Chapter Four

15.1K 355 58
                                    

[Kean's POV]


 Chine-Check ko ang mga quizzes ng mga students ko. At napatigil naman ako nang biglang kumatok ang secretary sa pinto at nagsalita.


"Kean, may naghahanap sa'yo na mga studyante." sabi niya.


"Ma'am, sabihin niyo na lang po na busy ako." sabi ko naman sa kanya. Sumagot naman siya ng 'okay' saka lumabas. Makalipas ang ilang segundo ay pumasok ulit siya.


"Kean! Importante daw." 


"Aissshhh! Sino daw po?" nakakainis naman, may mga students talagang hindi nakakaintindi! Lumabas ulit si Ma'am Nette, ang secretary namin.


"Sino daw Ma'am Nette?!" naiinis kong tanong sa kanya.


"Ashly at Yna daw ang pangalan. Importante lang daw." pagkarinig na pagkarinig ko sa mga pangalan na 'yun agad akong napatayo sa kinauupuan ko.


"Ganun ba? Sige lalabas na ako."  sabi ko. Lumabas na rin si Maam Nette at sumunod naman ako sa kanya. Ano kaya ang importanteng kailangan nila Yna? 

----

Nakalabas na ako ng Faculty room at nakita ko sila Yna na nakaupo sa couch, parang balisa naman itong si Ashly. May nangyari kayang masama?


"Hanap niyo daw ako?"  bungad ko sa kanila.


"Sir! Naku buti naman at lumabas ka na." exclaimed ni Ashly.


"Kean kain muna ako ah. Ikaw na bahala dito." pagpapa-alam sa akin ni Ma'am Nette. Tumango naman ako bilang sagot. Agad ko namang binalik ang atensyon ko sa kanilang dalawa.


"May kailangan ba kayo?"  tanong ko sa kanilang dalawa.


"Ash! Ako na lang magsasabi kay Sir." Sabi ni Yna kay Ash. Huminga muna ng malalim si Yna bago nagsalita.


"Sir Kean..Ano...Kasi ...paano ba?...Si...Ano kasi..MMMPPPP" hindi na nakapagsalita si Yna dahil tinakpan ni Ashly ang kayang bibig gamit ang kamay nito.


"Aisshh! Ako na nga lang!" iritableng sabi ni Ashly.


"Sir Kean! WE BADLY NEED YOUR HELP! AS IN H-E-L-P!!!" 


"Ha? why? may nangyari bang masama?" tanong ko kay Ashly.


"Sir, nag-aasaran po kasi kami kanina ni Yna then nauwi sa habulan ang asaran namin. At dahil sa nag-eenjoy kami sa habulan portion namin, hanggang second floor narating namin at nagsisigawan pa kami."  pagkwento ni Ash. "At dahil sa nag-eenjoy kami nawala sa isip namin na may on-going classes pa pala, And the wrost is Mrs. Kilabot caught us at sinabi niyang paparusahan niya kami at kakausapin namin ang dean. Sir ayaw pa naming masuspend. Sir can you help us?" pagpapatuloy niya sa kwento.

Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now