Chapter Fifteen

11.4K 271 37
                                    

[Yna's POV]

Pagkatapos akong sunduin ni kuya Josh, dumerecho kami sa isang fine restaurant. Ano kayang gagawin namin ni kuya dito? Pumasok kami sa resto at agad naman na may lumapit sa'ming lalaki na nasa mid 20's na ata.

"Sir Nakapili na po ba kayo sa categories?" tanong ng lalaki sa kuya ko.


"Wait" humarap si kuya sa'kin. "Baby, saan mo ba gustong mag date sila Mom and Dad mo?" tanong niya.



"Basta po romantic. Teka, ano nga po pala ang mga categories niyo?" tanong ko sa lalaki na manager pala ng restaurant.


"Here Ma'am" inabot naman niya sa'kin ang isang brochure.



Tinignan ko naman ang brouchure, maraming categories doon na nakalagay pero ang pinili ko ay isang dinner date sa Terrace. Kaya agad kaming tinour ng manager sa place. Maganda siya, romantic may mini pool sa gitna tapos nasa side yung table. Perfect para sa date nila Mom at Dad.


"Ma'am, Sir okay na po ba ang place?" tanong ng manager.


"Yes! Basta romantic at gusto ko may live na kumakanta as their background music." sabi ko.


"Okay po Ma'am, so 7PM tonight?"

"Yes" ayun! May dinner date sina Mom at Dad mamaya. Excited na ako.


Pagkatapos namin sa resto ay pumunta kami sa office ni Lola. Temporary kasing nag-ooffice si Dad doon.


"Sino po hinahanap nila?" tanong ng secretary ni Lola sa'min.

"We're looking for Emily Parker." sabi ko sa secretary.


"Nasa meeting po siya." Hindi pa ako nakakapunta dito kaya hindi pa nila ako kilala. Kapag kasi break time ni Lola sinasabi ng secretary niya na may meeting siya.


"Pakisabi na lang po na hinahanap siya ng apo niya." sabi ko. Agad naman niyang tinawagan si Lola gamit ang telephone na nasa table niya.


"Pasok na daw po kayo."

Pagkapasok namin sa office ni Lola ay agad niya akong sinalubong ng yakap.  "Bakit napadpad ang apo ko rito, hm?" tanong niya. Bine-baby niya na naman ako. Tss!

"I'm looking for Dad, lola."

"Oh! He's on a meeting right now. Why?"

"We planned a date for Mom and Dad, kaya susunduin namin si Dad para makapag ready na siya." sagot ko naman kay Lola.

"Ok I'll call him."

Makalipas ang ilang minuto pa ay lumabas na rin si Dad sa conference room. Nagulat pa nga siya dahil nandito kami ni Kuya Josh.

"Bakit kayo nandito?" tanong ni Dad. Tapos nakatingin sa akin.

"Dad we have a plan."

"What is it? At bakit hindi ka pa nagpapalit ng damit?" tinutukoy niya 'yung suot ko sa school kanina.


"May hoodie naman po kaya okay na. Sumama na lang po kayo sa'min."


Sumama naman si Dad sa'min ni Kuya at agad kaming dumerecho sa botique para ibili ng masusuot si Dad at pati ng necklace si Mom. Nalaman ko rin na mahal pa rin ni Dad si Mom hanggang ngayon at hindi niya gustong makipaghiwalay sa kanya.


Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now