EPILOGUE

83 2 0
                                    

Jazell Ross Dizon's POV


"Mama, mamatay po ba ako?"



Kakauwi lang namin galing hospital. At napagdesisyunan ni Mama na sa Manila na lang ako magpapagaling kaya ibebenta na ang bahay namin dito sa Iloilo.




"Hindi, anak. Magpapagaling ka sa Manila," hinalikan ni Mama ang noo ko.




Leukemia. Stage 2. Sa pagkakaalam ko, wala pang gamot sa Leukemia kaya hindi ko alam kung pampalubag loob lang ba ang sinabi ni Mama sa'kin.



Habang abala sila sa pagliligpit ng mga gamit namin. Bumaba muna ako sa dalampasigan para makapagmuni-muni. Nang papalapit ako sa may dagat natanaw ko ang isang tao na mag-isa lang roon. Nakayuko at mula sa kinatatayuan ko, rinig ang mga hikbi niya.




Kinapa ko ang bulsa ko at tsaka lumapit para ibigay sa kanya ang panyo. May problema rin kaya siya kagaya ko? Sa bagay, lahat naman ng tao may problema. Kanya-kanyang pananaw kung mababaw lang ba ito o malalim.




"Ano ba 'yan pagkatapos mo singahan ibabalik sa'kin? Sayo na 'yan Ms." natawa ako sa ginawa niya. Mukhang ako pa palalabahin nito ng panyo kong may sipon. Paborito ko pa naman iyong panyo.



"Salamat," ani ng babae. Hindi ko alam kung aalis na ba ako o kukumustahin pa siya. Kaya nang tawagin ako ni Mama. Umalis na lang agad ako. Paalis na rin kami bukas, mahirap para sa'kin ang makaiwan ng kaibigan dito.




"Jaze!" sigaw ni Mama. Agad na akong pumasok sa loob para makapagpahinga.




Ilang buwan magmula noong makalipat kami rito sa Manila, ay masasabi kong kahit papaano ay nakapag-adjust na ako. Ngayon, ay intramurals namin, sumali ako ng basketball team kahit ayaw ni Mama. Ang sabi ko kailangan lang namin ng jersey lahat kaya pinayagan niya ako.



"Huwag magpapakapagod, Jazell Ross ha. May check-up ka next week," paalala ni Mama. Oo na ako na, ako na ang matigas ang ulo dahil magba-basket ball pa ako. Gusto ko lang naman ma-enjoy ang buhay ko bago..



"Aray!" sigaw ko. Mukhang pinulikat ako, hindi ko ata naayos ang stretching kanina.



"Hala! Sorry po!" sabi ng ate na nasa tapat ko. Anong ganap nito?



"Ay ate hindi. Pinulikat ako," tugon ko. Akala niya ata natapakan niya ako.



"Yiieee!" sabay na asar ng mga kasama niya at ang kaibigan kong si Nico.


"Siraulo ka. Tara na nga!" hinigit ko ang kaibigan. Nakakahiya 'yong trip nito ni Nico.



Magmula noong nakabangga ko siya, palagi ko na siyang nakikita. Naging close pa nga.



"Hoy Jaze! Ayusin mo 'yong kuha sa kapatid ko ah," singhal niya sa'kin.



"Oo, ako bahala. Ang ganda ganda ng kuha ko e'," pinakita ko pa sa kanya. Tinanguan niya lang ako.




Hindi ko alam kung bakit, pero panay ang sulyap ko kay Adi. Nagulat nga ako nang siya na pala ang kinukuhanan ko na ang picture at hindi ang kapatid niya. Mabuti na lang hindi niya napansin.




"Tapos na ba Jhazmin? Aalis kasi ako. May lakad lang." Mayroong emergency meeting ang officers ng club namin. Kasamahan ko sina Jhaz at Jane.




"Hay nako, Jaze. If I know, gusto mo lang puntahan si Adi sa library," sabi ni Jhaz sa'kin. Tumawa naman ng malakas si Jane. Ganoon ba ako ka obvious?



Under The StarsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant