Chapter46(ToT)

8.1K 181 35
                                    

Justacrazywriter:

May nakahula ng clue ^^ saka ko na i-aanounce. Hehehe.

May pinost nga pala akong new story. Fanfic po siya about Nu’Est. So sa mga L.O./\.E po dito if my time kayo, try niyo po siyang basahin :D

Paki-click na lang po ang external link. Thanks in advance :*

===============

(Play the vid on the side, BG music :D and check out the new cover)

ASH’S POV

“Yna, aalis na ako ha? Sure kang di ka papasok?” nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako, tapos tumango. After that tulala na naman siya.

Haaay! Naaawa at nag-aalala na ako kay Yna, ayokong nakikita siya na ganyan.

“Sige, papunta na nga pala si kuya Josh dito. Una na ako.” I said at niyakap siya.

Naramdaman ko naman ang paggalaw ng mga balikat niya, at may narinig akong hikbi mula sa kanya. Umiiyak na naman siya.

“Don’t worry, magiging okay rin ang lahat.” I said.

Bumaba na ako sa sala at tamang tama dumating na si Kuya Josh.

“Nasaan si Yna?” bungad na tanong niya.

“Nasa kwarto po niya, umiiyaka na naman.” Sagot ko.

Napa sigh na lang siya. “Kumain na ba siya?”

Umiling lang ako bilang sagot.

“Hayst! Humanada talaga sakin ang Kean na yan pag nakita ko siya!” inis na sabi ni Kuya Josh at umakyat na sa kwarto ni Yna.

Lumabas na rin ako ng bahay at hinintay na dumating si Hiro.  Nakaka inis naman si Sir Kean! Akala ko ba mahal nya si Yna? Bakit niya hiniwalayan si Yna? Ayan tuloy si Yna laging umiiyak, tapos ayaw nya pang kumain, tulala pa minsan. Buti na lang at nandito si kuya Josh, hindi ko kasi alam ang gagawin ko kay Yna.  Mamaya, humanda talaga ang Sir Kean na yan sakin!

Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now