Chapter Eighteen

11.4K 271 24
                                    

[Yna's POV]

"HAPPY 20TH ANNIVERSARY OTAKU UNIVERSITY!" Sigaw ng mga students.

Nasa field kami at kasalukuyang nagbibigay ng speech ang directress ng school namin. Infairness bongga ang preparation this year.

Pagkatapos magspeech ng aming directress, nilibot at pinasukan namin nina Ash ang iba't ibang booths na nagkalat sa school. Grabe ang daming tao, even outsiders kasi pwedeng pumasok basta may gate pass.

"Ash, may isusuot na kayo sa socialization natin?" tanong ni Amie kay Ash.

"Hindi pa nga kami nakakabili ni Yna. Siguro mamaya." sagot ni Ash. 

"Excited na ako sa socials...sana makasayaw ko si Sir Kean." sabat naman ng kaklase namin.

"Grabe ang gwapo siguro ni Sir Kean sa socials. Excited na ako!" sabi nila at nagsitilian naman sila. Excited na excited sila samantalang ako, a little bit lang.

Masaya naman ang Anniversary ng Otaku. Maraming students from other schools ang bumisita sa'min. At maganda naman ang feedback sa photo exhibit namin thanks sa tulong ni Sir Kean. And speaking of Sir hindi ko siya nakita ngayong araw. Nagustuhan kaya niya ang fountain pen na bigay ko? 'Yun kasi ang naisip kong pwedeng ibigay sa kanya. Teka lang napapansin ko lately, laging napapasok sa isip ko si Sir Kean. Siguro namimiss ko siya? Ha? Ano daw? Baka nasanay lang ako sa presence niya kaya ganun. 

"Yna!" nagulat naman ako sa biglang pagsigaw ni Ash kaya napatingin ako sa kanya.

"Ha? Bakit?" tanong ko.

"Bibili na po tayo ng dress for our socials. Kaya tara na." sabi ni Ash saka kinaladkad ako papunta sa kung saan man.

"Ash, okay ba? Bagay ba?" tanong ko kay Ash.

Nasa Lucky's Fashion Boutique. Nagbebenta kasi sila dito ng gowns, cocktail dresses, at iba pa. At dito kami bibili ni Ash ng susuotin for socials.

Tinignan niya ako from head to foot, "Umikot ka nga" utos niya. Umikot naman ako. 

"Nope, maghanap ka pa ng iba." sabi niya tapos bumalik na sa paniningin ng mga dresses. Tss! Nakaka tatlong palit na ako ng dress. Ano ba talaga ang bagay sakin?

And suddenly may nakita ako isang color blue na dress, tube siya tapos plain blue lang siya. Kinuha ko ito at sinukat.

"Ash, okay na ba 'to?" tanong ko kay Ash. Tinignan niya ako sandali tapos bigla siyang ngumiti.

"I like it, bagay sa'yo. Yan na ang kunin mo. May napili na rin ako kaya magbayad na tayo."
- - - -
[Kean's POV]

"Belated happy birthday Kean!" bati ni Josh nagpasalamat naman ako.

Nandito nga pala kami sa resto na lagi naming tinatambayan. Kasama ko ang mga kaibigan ko nung college pa ako. Si Angel at Josh.

"Akala ko nakalimutan mo na ang treat mo samin." pang-aasar ni Josh.

"Kumain ka na nga lang."

"Josh, kamusta ka naman? Tagal nating hindi nagkita." tanong ni Angel kay Josh. Ngayon lang din kasi kami nagkaroon ng time na magkita ulit.

"Okay lang ako. Kayo? Balita ko teacher na kayo." sagot ni Josh.

"Oo at nasa iisang school lang kami." sagot naman ni Gel. Tumango tango naman itong si Josh.

"Ikaw kean may girlfriend ka na?" biglang tanong ni Josh sa'kin.

Diary ni Teacher{Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon