Epilogue

10.6K 270 69
  • Dedicated to Sa Lahat ng Readers ng DNT at Keyna lovers :)
                                    

Epilogue:

 

YNA’S POV

Muli kong tinignan ang sarili ko sa isang malaking salamin. Totoo na talaga ‘to, nakasuot ako ng wedding gown at maya-maya ay ikakasal na ako sa lalaking bumubuo ng araw ko, sa lalaking nagpapakilig sakin, nagpapasaya at higit sa lahat sa lalaking mahal ako at mahal ko ^^

“Ang ganda naman talaga ng baby namin.” Nakangiting sabi ni Mom.

“Thanks Mom.” Sagot ko.

Ang totoo niyan sobra akong kinakabahan. Ikaw ba naman ikasal di ka kabahan?

 “The car’s here.” Dad said tapos medyo napatigil siya.

“Dear ayos ka lang ba?” tanong ni Mom.

“Yes, nagandahan lang ako sa daughter natin.” Dad said.

“Thanks Dad.” I said.

Lumabas na kami at sumakay sa isang car.

“Dad,Mom..Thanks.” I said.

“For what?”

“Hmm. Sa lahat po,  sa pag-intindi niyo sakin. Pati na rin sa pagtanggap niyo kay Kean.”

“We did it  because we love you and we want you to be happy.” Dad said.

“Thank you po talaga. I love you both.” Nakangiti kong sagot.

“We love you too, princess.” Sagot nilang dalawa.

Napansin ko namang naluluha si Mom.

“Mom? Are you alright?”

“Yes Baby. Masaya lang ako kasi ikakasal na ang princess namin.” Mom said.

After ng ilang minuto.. natatanaw ko na ang simbahan kung saan kami ikakasal ni boo. Medyo may namumuo na ring mga luha sa gilid ng mga mata ko.

Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now