Chapter Sixteen

11.4K 282 27
                                    

[Yna's POV]

"Sa wakas! At tapos na rin ang Hell Week." I exclaimed while stretching my arms. Ngayon kasi ang last day ng exam namin, at masaya ako dahil wala na akong exam.


"Yna! Halika, pinost na ang schedule of activities for August!" sigaw ni Ash.

Agad naman kaming lumapit sa bulletin board para tignan ang schedule of activities.

*SCHEDULE OF ACTIVITIES FOR THE MONTH OF AUGUST

AUGUST 6-7: PREPARATION FOR 20TH ANNIVERSARY OF OTAKU UNIVERSITY.

9: 20TH ANNIVERSARY OF OTAKU UNIVERSITY.

11: SOCIALIZATION OF COLLEGE OF BUSINESS & ACCOUNTANCY.

NOTE: STUDENTS MUST WEAR THEIR P.E. UNIFORM WHILE PREPARING FOR OTAKU'S ANNIVERSARY

THEME FOR OUR SOCIALIZATION:

MASQUERADE*

"Malapit na socialization natin! I'm so excited na!" masayang sabi ni Ash.

Narinig ko rin ang bulung-bulungan ng ibang students. Lahat sila ay naeexcite para sa socialization. Samantalang ako hindi. Wala naman atang special na mangyayari dyan. Hindi pa kasi ako nagpunta sa socialization since first year college ako. Wala naman din kasing gagawin doon gastos pa kaya di ako pumupunta.

"Yna, pupunta ka ba sa socials?" tanong ni Ash.

"Hindi." plain kong sagot.

"WHAAAAT?"

"Oo nga. OA ng reaction mo Ash." sabi ko na lang.


"Ano ka ba Yna! Last year mo na 'to sa Otaku tapos hindi ka pupunta ng socials? G-graduate ka dito ng hindi man lang nakakaranas ng socials?" sabi niya pero may punto rin siya. Last year ko na nga 'to sa Otaku. At kung hindi ako pupunta, g-graduate ako ng hindi nakakaranas ng socials.

"Pumunta ka na. Sige na please?" paki-usap ni Ash at talagang ginagamitan pa ako ng puppy eyes.

"Okay, basta tulungan mo akong mamili ng isusuot ko." pumayag na ako dahil una ayokong makipagdebate kay Ash at pangalawa last na rin naman 'to.

"Oh sure! Leave it to me"
- - - -
Ilang linggo na rin ang nakalipas at preparation na para Otaku's anniversary. Nalaman namin na ang aming section ang incharge sa Photo Exhibit about sa history ng Otaku. So kami ang bahala sa designs ng photo exhibit. May naka-assign na teacher din na tutulong sa'min para hindi kami mahihirapan.


Natuwa naman kaming lahat ng malaman namin na si Sir Kean ang maaassign sa section namin, lalo na ang mga girls tuwang tuwa.



Hours passed at hindi pa rin kami natatapos sa decorations kaya itutuloy na lang namin bukas dahil uwian na. Kaya nagsi-uwian na ang mga kaklase namin, pero si Ash at ang iba ay nagku-kwentuhan pa kaya sa lounge muna kami tumambay.


Humiwalay naman ako kayna Ash dahil hindi ako makarelate sa pinag-uusapan nila. Nakinig na lang ako ng music hanggang naramdaman kong may tumabi sa akin. Si Sir Kean pala.


"Bakit nag-iisa ka dito?" tanong niya. Sinabi ko naman kay Sir ang dahilan.

"Sasamahan na lang kita dito." bigla niya sabi.


"Ha? Sir baka busy po kayo at naiistorbo ko kayo."

"Not busy. Dito lang ako"

Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now