Chapter Twenty-eight

9.9K 196 21
                                    

[Ash’s POV]

Hay! Nakakatamad naman pakinggan si Ma'am Angel discuss ng discuss. Sigh. Sana magtime na!

Maya-maya ay narinig din namin ang pinakahihintay na bell.

“Yes time na!” Sigaw ni Yesung at nagiinat pa ng mga braso.

Binura na rin ni Ma'am Angel ang mga writings sa board at lumabas na rin ang iba kong classmates. Nilapitan ko naman si Yna na nag-aayos ng mga gamit niya.

“Yna are you okay?” tanong ko sa kanya. Kanina kasi sobra siyang napahiya dahil sa ginawa ni Maam Angel.

“Okay lang ako Ash” sabi naman niya.

Lalabas na sana kami ni Yna nang biglang nagsalita si Ma'am Angel.


“Ms. Parker sa susunod magbasa ka ha! Para makasagot ka naman sa mga tanong ko. Hindi puro pag bo-boyfriend ang inaatupag mo!”  Sabi ni Ma'am Angel. She sounds bitter.

“Yes po Ma'am” Sagot naman ni Yna. At lumabas na si Ma'am ng classroom. Naiwan kami ni Yna sa loob ng classroom.

“Yna ano ba 'yun? Alam ba ni Ma'am Angel na may boyfriend ka? Diba wala namang nakaka-alam sa school na may boyfriend ka na?” tanong ko sa kanya.


“Nakita niya kasi kami ni Kean na magkasama. Kaya sinabi na namin sa kanya ang totoo. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ganun siya sa'kin.” Sagot naman ni Yna.

“I see...It seems na nagseselos siya. Kaya pinapahiya ka niya sa klase niya.”

“Bakit naman siya magseselos? Infact siya pa nga mismo nagsabi na hindi niya ipagsasabi ang tungkol sa'min ni Kean. Tsaka masaya naman siya nang malaman niya 'yun.” Yna said.

“Oh well sabi mo eh. Pero I can feel na she’s jelous and bitter. Magkikita ba kayo ni Sir Kean ngayon?”

“Hindi eh busy kasi siya ngayon. Uuwi na ako agad. Ikaw?”

“Pupuntahan ako ni Hiro dito.”

“Sige una na ako.” pagkatapos umalis na siya. Umupo naman ako at isinubsob ko ang ulo ko sa table.

“Ash Kanina ka pa ba naghihintay?” Itinaas ko ang ulo ko at tinignan kung sino ang nagsalita.

Ngumiti ako bago sumagot. “Hindi, kaka-end lang ng klase namin.” Tumayo na ako at lumapit sa kanya. And I wrap my hands to his arms.

“Saan tayo pupunta ngayon?” tanong ko sa kanya.

“Let’s have a date. Wala naman tayong klase this afternoon right?”

I nod. Magde-date kami ulit ni Hiro, ilang beses na kaming nagdate simula nang maging kami. Kahit papaano nagiging masaya rin naman ako alam kong gingawa ito lahat ni Hiro para makalimutan ko si Miko.

Totoong matagal na akong gusto ni Hiro, pero hindi ko talaga siya gusto kaya hindi ako pumayag na ligawan niya ako. But then one day...

*Flashback*

[Thrid Person]

After a few days ng pagtanggi ni Miko kay Ash. Laging nakatambay si Ash sa park malapit sa kanilang village, may malapit kasing lake doon at dahil sa lake na 'yun gumagaan ang loob ni Ash. Simula kasi nang umamin siya kay Miko at nalaman niyang may mahal na itong iba, lagi nang mabigat ang pakiramdam niya at lagi na siyang umiiyak.

“Nakakainis ka naman kasi Miko! Dapat kasi hindi ka na lang nakipag kaibigan sa akin para hindi na ako nahulog sayo!” Sabi ni Ash.

Umiiyak na naman ito, tila wala nang katapusan ang sakit na nararamdaman niya.

Humagugol na sa iyak ang dalaga, ipinatong niya ang mga paa niya sa bench at niyakap ang kanyang mga tuhod saka isinubsob ang ulo sa mga tuhod nito.

“Miss, kailangan mo ata ng panyo ko.” Napatigil sa pag-iyak si Ash at itinaas ang ulo nito.

“Ash?” Gulat na tanong ng lalaki. Hindi sumagot si Ash bagkus inayos niya lang ang upo niya at tumingin ng diretso sa lake. Umupo naman ang lalaki sa tabi nito.

“Here use my hanky.” inabot ng lalaki kay Ash ang kanyang panyo. Kinuha naman ito ni Ash at pinunasan ang mga luha nito.

Anong ginagawa mo dito Hiro?” Tanong ni Ash nang makalma ang sarili.

“Naglalakad lakad lang ako sa park malapit lang kasi sa village namin dito. How about you? And why are you crying?” tugon naman ng binata sa kanya.

“Expressing the pain I’m feeling.” Sabi ni Ash. Muli na namang naiyak ang dalaga at this time napayakap na ito kay Hiro.

“Hiro, It hurts a lot. Please help me to ease this pain I’m feeling right now.” Iyak ng dalaga.

Niyakap naman ni Hiro si Ash at hinagod ang likod nito. Gustong malaman ni Hiro kung sino ang taong nagpaiyak kay Ash, kung sino ang nanakit ng damdamin ng dalaga. Gusto niyang pagsabihan at saktan kung sino man ang nanakit sa taong mahal niya.

“Please help me hiro.” paki-usap ni Ash.

Dahil sa matagal na ring gusto ni Hiro ang dalaga ay pumayag na ito. Inisip rin ng binata na kapag pumayag siya, baka sakaling mahulog din si Ash sa kanya.

“Sige, Itutuloy ko na lang ang naudlot kong panliligaw sayo.” Sabi ni Hiro. Bumitaw si Ash sa pagkakayakap niya kay Hiro.

“No need, dahil simula ngayon boyfriend na kita.” Sabi ni Ash.

*End of flashback*

Nasa mall na kami ni Hiro dito namin napili na magdate. Kumain kami sa Mcdo sa tingin kasi namin mas masaya ang date kapag dito kami kakain.

After naming kumain naglaro kami sa timezone infairness napagod ako hahaha! After nag-libot libot kami tapos bumili na rin ng kung anu-ano. Nang mapagod kami umupo muna kami sa mga benches sa mall.

“It seems you’re really happy.” Saad ni Hiro. Humarap naman ako sa kanya at pinisil ang pisngi niya.

“Dahil sayo 'yun. Thanks Bebi.” pinisil pisil ko naman ang pisngi niya.

Inalis naman niya ang mga kamay ko sa pisngi niya. At nilagay ang kamay niya sa pisngi ko at hinaplos ito.

“I love you Bebi.” He said.

Hinawakan ko rin naman ang mukha niya at hinaplos. Napaka sincere ng mga mata niya, mahal na mahal niya siguro ako. Ang swerte ko palang babae, kaya sana mahulog na ako ng tuluyan sa'yo Hiro.

“I lo---" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil may biglang nahagip ang mga mata ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Bakit? Bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko sa kanya? Bakit pag nakikita ko siya bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko? Dapat kalimutan ko na siya! Sinaktan niya ako hindi niya ako mahal may iba na siyang gusto.

“Are you alright?” Nabalik ako sa diwa ko nang magsalita si Hiro.

“Y-yes! Bebi, alis na tayo dito. Gusto ko kumain ulit.” Pagyayaya ko kay Hiro. Nagnod naman siya at inakbayan ako.

Miko! Bakit hindi pa rin kita makalimutan? Dapat makalimutan na kita kawawa naman si Hiro pinapaasa ko lang siya. Ayoko siyang masaktan nang katulad sa'kin. 

Tinignan ko si Hiro na nakangiti. Ang saya saya niya, sana wag niya maranasan ang sakit na naramdaman ko. Sana masuklian ko ang pagmamahal na binibigay niya sa'kin.
- - - -
Chapter twenty-eight end!

Diary ni Teacher{Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon