Chapter Five

15K 315 30
                                    

[Kean's POV]

Nandito ako ngayon sa condo ko, writing on my diary. I know it sounds so gay pero paki ba nila. Hindi naman ako talaga gumagamit ng diary dati, but when the day I met her again naisip kong isusulat ko lahat ng araw na kasama ko siya. At dahil sa nakasama ko siya ngayong araw, I will write this day on my diary.



Diary,

Yna's so beautiful today. And guess what? We're having a lunch together but with her bestfriend. I'm excited!
                             
-Kean T.




"Excited na ako bukas!" sabi ko sabay higa sa kama with a smile on my face.

- - - -
[Yna's POV]



"Good Morning Sunshine!" Exclaimed ko habang nag-iistretch ng katawan.



Kakagising ko lang and good thing is may time pa ako para makapaghanda before going to school. Bago ako natulog kagabi sinigurado ko nang na-iset ko ang alarm clock ko para iwas late. Hirap kaya maging late hindi ka na nakakapag breakfast at kung anu-ano pang routines ng mga babae before going to school or work. Pagkatapos kong maligo at kung anu-ano pa, lumabas na ako ng bahay at ready ng pumunta sa school.



Wednesday pala ngayon so wash day, sa school kasi namin every wednesday and saturday ay civillian attire.



Ten minutes before the time ay dumating na ako school. Medyo maaga pala ako kaya tumambay na lang ako sa CBA lounge at doon ka na lang hihintayin si Ash.



Makalipas ang ilang minuto dumating na rin sa wakas ang prinsesa ni Miko Martinez; which is Ashly Rodriguez.



"Good morning Yna!" bati sa akin ni Ash.



"Morning din! Buti naman at dumating ka na. Munting prinsesa ni Miko Martinez." Bati ko sa kanya with matching asar.



"Aba! Hoy hindi ko gusto si Miko! Kaya tumigil ka na" pagdedeny niya. Denial queen talaga.



"Weh? Eh ano yung nabasa ko sa phone mo? I Love Miko."  sabi ko at nagsmirk sa kanya.



Agad naman niyang tinakpan ang bibig ko at nagpalingon lingon sa paligid. "Oo na! Kaya tumahimik ka na, baka may makarinig sa'tin." sabi niya sabay alis ng kamay niya sa bibig ko.



"Okay. Tara na nga sa classroom" sambit ko at lumakad na papuntang classroom.



"Anyways, saan nga pala tayo magkikita ni Sir Kean?" biglang tanong ni Ash nang makarating kami sa room.



"Sa parking lot daw." sagot  ko naman sa kanya.



"Weee! Excited ako hahaha! Saan kaya tayo kakain?" excited niyang sabi, kaya sinagot ko siya ng "Edi sa kainan, saan pa ba?" at nagpout naman ang bruha dahil dun.

"Hmmmp! I'm sure hindi sa canteen." 

"Bakit naman?" tanong ko sa kanya.



"Syempere, kapag doon tayo kumain with Sir at makikita tayo ng mga ibang students iisipin nilang epal tayo sa kanya. Or worst na isa sa atin ay girlfriend ni Sir Kean." sagot niya at tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

- - - -
12:00 na meaning tapos na ang klase at lunch time na, means 'yung punishment ni Sir Kean.



"Tara na, Ash?" yaya ko kay Ash kaya napatingin siya sa'kin.

"Naku! Sorry Yna hindi ako makakasama." malungkot niyang sabi.

"Ha? Bakit naman?" 

"Tumawag si Mama pinapauwi ako. Importante daw eh." sabi niya.

"Paano si Sir?"

"Ikaw na lang ang sumama or isama mo si Miko." suggest niya. Bigla naman akong nanlumo. Ash naman kasi.



"Sige. Ingat na lang." nagpaalam na ako sa kanya at ganun din naman siya.



Hahanapin ko na lang si Miko. Lumabas na ako ng library para hanapin si Miko. Yes hindi kami galing sa classroom kasi diba every MWF ang klase lang namin sa umaga eh mula 7:30-10:30 tapos ang iba sa hapon na. Kaya ayun nagtiyaga kaming maghintay ni Ashly sa library.



Nalibot ko na ang buong CBA lounge di ko pa rin nakikita si Miko. Kaya tinext ko na lang siya. After ilang seconds ay nagreply naman siya.



From: Miko 

Nasa bahay na po. Why?



Nireplyan ko naman siya pagkatapos umupo sa bench. Ehhhh! Wala akong kasama! Tumingin naman ako sa relo ko at 12:15 na grabe fifteen minutes kong hinanap si Miko? Anong gagawin ko? Ayoko namang indianin si Sir. Ako ang humingi ng punishment ako ang hindi sisipot? Napaka talkshit ko naman kung ganun. Tsk! Akala ko napakadali ng parusa ni Sir mahirap pala... kapag wala kang kasama.



Pagkatapos ko makipagdebate sa sarili ko ay pumunta na ako sa parking lot at nakita ko si Sir Kean na nakaupo sa may bench. Siguro inip na inip na siya.



"Sir" lumingon naman si Sir sa akin.



"Akala ko hindi na kayo darating." sabi niya. Bigla naman akong naguilty, pinaghintay ko siya.



"Sorry po Sir kung natagalan ako." nahihiya kong sabi. Grabe nahihiya ako kay Sir.



"Okay lang. Teka nasaan si Ashly?" tanong niya. Sinabi ko naman kay Sir ang dahilan ni Ashly.



"Sayang naman. So, let's go?" tanong niya. Nagnod naman ako bilang sagot.



Pinagbuksan naman ako ni sir ng pinto ng kotse niya. Wow naman may kotse pala 'tong si Sir. Nang makapasok na kami si kotse agad ko naman siyang tinanong kung saan kami kakain.



"You'll see" sabi niya at ngumiti. May pasurprise effect pa 'tong si Sir.



Nagtaka naman ako ng hindi pa pinapaandar ni Sir ang kotse kaya tumingin ako sa kanya at nakatingin din siya sa akin.



"Bakit po Sir?" tanong ko sabay check na rin ng mukha ko sa screen ng phone. Malay ko ba kung may dumi pala.



"Ahh.. 'yung seatbelt, isuot mo." sabi niya sabay turo 'dun sa searbelt. Napa 'oh' naman ako at sinunod na rin ang sinabi niya.



And he started the engine. I don't know pero naeexcite ako.

- - - -
Chapter Five end! Let's follow each other on twitter and talk there, @MSnoonaxx my twitter.

Diary ni Teacher{Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon