22

22 3 0
                                    

"Baka kasi nami-miss mo na ako e'."





Pabiro ko siyang sinapak. Pilit naman niyang isinasangga ang kamay para proteksyunan ang sarili.






"Miss mo mukha mo," irap ko sa kanya. Natawa naman siya. "Binisita ko lang yung bahay namin," aniya at tinuro ang bahay na katabi lang nang kay Tita Debi. Oo nga pala, dito kami unang nag-usap.







"Huh? E diba sabi binebenta na raw iyan?" kunot noo kong tanong. Ayon kasi ang naalala ko dati. "Oo nga. Paano mo nalaman?" tanong niya.






"Kinabukasan kasi noong nag-usap tayo, dapat ibabalik ko na yung panyo mo sa'yo. Kaya lang nakaalis na pala kayo noon. Sabi nung caretaker ibebenta na raw kasi pupunta nga kayong Manila."





Umupo siya sa kabilang beach lounge chair na katabi lang nang hinihigaan ko ngayon. "May balak ka pa lang ibalik yung panyo, akala ko wala na e. Grabe punong-puno ng sipon 'yon."





Lumapit ako sa kanya para sana hampasin siya pero nakaiwas naman siya ka agad. "Alam mo ikaw, trip mo talagang asarin ako no?"






"Ikaw lang ang trip ko," sambit niya. Natawa kami pareho. Hawak-hawak ko pa ang tiyan ko sa kakatawa. Siya naman, panay hipo sa batok nahihiya na natatawa siguro 'to.





"Di bagay."





"Di bagay?"






Sabay naming sinabi. Hindi ako sanay na bumabanat siya, hindi siya ganoon. Mas kilala ko siya bilang mapang-asar. Kaya naninibago ako kapag bumabanat siya nang ganiyan e'.





"Ang hirap mo naman pakiligin, Adi," ngumuso siya.






"Hindi mo naman kailangang pakiligin ako e'. Ikaw lang sapat na," tumawa ako sa sarili kong sinabi. Hindi rin ako sanay na ganoon, kaya pakiramdam ko ay nandidiri ako sa sarili kong mga salita.







"Hala! Bakit ganoon?" tanong niya sa'kin. Napansin kong hinawakan niya rin ang dibdib niya at parang dinadama ito. "Ano meron?"








"Bakit kinikilig ako?" tugon niya. Mas lumakas naman ang tawa ko. Seryoso ba siya? Ganoon ang impact nang mga salita ko sa kanya? "Baka naman pinagti-tripan mo lang ako."







"Ate! Tara na!" sigaw ni Ali mula sa itaas. Naroon kasi siya sa beranda at kinakailangan mo pang bumaba para lang makalapit dito sa dalampasigan.






Tumayo na ako mula sa pagkakahiga sa lounge chair. Sumunod naman siya sa'kin paakyat sa bahay.






"Wala daw driver na maghahatid sa'tin, Ate. Paano 'yon?" bungad ni Ali nang makaakyat na kami. "Hmm. Malapit lang naman siya e', lakarin na lang natin?"






Napagdesisyunan naming tatlo na lakarin na lang ang sementeryo kung nasaan si Mama. Pumayag naman si Jaze. Nagsimula na kaming maglakad para pagbalik namin ay maliligo na lang kami sa dagat.







"Lintek. 'Di mo naman sinabi paakyat pala 'to," hingal na hingal na saad ni Jaze. Mataas kasi ang daan papunta sa sementeryo. Naglalakad nga lang kami sa gilid, dahil ang daming sasakyan na dumaraan e'.








"Oh," inabot ko sa kanya ang water jug na dala-dala ko. Buti na lang naisipan kong dalhin 'yon. Napansin kong tumutulo rin ang pawis niya sa noo. Naisipan kong punasan iyon gamit ang panyo na dala-dala ko rin.







Under The StarsWhere stories live. Discover now