Chapter Thirty-nine

8.5K 201 17
                                    

[Yna's POV]

“Sa wakas at enrolled na tayo!” exclaimed ni Ash.

Nandito kami sa school at nag-eenroll para sa second semester. Yes, enrollment na, parang kailan lang sembreak pa tapos ngayon enrollment at next week klase na naman ulit. At hanggang ngayon hindi pa nakakabalik si Kean from France. Miss ko na siya.

“So ano na? Saan tayo after this?” tanong ni Miko.

Tara sa mall?” suggest ni Hiro sabay akbay kay Ash.

“Sige! Let’s go!” nagsimula na silang maglakad habang ako ay nakatingin lang sa kanila kaya napatigil sila at tinawag ako.

“Ash kayo na lang hindi ako sasama.” sabi ko sa kanila. Wala ako sa mood gumala ngayon.

Lumapit si Miko sa'kin at inakbayan ako.“Yna sumama ka na, huwag mo munang isipin si Sir Kean okay? Tatawag rin 'yun mamaya..busy lang siguro. Kaya sumama ka na hm?” sabi ni Miko assuring na tatawag si Kean. Hindi pa kasi tumatawag si Kean since yesterday.

“Sumama ka na Yna. Enjoy muna tayo hm?” dagdag ni Hiro.

“Tama sila Yna. I’m sure busy lang si Sir Kean.” Sabi naman ni Ash kaya tumango na lang ako bilang sagot.

Pagdating namin sa mall ay nag-ikot agad kami tapos namili ng kung anu-ano. Nang mapagod at nagutom pumasok kami sa isang fastfood. Pagkatapos naming kumain, nagpahinga muna kami sandali. Medyo sumakit kasi mga paa namin, sobrang dami ba naman kaming pinasukan na mga stores.

Nag-uusap lang sila Hiro at Ash, tapos si Miko naglalaro sa cellphone niya. Ako naman minamasahe ang paa ko. And suddenly my phone rang. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag, and I smiled to myself when I saw who’s calling. Nagpaalam lang ako sa kanila na sasagutin ko muna ang tawag.

Nang makalayo, agad kong sinagot ang tawag.

“Hello boo!” Bungad ko.

[Boo sorry kung ngayon lang ako nakatawag. How are you?]

“I miss you so bad.”

[Kung alam mo lang Yna gaano rin kita kamiss. Anong ginagawa mo?]

“Nandito ako sa mall. Kasama ko sila Ash tapos na nga pala kaming mag-enroll kanina.” namiss ko talaga siya.

[Good tapos na ang lunch dyan right?] tanong niya.

“Opo” sagot at tumango pa na as if naman na nakikita niya.

[Did you eat your lunch?]

“Yes kumain na po ako.”

[Very good. So I’ll hung up na?]

“Wag muna! Ah, boo since start na ng classes next week...ibig sabihin by this week uuwi ka na?” tanong ko. Mga ilang seconds siguro bago siya nakasagot.

[I’ll hung up na] He said. Magpo-protesta pa sana ako pero tinapos na niya talaga ang tawag.

Bumalik ako sa tabi ni Miko na nakasimangot. Nakaka inis naman si Kean hindi na nga siya tumawag kahapon tapos ngayon binabaan pa ako ng phone!

“Oh? Bat’ ganyan ang itsura mo? Diba si Sir Kean 'yung tumawag?” tanong ni Miko nang mapansin ang itsura ko.

“Siya nga! Nakaka inis lang kasi...hindi pa nga niya nasasagot ang tanong ko tapos bigla niyang in-end ang call.” rant ko kay Miko.

“Baka busy talaga 'yun. Kaya wag ka ng sumimangot, sige ka isususmbong kita kay sir Kean.” Sabi naman niya na ikinatahimik ko naman.

Kasi kinuha ni Kean ang number nila at sinabihan silang isumbong ako sa kanya pag nagmumukmok, nakasimangot, at hindi ako kumakain. So, ibig sabihin bantay sarado nila ako.
* *
Another week is over at start na ng klase. Pero ayos lang dahil second semester naman at pagkatapos nun graduate na kami. If ever kung makakapasa kami. Kaso ngayong semester mahirap na dahil sa thesis at OJT or on the job training. Pero sa tingin ko makakaya ko naman kasi may mga taong gumaguide sa'kin at may inspirasyon ako.

“Classmates! Guess kung sino ang magiging guide natin for thesis?” biglang sabi ng classmate namin.

“Sino?” sabay sabay naming tanong.

“Si Sir Kean!” masayang sabi niya. At lahat ng gilrs except me ah tumili.

Speaking of Kean...nagtatampo ako sa kanya. Hindi na kasi siya tumawag last tawag niya nung nasa mall kami. Nakaka inis! At hindi ko rin alam kung hanggang kailan ba siya sa France kung gusto niya doon na lang siya tumira. Psh.

“So, magiging masaya ang last sem natin! Pero wala pa daw siya e, ang dinig ko nasa France raw siya for their business. At hindi pa daw nila alam kung kailan ang balik niya.” Sabi naman niya. Seriously saan niya naririnig ang mga balitang yan? Pero infairness tama siya.


Hapon na at wala na kaming klase. Kaya umuwi na ako si Ash ayun may binili pa sa mall syempre kasama niya si Hiro. Nasa bahay na ako at umakyat agad ako sa kwarto ko para matulog. I’m so tired.

Bandang 6:30 PM nagising ako dahil sa may nararamdaman akong gumagalaw sa kama ko. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at nagulat ako sa nakita.

“How’s your sleep?”

“Kean?” hindi makapaniwalang tanong ko. Am I dreaming?

“Yes boo, I'm back.” Agad agad ko siyang niyakap ng mahigpit. By that hug nawala lahat ng tampo at inis ko sa  kanya grabe sobra ko siyang namiss.

“Kailan ka pa nakabalik?” tanong ko nang humiwalay ako sa yakapan namin.

“Kanina, dito na ako dumiretso sa inyo. Gusto kasi kitang makita kaso naabutan kitang natutulog.” Sabi niya.

“Buti na lang umuwi ka na kundi magagalit na talaga ako sa'yo.”

“I’m sorry for not calling you. Busy lang kasi talaga.”

“Okay lang ang importante nandito ka na.” sabi ko tapos humiga ulit.

Humiga na rin siya sa tabi ko. Tapos bigla niyang kinuha si Keyna 'yung teddy bear na binigay sa baba ng kama ko. Nahulog siguro kaya nandoon 'yun.

“Keyna kapag wala ang Daddy bantayan mo si Mommy Yna ha?” napatawa naman ako dahil kinakausap niya ang isang teddy bear.

Ang cute cute niyang tingnan, I’m sure magiging responsible at mapagmahal na Daddy ‘tong si Kean. Pero ang tanong...sino kaya ang swerteng magiging Mommy ng mga anak niya?

“Kean naman para kang ewan kinakausap mo si Keyna.” binitawan niya si Keyna at humarap rin sa'kin.

“Boo, ilan ba ang gusto mong maging anak natin?” biglang tanong niya.

“K-kean naman. Hindi pa nga tayo sure kung ako ang magiging Mommy ng future children mo.” Sagot ko. Habang nakatakip ang pillow sa mukha ko dahil feeling ko sobrang pula ng mukha ko dahil sa tanong niya.

Bigla naman niyang inalis ang pillow na nakatakip sa mukha ko. “Diba sabi ko sa'yo, Ikaw ang right girl for me? Ibig sabihin ikaw ang papakasalan ko at ikaw ang magiging Mommy ng future children ko.” sabi niya dahilan para kiligin ako. Psh.

He suddenly grabbed me towards him and kissed my forehead.

“Always remember this...someday magiging Mrs. Taylor ka na.” sabi niya kaya napangiti naman ako.
- - - -
Chapter thirty-nine end!

Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now