Chapter Six

13.4K 308 31
  • Dedicated to ToAllMyReaders
                                    

[Yna's POV]

Nasa kotse ako ngayon ni Sir Kean, kasalukuyang pupunta sa kakainan naming resto. Pero actually hindi ko alam kung saan kami kakain. Kanina ko pa iniisip kung saan ba talaga kami pupunta ni Sir.

"Sir?"

"Hmmm?" sagot naman niya at tumingin sa'kin.

"Saan po ba tayo kakain?" nahihiya kong tanong. Medyo gutom na rin kasi ako.

"Gutom ka na ba?" tanong niya.

"Medyo po" sabi ko sabay tawa in an awkward way. Gosh! Bakit ba ako nahihiya dito kay Sir Kean?

"Malapit na tayo."



Makalipas ang ilang minuto pa ay pinark ni Sir ang kotse. Bumaba naman siya agad at pinagbuksan ulit ako ng pinto. Nahihiya tuloy ako.


"Thank you po, Sir." sabi ko ng makababa ako sa kotse.

Pagpasok namin sa loob ng resto naamaze naman ako dahil sa sobrang cuteness. Color pink kasi ang paint ng wall at ang cute ng mga furnitures. Parang Hello kitty house ang ambiance.


Umupo naman kami sa pang couple na table. Hep! Si Sir ang pumili nito tsaka dalawa lang naman kami so dito na lang. May mga sections kasi sa resto na 'to. Like single section yung mag-isa ka lang na kakain, tapos family and friends section yung marami kayong kakain; then may VIP section at ang last na pinili ni Sir ay couple section obvious naman sa name diba? Pang couple, pangdalawahan, panglovers. Buti na lang at walang mga taga Otaku dito na nakain.


"Ma'am, Sir may I Know your orders?" lumapit ang isang waitress sa amin at tinanong kami ng orders namin. Ang cute ng uniform ng waitresses nila dito.



Umorder naman kami at grabe ang mahal ng mga pagkain dito, pero okay lang malaki naman ang baon kong pera kasya naman 'to. Hinintay naman namin ni Sir ang orders. At ako naman amazed na amazed sa restaurant na 'to ang cute kasi talaga. Gusto ko tuloy magpapicture dito.


"Maganda ba dito?" biglang tanong ni Sir sa akin.


"Opo Sir. Ang cute cute lahat dito pero pansin ko konti lang po ang mga kumakain dito."

"May membership kasi dito and almost ng members dito every weekends lang sila kumakain dito. Pero pwede rin namang kumain ang hindi pa members dito." sagot ni sir.


Whoa! Membership? Ibig bang sabihin member din si Sir dito? Tumingin ako sa mga taong nandito mukhang mga sosyal ang mga taong 'to.


"Sir Kean member din po kayo dito?" 

"Yes. Gustong gusto ko kasi dito napaka private at nakakarelax ang ambiance." sagot ni sir.



Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay sa pagkain namin dumating na rin ito sa wakas. Yes! Makakakain na ako! Gutom na kasi talaga ako.

Agad ko namang tinikman ang inorder ko at super sarap kaiyak. Sayang nga lang at wala si Ash dito. 

"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Sir sa akin. Nagnod naman ako sa kanya.
- - - -
Pagkatapos naming kumain niyaya naman ako ni Sir na umupo daw muna sa garden part ng resto na 'to. Pumayag naman ako syempre gusto ko ring malibot ang resto na 'to.


Dumaan kami sa pinto sa may bandang likod ng resto at bumungad sa'min amg garden part nito. At ang ganda lang ng place. May mga pang-couple na set of tables rin.

"Wow! ang ganda talaga dito Sir. Siguro madalas mo dito dinadala girlfriend mo no?" sambit ko habang manghang mangha sa lugar. Narinig ko naman ang biglang pagchuckle ni Sir.

"Wala pa akong girlfriend." sabi niya kaya medyo nagulat naman ako. Sa gwapo niyang yan walang girlfriend?


"Talaga? As in kahit isa Sir?" gulat kong tanong. Hindi naman siya agad nakasagot. Hala! Baka nagalit? "Ahh.. sorry Sir for being nosy." sabi ko. Nakakahiya! Hindi na lang sana ako nagtanong.

"Okay lang. Tsaka pwede wag mo na akong tawaging Sir? Kean na lang." 

"Po? Pero teacher ko po kayo eh." tsaka nakakailang kaya.


"Yes teacher mo ako kapag nasa loob ng school at classroom, pero iba sa labas I can be your friend." explain niya sakin at nakangiti pa siya.

Pansin ko laging nakangiti si Sir parang ang saya saya niya. And I find him cute.


"S-sige po Sir I mean Kean...nakakailang naman po Sir ay este Kean." ay ano ba yan naiilang talaga ako eh.


"Masasanay ka rin."

After that wala ng umimik sa amin. Nakita ko naman ang isang swing doon actually couple swing siya yung dalawang tao ang nakakasakay. Agad naman akong sumakay doon at nagulat ako dahil sumunod si sir.


"Yna, may sasabihin sana ako sayo." saad ni Sir.

"A-ano po yun?"

Nagulat naman ako dahil bigla siyang humarap sa akin a hinawakan ag mga kamay ko.

"Matagal ko na 'tong gustong sabihin  sa'yo."


"S-sir hindi ko po kayo maintindihan" gusto kong kumawala sa pagkakahawak niya sa mga kamay ko.

"Yna since second year co---"



"Sir si Ma'am Angel!" naputol ang sasabihin sana ni Sir Kean dahil sa bigla kong pagsigaw. Agad ko namang hinila ang mga kamay ko at umalis sa swing. And hid myself to the bushes. Muntik na yun buti na lang at lumingon ako banda sa may pintuan.


"Kean?" bungad ni Ma'am nang makita si Sir Kean.


"Gel."

"Kaya pala hindi kita nakita sa school kaninang lunch dito ka pala kumain."

"Oo namiss ko lang kasi dito. Ikaw anong ginagawa mo dito?"


"Wala lang gusto ko lang tumambay dito." sagot ni Ma'am kay Sir.


Ibig bang sabihin member din dito si Ma'am Angel? Naku! kailangan ko ng makaalis dito.


"Gel gusto mo coffee tayo sa loob?" yaya ni Sir kay maam Angel.

"Sure! Pasok na ako ha." sabi ni Ma'am Angel sabay pasok sa loob.

Pagka alis ni Ma'am ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko.

"Muntik na yun Sir, I mean K-kean."

"Yna, ok lang ba kung mauna ka na sa kotse? Hintayin mo lang ako 'dun." tanong ni Sir sa akin.


"P-po? mauna na lang po ako Sir. Hinanahanap na siguro ako ng katulong namin." pagdadahilan ko.


"Ganun ba? Sige ihahatid na lang kita sa labas." 
- - - -
Hinatid na rin ako ni sir sa labas at siya na rin ag kumuha ng taxi para sa'kin.

"Thank you Sir Kean sa treat." sabi ko at saka ngumiti sa kanya.

"Wala 'yun basta ikaw."  sabi naman niya at ngumiti rin.

Hay! Makakauwi na rin pero sayang gusto ko pa magstay dun eh. Bigla ko namang naalala ang sasabihin ni Sir. Wait ano kaya ang sasbihin ni Sir? 
- - - -
Chapter 6 end!

Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now