Chapter Seventeen

11.1K 295 40
                                    

[Yna's POV]

Katatapos ko lang maligo at magbihis. Medyo maaga kaming nagising ni Ash kaya ayos lang kahit mabagal ang kilos namin. Second day din pala ng preparation for Otaku's anniversary ngayon.

"Yna, tara na dahil may pupuntahan pa tayo." biglang pasok ni Ash sa kwarto ko. Di talaga uso kumatok sa babaeng 'to.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko naman habang inaayos ang bag ko.

"Basta malalaman mo rin." She said, then umupo siya sa kama ko.


"Oo nga pala, Sino nagbigay sa'yo ng stuffed toy na 'to? Manliligaw mo ba?" tanong ni Ash habang hawak hawak si Doggy, the stuffed toy.


"Manliligaw? Hinde, si Sir Kean nagbigay niyan." plain kong sagot. Tapos biglang napatayo si Ash mula sa pagkaka-upo.


"Ano? Si Sir Kean? Bakit ka niya binigyan ng stuffed toy? May rela---"

"Wala! OA mo rin minsan Ash relasyon ka dyan. Thank you gift lang yan." pagpuputol ko ng sasabihin ni Ash. Tsaka anong sinsabi nyang relasyon? Pero ang totoo hindi ko alam kung ano ang reason why Sir Kean gave me a stuffed toy.


"Ang daya! Dapat meron rin ako!" reklamo ni Ash, then she pouted.


"Halika ka na nga, diba may pupuntahan ka pa?" I said then grabbed Ash's hand.



"Swerte mo Yna. Binigyan ka ni Sir Kean ng stuffed toy, sigurado ako pag nalaman yan ng mga classmates nating girls, maiinggit sila." biglang sabi ni Ashly.


"Stuffed toy lang 'yun. Tsaka wag mong sasabihin sa mga classmates natin baka kung ano pang isipin nila" sabi ko naman. Naiisip ko pa lang pag nalaman nila sumasakit na ang ulo ko.


"Oo na. May pangalan na ba 'yung stuffed toy?" biglang tanong ni Ash kaya napatingin ako sa kanya. Kailangan pa ba 'yun?


"Doggy" sagot ko. Wala rin naman kasi akong maisip at isa pa hindi ko binibigyan ng names ang mga stuffed toys ko dati.


"Doggy? Ang panget naman! Teka mag-iisip ako ng pangalan ng stuffed toy mo." reklamo ni Ash. Pagkatapos nilagay nama niya ang dalawang daliri niya sa chin at nag-isip.

"May naisip na ako...Keyna!" bigla niyang sigaw. Kaya tinignan ko siya ng may pagtataka.


"Keyna as in K-E-Y-N-A. Kean + Yna =Keyna. 'Yun na lang pangalan ng stuffed toy mo." masayang paliwanag ni Ash. Ginawan niya pa kami ng couple name ni Sir.

"So Keyna na ha? Mas maganda 'yun kesa doggy." pagpupumilit niya. Sumang-ayon na lang ako kay ang kulit eh. Hindi rin naman 'yun malalaman ni Sir.


Makalipas ang ilang minuto ng pakikpag kwentuhan, huminto ang taxi sa harap ng isang cake shop. Agad na bumaba si Ash at ako naman naghintay lang dito sa taxi.

Pagbalik niya may dala siyang isang box ng chocolate cake.

"Para saan at kanino ang cake na yan?" tanong ko kay Ash. Tumingin naman siya sa akin na parang hindi makapaniwala.

"Para kanino?" ulit kong tanong sa kanya.


"Hindi mo alam? Magkasama kayo kahapon tapos di mo alam? Para kay Sir Kean, birthday niya ngayon." sabi naman ni Ash na ikinagulat ko. Birthday niya ngayon? Hindi niya man lang sinabi sa akin. Wala tuloy akong gift sa kanya.


Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now