27

17 2 0
                                    

"Kumusta ang pakiramdam mo?"







Hinaplos niya ang buhok ko at inabutan nang baso ng tubig. Andito na kami sa bahay, hinatid ako ni Jaze. Kinuwento ko na rin sa kanya ang nangyari sa'min nina Jane at Jhaz.








"Maayos niyo rin 'yan. Kailangan niyo lang talaga mag-usap. Dapat maging open kayo sa nararamdaman niyo para alam ng bawat isa kung ano ang aayusin. Kilala ko naman kayo e', nakikita kong mahal niyo rin ang isa't isa," ani Jaze at pinunasan muli ang luha ko.







"Thank you..mahal" ngumiti ako sa kanya at sumandal sa balikat. "Ano? Paki-ulit nga," pang-aasar niya, kinikiliti pa nga ang tagiliran ko e'.







"Ewan ko sa'yo, ikaw ang nagsimula e'."






Tahimik lang naming dalawa dito sa sala. Naka-akbay siya sa'kin at nakayakap naman ako sa kanya.






"Ang tahimik, 'di ako sanay. Bumanat ka naman," sambit ni Jaze. Kumunot ang noo ko sa kanya pero maya-maya ngumiti rin ako. "Alarm clock ka ba?"







Kinilig siya at ngumiti sa'kin. "Bakit?" tanong niya sa nagliliwanag na mata. "Umaga pa lang kasi, ikaw na ang gusto kong patayin," humalakhak ako pagkatapos kong sabihin iyon. Sumimangot naman siya.








"Adrianna Brielle, naman!" marahan niya akong hinila at ginulo ang buhok ko. Tawa lang kami nang tawa na dalawa. Sa tuwing kasama ko si Jaze, pakiramdam ko wala akong iniinda na problema. Lagi niyang pinapagaan ang pakiramdam ko, lalo na kapag nalaman niya malungkot ako.









Maya-maya bigla na lang may nag door-bell, tumayo ako para tignan kung sino iyon. Nagulat ako nang makita si Jane at Jhaz na nakatayo sa harap ng pintuan namin. Binuksan ko kaagad ang pintuan. Unti-unting tumulo ang luha ko, napansin ko ring nagpunas ng luha sina Jhaz at Jane.








"I'm sorry.." satay-sabay naming sinabi. Nagkatinginan muna kami bago tumawa. Maya-maya umiyak nanaman kami at nagyakapan.








"Ano ba 'yan, para tayong tanga."






Papasukin ko sana sila sa loob para makapag-usap kami. Saktong paglingon ko nakasandal si Jaze sa gilid ng pintuan habang naka-krus ang mga braso niya sa dibdib niya.






"Ano namang ganap mo diyan, Jazell?" tanong ni Jhaz at sinundan na ako papasok sa bahay. Pinaupo ko rin sila sa sala.







"Love, doon na lang muna ako sa garden niyo. Para makapag-usap kayo," bulong ni Jaze na nakaupo sa tabi ko. "Sure ka?" Tumango lang siya at ngumiti. Hinalikan niya muna ang noo ko bago pumunta sa garden.








"Ang taray oh, sino ka diyan?" ani Jane nang makita yung ginawan ni Jaze. Yumuko na lang ako dahil nahiya ako tsaka pakiramdam ko namumula rin 'yung pisngi ko.







"Sorry talaga, sa sobrang kaba ko sa presentation hindi ko nasabi kay Miss."








"Okay lang, nagtagal rin kasi talaga kami. Hindi namin napansin 'yung oras," tugon ni Jhaz. "Paano 'yon? Ano bang sabi ni Miss?"










"First warning daw at huwag nang uulitin," sabi ni Jane. "Tsaka ano ba kayo, graduation na next week magaaway-away pa ba tayo?"









Tama. Ngayong Linggo magiging busy kami sa graduation practices. Ang bang students naghahabol pa rin sa requirements para matapos na 'yung clearance nila. Nang matapos na kami sa heart-to-heart talk ay tinawag ko nang muli si Jaze.







Under The StarsOnde histórias criam vida. Descubra agora