Chapter Twenty-two

10.5K 270 36
                                    

[Yna's POV]

One week na ang nakalipas simula ang nangyari at nakakapanibago na talaga si Sir Kean. Hindi na niya ako pinapansin, nakakausap ko lang siya kapag kailangan. Hindi na rin siya tumatawa sa mga jokes ng mga classmates ko. Nagi-guilty ako.


"Ms. Parker kindly bring these on the faculty room." utos ni Sir Assimo pagkatapos ng klase namin.



Kinuha ko naman ang mga gamit ni Sir Assimo at pumunta sa CBA's Office. Nagpaalam naman ako sa secretary na papasok ako sa faculty room.


Pagpasok ko napatigil ako dahil sa nakita ko. Si Sir Kean at Ma'am Angel na magkayakap. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis and this feeling like someone betrayed me. At parang gusto kong sugurin si Ma'am Angel.

Hindi na ako tumuloy at lumabas na lang baka kasi makita pa nila ako at maistorbo ko sila sa ginagawa nila. Psh! Sinabi ko na lang sa secretary na lock ang pinto kaya iniwan ko na lang sa desk niya ang mga gamit ni Sir Assimo.

Paglabas ko sa CBA's Office, dumerecho ako sa parking lot dahil doon naghihintay si Ash. May kotse na rin kaming nagagamit dahil binigayan ako ni Dad ng kotse.

"Sumakay ka na Ash" sabi ko kay Ash na may halong inis.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse hanggang sa dumating kami sa bahay. Medyo nawala na rin ang inis ko.

"Ayos ka lang ba Yna? Parang kanina pa naiinis." tanong naman ni Ash nang makapasok kami sa bahay.

"Nakita ko kasi kanina si Sir Kean na kayakap si Ma'am Angel at hindi ko alam kung bakit naiinis ako to the point na gusto kong sugurin si Ma'am." pag-amin ko kay Ash. Bigla naman siyang tumawa kaya napatingin ako sa kanya.

"Are you that naive? Kaya ka naiinis kasi nagseselos ka. Grabe ka talagang susugurin mo si Ma'am Angel? Nakakatawa ka Yna." sabi ni Ash. Pinagtawanan pa ako psh!
- - - -
Makalipas pa ang ilang linggo hindi na talaga ako pinapansin ni Sir Kean. Makakausap ko lang siya kapag kailangan na. Hindi na rin siya tumatawa sa mga jokes ng classmate ko at lagi pa siyang seryoso. Miss ko na ang dating Sir Kean.

"Yna ayos ka lang ba? Ni hindi mo nga ginagalaw yang merienda mo." tanong ni Ash kaya napatanong ako ng 'bakit'.

"Hindi ko na kasi maintindihan ang sarili ko Ash." sabi ko kaya tinignan niya ako ng may pagtataka.

"Lagi kasing pumapasok sa isip ko si Sir Kean. Miss ko na ang Sir Kean na laging nakangiti at pinapansin ako, ang Sir Kean na sinasamahan ako kapag walang akong kasama. Miss ko na ang sir Kean na laging sinasabi I'll do everything for you. I miss him, Ash." pag-amin ko kay Ash.

"Malala na yan Yna. You already like sir Kean kaya nagkakaganyan ka." sabi naman ni Ash.

Napatingin lang ako sa kawalan. Tama nga kaya si Ash? Gusto ko na si Sir Kean? I'm getting weirder these past few days.


Monday morning, naabutan namin ni Ash ang mga classmate namin na malungkot ang mukha.

"Ayos lang ba kayo? Bakit ang lungkot niyo?" tanong ni Ash sa kanila.

"Si sir kean..si sir Kean kasi.." sabi naman ng isa.


"Anong nangyari kay sir Kean?" tanong ni Ash.

"Si Sir Kean kasi...umalis na siya. Magre-resign na siya!" sagot ng isa naming classmate at parang maiiyak na talaga siya.

"What do you mean?" tanong ko. Nag-aalala na ako dahil sa reaksyon ng mga classmate ko. Sana ayos lang siya.


"Iba na ang teacher natin, hindi na si Sir Kean. Galing siya kanina dito at sinabi niya lang na hindi muna siya ang magiging teacher natin. Waaaah!" iyak ng mga classmate namin. Pero aalis talaga siya?


Dumerecho ako sa CBA's office at agad kong tinanong sa secretary si sir Kean at ang sabi niya ay nakaalis na siya papuntang airport.

What? Mag-reresign na talaga siya? Hindi pwede may sasabihin pa ako sa kanya.

Agad kong tinawagan si kuya Josh at sinabing sunduin niya ako. Buti na lang at malapit lang siya sa school. Sinabi ko rin sa kanya ang tungkol sa pag-alis ni Sir Kean.

Later on ay nakarating kami sa airport. Sana maabutan ko pa si Sir Kean. Inikot ko ang paningin ko at nakita ko naman siyang naka-upo kaya agad ko siyang tinawag.


"Sir Kean!" sigaw ko kaya napalingon siya sa likod at tumama ang mga tingin namin.

"Sir Kean, bakit ka aalis? Susuko na ba agad? Hindi mo ba susubukan ulit? Sir Kean paano kung nag-iba na ang nararamdaman ko sa'yo?"

Nakatingin lang siya sa akin habang ako ay nagsisimula ng umiyak.

"Paano na si Keyna kung aalis ka? Wala na siyang daddy, wala na akong makakasama. Please, huwag ka ng umalis. Sir Kean, I already like you." pag-amin ko.

Pero nakatingin lang siya sa'kin, mukhang wala na akong magagawa. Naglakad na akong palayo pinahiya ko lang ang sarili ko. Pero paki ba nila, at least I tried my best na pigilan siya at higit sa lahat nalaman ko na rin ang totoong nararamdaman ko sa kanya.

Hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman kong may humawak sa braso ko. Lumingon ako sa likod at nakita si Sir Kean kaya agad ko siyang niyakap.


"Please don't go" I whispered.


"I'm not leaving." he said and looked at me endearingly. "Pupunta lang ako ng France para asikasuhin ang business namin. Pinatawag kasi ako ng Dad ko. Babalik din naman ako siguro two weeks lang ako doon."

"I-it means hindi ka magre-resign?" tanong ko then he chuckled.

"Sino naman may sabi sa'yo niyan?"

"K-kasi iba na raw ang teacher namin sa subject mo." sagot ko.

"Sub teacher lang 'yun. Babalik din ako at sino naman si Keyna?" natatawa niyang tanong. Hmmp!

"Remember the stuffed toy you gave me?" tanong ko at tumango naman siya. "W-well I kind of gave it a name. And its keyna the combination of our name. Si Ash nagbigay nakaisip nun!" sabi ko sa kanya tapos ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko. Bigla akong nahiya!

"Don't worry Daddy Kean will never leave Mommy Yna." sabi niya kaya bigla akong tumalikod dahil ayokong makita niya ang pagblush ko. Nakakahiya.

"Hindi ka rin naman pala aalis. Una na ako." sabi ko at ready ng umalis pero bigla niyang hinila ang kamay ko at pinaharap sa akin.

"Sabi mo kanina na gusto mo na ako. Kaya dapat pagbalik ko bigyan mo ako ng chance." sabi niya tapos nakatingin lang sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Nakakailang.

"O-oo. Sige na, pinagtitinginan na nila tayo." paalam ko sa kanya pero pinigilan na naman niya ako.

"Before I go, I just want to do this" he said then kissed me.

Our second kiss.
- - - -
Chapter twenty-two end!

Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now