Chapter Thirty-seven

9.3K 207 14
                                    

[Yna's POV]

Kinabukasan ako ang pinaka huling lumabas ng kwarto dahil late akong nagising. Pumasok agad ako sa CR para ayusin ang sarili ko at pagkatapos lumabas na ng kwarto.

Pagbaba ko sa sala walang tao kaya dumerecho ako sa garden para tignan kung nandoon sila pero wala rin. Nasaan kaya sila? Bumalik na lang ako sa loob at nakasalubong ko naman si Kean.

"Good morning boo" bati niya kaya napangiti naman ako. Nakaka good vibes talaga kapag ganito kagwapo ang makikita mo sa umaga.

"Morning din. Nasaan sila Ash?" lumapit siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko.

"Namasyal silang lahat. Come on let's eat" hinila niya ako papunta sa kusina at pina-upo habang siya ay naghahanda ng breakfast.

Napangiti naman ako habang pinapanuod siyang nagluluto. Ang swerte swerte talaga ng mapapang-asawa ni Kean. He's so sweet, caring, lovable and so attractive. Pero sa ngayon masasabi kong ang swerte swerte ko dahil boyfriend ko ang isang Kean Taylor.

Tumayo ako at niyakap siya mula sa likod. Sinandal ko ang ulo ko sa likod niya kaya napatigil siya sa ginagawa niya at hinawakan ang mga braso kong nakapulupot sa waist niya.

"I love you" bulong ko sa kanya at kahit hindi ko nakikita alam kong nakangiti siya.

Magsasalita pa sana siya pero biglang tumunog ang tyan ko kaya napatawa siya.

"Umupo ka na tapos na rin naman 'to." sinunod ko naman siya na nakasimangot. Panira ng mood ang tyan ko psh.
* *
[Kean's POV]

Pagkatapos naming kumain ni Yna, pumasok ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Sinabihan ko kasi siyang magswimming kami since may pool naman sa backyard ng bahay.

Lumabas na ako ng kwarto at saktong kakalabas pa lang niya sa kwarto nila, napatigil ako at napatitig sa kanya dahil sa suot niya. Damn she's so beautiful and sexy! Nakasuot kasi siya ng two piece at pinatungan niya ng see-through top na above the knee.

"Boo tara na?" nabalik ako sa wisyo nang marinig ko siyang magsalita. Kaya tumango ako bilang sagot.

Naligo at naglaro lang kami sa pool, minsan naman nagkukulitan. She looks so happy and I'm glad because I'm one of the reasons.

"Boo pagod na ako pahinga muna tayo." umahon siya sa pool kaya sumunod ako.

Nagpakuha rin ako ng pagkain at inumin kay manang. Umupo naman siya sa white long chair kaya tumabi ako sa kanya.

"Are you enjoying?" tanong ko habang dahan-dahang pinupunasan ang mukha niya ng towel.

"Yes! Thank you so much boo, hindi na boring ang sem-break ko." kinuha niya ang towel na hawak ko at ang mukha ko naman ang pinunasan niya.

"Anything for my boo" sagot ko kaya napangiti siya at halata ko ang pamumula ng mga pisngi niya. She's blushing how cute.

"Kean you never fail to make me smile." pinulupot niya ang mga braso niya sa waist ko habang nasandal ang ulo niya sa balikat ko.

"And you never fail to make me fall in love with you again and again." I said and kissed her head.

"Kyaaaah! Kayong love birds talaga ang hilig magpakilig." napatingin kami ni Kean kay Ash na tumitili. Kaya sinamaan siya ng tingin ni Yna.

"Hay naku! Kayo ha masyado ng nilalanggam ang vacation house ni Sir Kean." pang-aasar ni Ash kay Yna. Nakabalik na pala sila mula sa pamamasyal.

Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now