Ikaw bakit ka nandito?"






Wala naman kaming usapan na pupunta siya. Pero okay lang naman sa'kin, at least nagkaroon ako ng katulong sa pamimili. "Chinecheck ko lang kung gusto mo ng mga surprise."






"Sige, sabi mo e'. Pili ka na ng junk foods diyan. Libre ko na sa'yo, sinamahan mo 'ko e'," sambit ko sa kanya habang abala sa pagkuha ng mga paborito kong chichirya.







"Hindi, okay lang. Healthy living," tugon ni Jaze habang fine-flex pa ang muscles niya. "Flex 'yan?" sabi ko habang nilagay na sa push cart ang pagkain.






"Sakto lang," sambit niya at marahan pang pinalo ang dibdib niya. Napakayabang talaga!






Nakasunod lang siya sa'kin hanggang sa pagkuha ko ng frozen goods, prutas, gulay at mga rekados sa pagluluto. Tinutulungan rin ako ni Jaze sa pagpipili nang magandang klase.






"Alam mo feeling ko meant to be talaga tayo e'," aniya habang pinisil-pisil ang mansanas at tinitignan kung nasa magandang lagay pa ito.
"Paano mo naman nasabi?" nilingon ko siya.







"Parehas tayo na naman sa mga Nanay natin ang pagluluto."







"Dahil lang doon?" kumunot ang noo ko. "Marami pa, sa susunod ko na lang sasabihin."






Hanggang sa makarating kami sa bahay ay sinamahan ako ni Jaze. Nag-presinta pa siyang tulungan ako na ilagay ang mga pinamili namin sa pantry.





"Oh nandito ka nanaman?" natatawang tanong ni Manang kay Jaze. "Bakit po, Manang? Hindi niyo ho ba ako na-miss?"







"Nako! Baka 'pag palagi kang narito magsawa sa'yo si Adi niyan, ikaw rin," natatawang sabi ni Manang at umiling-iling. Nanlaki ang mata ni Jaze at tumingin sa'kin. "Adi, totoo ba 'yun?" nag-aalala na tanong niya.







"Oo," tipid kong sagot. Pero sa loob-loob ko natatawa na ako, ang dali lang pala talaga niyang utuin. "Joke lang!" binawi ko ka agad naka-nguso na kasi siya e'.






Kinabukasan ay pasukan nanaman. Nagsimula na kami sa pagle-lesson. Ang mga ibang subject ay mayroon na ring activities na binigay. Panay groupings nga e', grade 12 na ako pero sina Jhaz at Jane pa rin ang palagi kong kinakausap. Kaya medyo nahihirapan ako kapag iba ang mga ka-grupo ko.





"Ikaw na lang maunang mage-explain, Adrianna a'," sabi ni Eunice, yung leader namin. "Okay, sige."





"Adrianna, may tanong ako," tumabi sa'kin si Cheska. "Bakit?"






Under The StarsWhere stories live. Discover now