Chapter Twenty-five

10.8K 270 51
                                    

[Kean’s POV]

“KEAN!” napalingon ako sa bandang kaliwa ko at nakita ko naman sina Josh at Angel na kumakaway. Agad naman akong pumunta sa direction nila.

“Kean namiss ka namin!” bungad ni Angel sakin.

“Namiss ko rin kayo.”

“Tara na” Sabi ni Josh na naka-akbay sa'kin. Agad naman kaming pumunta sa sasakyan ni Josh at sumakay.

“Kean alam mo bang maraming nakamiss sa'yo? Isa na dun ang mga students mo. Haha! Iba na talaga karisma mo” Angel said happily.

I just laughed. Si Yna namiss niya rin kaya ako? Excited na akong makita siya.

Later on ay dumating kami condo unit ko. Dito na ako dumiretso dahim wala rin namang tao sa bahay. Kasama ko pa rin sina Josh at Angel. Ang ingay ingay nilang dalawa, lalo na si Angel sobra niya daw kasi akong namiss.

“Kean nasaan na ang pasalubong ko?” Angel asked.

Hinalungkat ko naman ang bag na dala ko at binigay sa kanila ni Josh ang pasalubong nila. After that nagkwentuhan lang kami at makalipas ang ilang oras umuwi na si Angel. May gagawin pa daw kasi siya kaya kami na lang ni Josh ang naiwan.

“Alam mo bang miss na miss ka niya” uminom muna ako ng root beer na binili ni Josh bago nagsalita.

“I missed her so much too.”

“Inlove ka talaga sa kapatid kong 'yun. Parehas lang kayo. Gusto mo bang tawagan ko siya ngayon?” sabi niya.

“No. Gusto ko siyang sorpresahin bukas.” napangiti ako dahil na-iimagine ko ang magiging reaction niya.

“Sigurado ako masu-sorpresa siya. Kean usapang lalaki to’ huwag na huwag mong sasaktan ang kapatid ko dahil ako makakaharap mo." biglang sabi ni Josh.

“Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Yna diba? Huwag kang mag-alala hindi ko siya sasaktan” sabi ko. Bumakikita ko na siya ulit.

Kinabukasan, pagkatapos kong gawin ang morning routine ko agad akong sumakay sa kotse at ready nang pumunta sa school. Excited na ako.

Dumating ako sa school ng 8:00 AM, dumiretso ako sa faculty room ng CBA para sabihan ang dean na nakabalik na ako.

“Mr. Taylor, pwede ka na ulit bumalik sa schedule mo. Meanwhile ikaw Mr. Hoon ang magtuturo sa ibang handle na klase ni Mr. Taylor.” sabi ng dean sa'min.

“Yes Ma'am.” We both said.

Si Mr. Hoon siya 'yung nag-sub sa'kin nung umalis ako papuntang France. At pinapili kami ng dean kung anong section ang tuturuan namin since regular na si Mr. Hoon sa school. Syempre isa sa mga pinili ko ang section nila Yna.

At ngayon ay papunta na ako sa classroom nila.

“Kean sandali!” Pagpipigil sa'kin ni Angel.

“Bakit?” tanong ko.

“Pakisabi naman sa students mo na pumuntang gym, may program kasi. Don’t worry nasabihan na ang iba, 'yung section nila Ms. Parker na lang ang hindi pa.” sabi niya. Tumango naman ako at umalis na.


Nandito na ako sa labas ng classroom nila. Binuksan ko ang pinto at pumasok.

“Good mo---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi.

Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now