Chapter Fourteen

11.6K 238 26
                                    

[Yna’s POV]


Papasok na pala ako ngayon. And today is Wednesday. So wash day! It means hindi kami mag-uuniform, magci-civillian kami. Dahil sa hindi ako maintindihan ng parents ko, magrerebelde ako! Kahit na napagaan ni Sir Kean ang loob ko kahapon, may natitira pa rin.  Ipapakita ko sa kanila ang mangyayari sa anak nila kapag pinapagtuloy nila ang plano nila.


Kinuha ko sa cabinet 'yung dress ko at sinuot. Ang suot ko ngayon ay off shoulders na dress at above the knees, tapos naka doll shoes ako. Syempre expose ang shoulders ko at knees but its okay.


Bumaba na ako para na rin makakain ng breakfast. Nakita ko naman sila Mom na nakaupo sa sofa at kausap si Ash. Ano na naman ang ginagawa nila dito? Pipilitin na naman ba nila akong mamili sa kanilang dalawa? Tsk!

“Ash! Come’ on baka malate tayo for school.” tawag ko kay Ash at halatang gulat siya nang makita ako pati na rin sila Dad.

“Sweetie, ano yang suot mo?” tanong ni Dad.

“Damit. Tara na Ash!” sarcastic kong sagot sa kanya.

“Sweetie, masyadong exposed yang suot mo. Palitan mo yan!” pagpigil ni Mom sa akin. Medyo sensitive kasi sila.


“Hindi naman kayo ang susuot. Ash! Come ‘on.” sagot ko kay Mom pagkatapos lumabas at sumunod naman si Ash.

“Yna! Go back at palitan mo yang damit mo!” rinig ko na sigaw ni Dad. Bahala siya, kasalanan naman nila.


“Yna, dapat hindi ganun ang inasal mo, parents mo pa rin sila. Tsaka bat’ ganyan ang suot mo?”


“Kasalanan din naman nila. Ipapakita ko sa kanila ang mangyayari sa anak nila kapag naghiwalay sila.”


Sumakay na kami ni Ash sa taxi papuntang school pagdating namin sa school at pagpasok pa lang namin may mga iilang lalaki na ang nakatingin na sa akin.

“Yna, bilisan natin maglakad, pinagtitinginan ka nila. And most of them are boys. I’m sure sa legs mo sila nakatingin. Tara na!” bulong sa'kin ni Ash at hinila ako.


Nakarating na rin kami sa classroom, hindi ko naman alam na magugulat sila dahil sa suot ko.

“Gosh! Yna! Ikaw ba yan? Hala! Baka alien yan at pumasok lang sa katawan ni Yna!” comment ng babaeng classmate ko.

“Witwew! Yna! Ganyan na lang sana suot mo tuwing wash day!” singit naman ng classmate naming lalaki.


“Wooooh! Yna! Sexy mo. Sama tayo maya.” sabat pa ng isa.


“Hoy! Kayo talaga! Tigilan niyo nga si Yna! Nakakabastos na kayo!” sigaw ng classmate kong girl sa mga boys.


Tumigil naman sila dahil tumunog na ang bell. Lumabas naman ako ng classroom para pumunta sa CR. Grabe lang kung makareact sila, lalo na ang mga boys napaka OA lang.

Inayos ko lang ang dress ko at lumabas na ako sa CR.

[Kean’s POV]

Pumasok na ako sa classroom. Sana hindi na absent si Yna, sayang naman kasi kung aabsent siya i-lelecture ko na kasi ang last lesson nila for prelim.

Binati ko sila pagkatapos tinignan ko isa-isa ang mga upuan at may un-occupied seat sa likod. I’m sure kay Yna 'yun. Hindi na naman siya pumasok.

Diary ni Teacher{Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon