03

60 3 0
                                    

"Ang bilis maglakad ha. May secret ata kayo e."




Nakasunod na pala sila sa'min ni Jaze. Ngiting nakakaasar yung binigay nila lahat sa'ming dalawa.





"Sadyang mahaba lang legs ko." pinakita pa ni Jaze ang legs niya. Nagtawanan na lang kami. Nauna nang maglakad palabas ng gate sina Jhaz, Jane, Ali at Nico.






"Wait. So ikaw yung nagbigay sa'kin nito?" tanong ko sa kanya. Ilang buwan lang iyon pero nakalimutan ko na ka agad. Mabilis nga ata ako makalimot o sadyang gabi na kasi 'yun kaya hindi ko siya maaninag nun masyado.






"Oo nga kulit naman. Kaya pala pamilyar yung mukha mo sa'kin, nagkita na pala tayo noon." sambit niya.




"Sige nga kung ikaw 'yon, anong ginagawa ko noon?" panghahamon ko sa kanya.





"Umiiyak ka, kaya nga binigay ko yung panyo sa'yo e. Naalala mo ba, ibibigay mo pa nga dapat 'yun sa'kin e may sipon mo na 'yun? Yuck kadiri." umakto pa siyang nandidiri. Tama nga, siya nga iyon.




"Pahiram na muna, babalik ko ulit bukas." kinuha ko ang panyo sa kanya at ginamit kong panali sa buhok ko. Pinagmamasdan niya lang ako.






"Ano ka ba bata? Akin na nga ayusin ko." sambit niya at pumunta sa likod ko para ayusin ang ginawa kong pagtali gamit ang panyo niya. Maingat niyang hinawakan ang buhok ko. Hindi naman siya babasagin pero parang ganun ang turing niya.







"Sorry ha. Wala kasing salamin kaya hindi ko makita ang itsura ko. Aayusin ko naman ulit mamaya e." inis kong sabi. So tingin niya sa'kin bata? Mas matanda lang naman siya ng isang taon sa'kin.






"Ay level up na 'yan?" panunukso ni Jhaz. Lumingon tuloy sila para tignan kung ano yung tinutukoy ni Jhaz.







"Ang tagal naman." reklamo ko. Pinagmamasdan na kasi kami ng mga kaibigan namin e. Nakakahiya baka kung ano ang isipin nila.





"Eto na." sabi niya at biglang hinarap ako sa kanya. "Ayan ayos na. Mas marunong pa ako sa'yo e hays." pagyayabang niya.





Bigla kong naalala si Mama, siya kasi ang laging nagtatali ng buhok ko. Minsan pa nga pag gusto ko ng braid gagawin niya e. Kaya aminado ako na hindi ako ganun kaayos magtali ng buhok dahil nasanay ako na nandyan si Mama.






"Huy okay ka lang?" nagtatakang tanong ni Jaze. Tumango lang ako. "Akala ko hindi ka natuwa sa sinabi ko, joke lang yun ah." dagdag niya.






"Tara na ate, andyan na si Tita Debi." marahan akong hinila ni Ali papunta sa sasakyan ni Tita. Mukhang napapadalas ang pagsundo niya sa'min ah.





"Hi Tita!" kaway naman ni Jaze. Nagtawanan ulit sina Jane sa ginawa niya. "Meet the family naman pala 'to." sabi niya.





"Mauna na kami, Adi." paalam ni Jhaz. "Sige" kaway ko sa kanila. Ganun din ang ginawa ko kay Nico na nagpaalam na rin.






"Hello Ross." ngiti ni Tita sa kanya. "Are those your friends? Aayain sana natin na mag dinner sa restaurant ni Mrs. Dizon, to celebrate Ali's victory." sambit ni Tita.





"Sayang naman. Next time na lang po siguro." ngiti ni Ali at pumasok na sa kotse ni Tita.




"Ross, sabay ka na sa'min, papunta kami sa Mama mo." ani Tita Debi kay Jaze.



Under The Starsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें