Chapter Forty

8.8K 191 21
                                    

[Yna's POV]

Two weeks na ang nakalipas simula nang magsimula ang second sem. And all I can say is Nakaka stress dahil sa thesis plus OJT pa. Pero napapawi rin naman ang stress ko dahil kay Kean. Kasi naman araw-araw niya akong pinapa kilig at kapag may free time naman gumagala kami (kasi nga busy din siya as a teacher).

At last week lang may mga nakaalam na naman na boyfriend ko si Kean. Mga classmate naming babae nakita nila kasi kami sa parking lot ni Kean na magkayakap. And then we told them about us, pero syempre bago namin inamin pinag-promise muna namin sila na huwag sabihin kahit kanino. Nang malaman nila kilig na kilig sila.


Dahil sa incident na 'yun, sobra kaming natrauma ni boo. Hindi na kami magyayakapan kapag nasa school kami baka kasi may makakita na naman sa'min.
* *
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock kaya pinatay ko ito agad at bumalik sa pagkakahiga.

Saturday ngayon ibig sabihin walang klase pero nagpa alarm pa rin ako ng maaga kasi today is a very special day at ang gusto ko maaga akong magising para batiin siya.

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa sidetable and texted him. 'Happy 3rd Monthsary Boo. I love you' Yes today is our monthsary hindi ko nga akalain na matagal na pala ang relationship namin.

Tumayo na ako sa kama at naghilamos. Pagkatapos pumunta ako sa garden para diligan ang mga tanim doon. Mga ilang minuto siguro nang magising si Ash at agad niya akong binati.

“Yna happy monthsary sa inyo ni Sir Kean.”

“Thank you Ash” Sabi ko at pagkatapos nagpaalam naman siya na magluluto na ng breakfast.



Si Ash kasi ang tiga luto ng breakfast every week ends. Hindi kasi ako marunong magluto pero every week days naman si Manang ang nagluluto at bantay ng bahay. Every week days lang namin pinapapunta dito si Manang kaya every week ends ay day off niya.


Pagkatapos kong diligan ang mga tanim, pumasok ako sa loob para manuod ng tv nang tumonog ang cellphone ko. Agad ko naman itong sinagot.

“Hello?”

[Good morning Baby!] I just rolled my eyes. Si Kuya Josh talaga.

“Kuya Josh napatawag ka?”

[May sasabihin lang ako. Happy monthsary sa inyo ni Kean!]

“Thanks kuya, tumawag ka pa talaga para lang batiin ako. nakaka touch naman si Kuya busy na rin kasi siya sa business namin.

[Syempre naman special day ata ‘to para sa'yo. Sige I’ll hung up na okay? Take care always love you.]

“Sige po kayo din po ingat...I love you too Kuya” then He hung up.



10:00 AM na pero hindi pa rin tumatawag o text man lang si Kean. Hindi rin siya nagreply sa text ko kaninang umaga. Lahat na lang ng taong nakaka alam na kami ay nabati na ako pero siya hindi pa.


“Yna aalis lang ako ha! Oh bat’ ganyan itsura mo?” tanong ni Ash. Napansin niya sigurong disappointed ang itsura ko.

“Si Kean kasi hindi pa tumatawag o text man lang.” malungkot kong sabi.


“Nako, Ikaw tampo ka naman agad. Baka may surprise 'yun kaya hindi ka pa niya tinatawagan o tinetext. Hintayin mo muna siya okay? Sige alis na ako bye!” sabi niya assuring na tama ang sabi niya.


Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now