Chapter Thirty-five

8.6K 204 24
                                    

[Miko’s POV]

Bakit kaya gustong kausapin ni Sir Kean si Yna? Tsaka bakit umiiyak si Yna kanina? Tinatanong kasi namin hindi naman sumasagot. Wala rin naman siyang nasasabing problema sa'kin. Ang tagal naman nila mag-usap. Pupuntahan ko na lang sila.

Lumabas ako ng classroom at hindi ko sila nakita sa labas. Saan naman kaya sila nag-usap?


“Pupunta na lang ako ng rooftop.”


Nasa bandang rooftop na ako nang may mapansin akong dalawang tao na nagyayakapan. Instead na tumuloy pa ako bababa na lang ako baka maka-istorbo pa ako sa kanila.

Nang pababa na ako..“Teka parang si Yna 'yun” Bulong ko sa sarili ko. Lumapit ako ng konti sa kanila at nanlaki ang mga mata ko.


“Yna? Sir Kean?” bigla silang naghiwalay sa pagyayakapan nila at napatingin sa akin.

Miko” they both said.



A-anong ginagawa niyo? Sir Kean, bakit mo kayakap ang girlfriend ko?” lumapit sa'kin si Yna at hindi na siya umiiyak.

“Miko may sasabihin sana ako sa'yo” sabi niya.


“Sandali lang muna Yna. Pwedeng paki-explain ang nakita ko?” sagot ko naman sa kanya.

“Miko makinig ka muna at masasagot ang mga tanong mo!” Naiinis niyang sabi. Huminga muna siya ng malalim at saka nagsalita.

“Miko, ang totoo kasi niyan...hindi talaga kita mahal. M-may iba na akong mahal.” nakatingin lang ako sa kanya kaya pinagpatuloy niya ang sasabihin niya. “K-kaya lang naman kita sinagot kasi a-ayokong masaktan ka.”

Sa tingin niya hindi ako nasasaktan ngayon?

“I’m sorry Miko.. dapat pala from the start sinabi ko na sa'yo ang totoo... Sorry.” Sabi niya t umiiyak na naman siya.


“Sorry kung pinaasa kita...sorry sa lahat lahat Miko. Sana mapatawad mo ako.”  Sabi pa niya ulit. Huminga ako ng malalim.


“Yna, walang magpapatawad kasi hindi naman ako galit sa'yo. Wala na akong magagawa kung hindi mo talaga ako mahal. Kaya wag ka ng umiyak okay?” pinunasan ko ang mga luha niya.


“Salamat Miko” She said.

Oo. Nasasaktan ako ngayon, pero hindi ko naman pwedeng ipilit ang sarili ko sa taong hindi ako mahal diba? Mas lalo pa nga akong masasaktan. Mas mabuti nang tanggapin ko na lang.

“Salamat din Yna kasi kahit hindi mo ako mahal, alam kong totoo ang mga pinakita mo sa'kin. Thank you din kasi pina-experience mo sa'kin na maging girlfriend ka kahit sandali.” Tama. I’ll just accept the truth.


“Yna I’m letting you go. Break na tayo” Mas makakabuti ‘to.

“Miko thank you.” She said.

“Can I ask a favor?” tanong ko kaya tumango naman siya.

“Can I hug you for the last time?” Hindi na siya sumagot dahil bigla niya na akong niyakap.

Sana matanggap ko agad na hindi ako mahal ni Yna. Sana maka move on ako agad.
- - - -
[Yna’s POV]

Niyakap ko si Miko. Masaya ako kasi nasabi ko na sa kanya ang totoo, hindi ko na siya napapaasa. Sana makahanap si Miko ng taong magmamahal sa kanya.

Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now