Chapter Thirty-six

9K 235 23
                                    

[Yna’s POV]

“Yes! Sembreak na!” sabay naming sigaw ni Ash. Nasa bahay na kami at katatapos lang ng last exam namin.

“Sa wakas at makakatulog na rin ako ng maayos.” Sabi ni Ash at umupo sa sofa.

“Me too. Hindi ko na rin makikita si Mrs. Kilabot ng ilang linggo” sabi ko naman.


Days passed at nanatili lang kami ni Ash sa bahay, marami na rin kaming napanuod na movies at korean dramas. Feeling ko nga tumaba ako. Sigh.

“Wala na bang magandang palabas?” tanong ni Ash habang nililipat ang channel.

“Ang boring naman!” reklamo ni Ash tapos pinatay na ang tv.

Heto na naman kami nakahilata lang sa sofa at walang ginagawa. Gusto naming pumunta sa mall pero tinamaan kami ng katamaran. Psh. Wala talagang makakatalo sa laziness.

“Ugh! Ang boring talaga!” reklamo ulit ni Ash sabay bukas ng laptop niya.

“Ash akyat na lang muna ako.” paalam ko at umakyat na papunta sa kwarto ko.



Pagpasok ko sa kwarto kinuha ko ang laptop ko at binuksan ito. Magfe-facebook na nga lang ako.

Nagpost lang ako ng status na nabobored ako after that pumasok ako sa CR. Pagbalik ko may new notifications na ako. Tinignan ko naman 'yun, mga naglike lang sa status ko tapos may comments pa at binasa ko yun isa-isa.


Miko Martinez: Hmmm. Let’s have a trip?

Hiro Martinez: I agree with Miko.

Gusto ko ang idea ni Miko. Maganda 'yun at least hindi boring. Kaya nagreply ako sa comment nila.

Shayna Parker : Sige! Let’s have a trip! Punta kayo sa bahay pag-usapan natin yan!


Pagkatapos kong magcomment ilo-log out ko na sana ang facebook ko nang tumunog ang chat sound. Tinignan ko kung sino 'yung nagchat sa akin at napangiti ako si Kean pala.

Kean Taylor: Boo kasama ako? 😯
Shayna Parker: Aww. Syempre naman no! Kasama ang baby boo ko 😙
Kean Taylor: 😀 Pupuntahan kita sa bahay niyo ngayon okay?
Shayna Parker: Opo



Pagkatapos naming magchat ni Kean ay agad akong bumaba sa sala para ibalita kay Ash ang plano.

“Ash!” napatingin siya sa akin na nakakunot ang noo. Nagulat siguro hahaha!

“Pupunta sila Hiro dito tapos pag-uusapan natin ang about sa trip.” excited kong sabi sa kanya at nagtatalon naman siya sa tuwa.


Hindi rin nagtagal ay dumating na sila Hiro at Miko pati na rin si Kean. Pinapasok ko sila at dumiretso kami sa garden at doon nag-usap usap.

“So saan tayo magbabakasyon?” tanong ni Ash. Halatang excited.

“How about sa vacation house namin?” suggest ni Kean. At sumang-ayon naman agad kami ni Ash.

“Okay. How about you two?” tanong ni Kean sa magkapatid.

“Kung saan ang gusto ni Ash doon na rin ako.” Sabi ni Hiro. Pumayag na rin si Miko dahil majority wins na rin naman eh.


“Very well then. Kailan ang alis natin?” tanong ni Kean.

Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now