Chapter Twenty-one

10.4K 238 16
                                    

[Yna's POV]

"Kuya, I rejected him. Pero bakit nasasaktan ako?" naiiyak kong sabi at agad naman akong niyakap ni Kuya.


"Sshhh..pumasok ka na sa kotse, I'll take you home." sabi niya. Pumasok na rin ako sa kotse at nakita ko si Ash na umiiyak din.

"Ash?"

"Yna" She cried.

Nagyakapan kami ni Ash at nag-iyakan. Kahit hindi ko pa natatanong kung ano ang dahilan bakit umiiyak si ay alam ko na.


Matapos kaming mag-iyakan ni Ash ay tumahimik kami. Walang nag-iimikan sa amin, maging si kuya ay hindi rin nagtatanong. Maya-maya lang din ay natatanaw ko na ang bahay namin.

"We're here." sabi ni Kuya.

Bumaba naman kami ni Ash sa kotse na parang wala sa mga sarili. Si Ash kasi nakatulala lang at magang maga ang mga mata. Ganun din siguro ang itsura ko. Una na ring pumasok sa bahay si Ash.


"Kuya papasok na po ako. Thank you sa paghintay at paghatid sa'min." sabi ko sabay kiss sa right cheek niya.

"Okay ka na?" tanong niya.

"Ayos na po ako" sagot ko and managed a small smile.

"Sige, just comfort Ash mukhang hindi pa siya okay. And take of yourself hm?" reminder niya kaya nagnod lang ako bilang sagot.

Papasok na sana sa kotse si Kuya kaso pinigilan ko siya sa pamamagitan ng pagtawag sa kanya.

"Bakit? May nakalimutan ka ba?"

"I have a favor to ask, kuya. C-can you check if h-he's okay?" nakayuko kong tanong. Kuya suddenly patted my head.

"You're worried about him, aren't you? Sure, I'll visit him tomorrow." sabi ni kuya at pagkatapos ay sumakay sa kotse.


"Yna alamin mo ang totoong nararamdaman mo okay?" pahabol ni na sabi ni kuya.


Tumango lang ako saka pumasok na rin sa bahay. Pagkapasok ko, dumerecho ako sa cr para maligo. After, nahiga na ako at natulog.


Kinabukasan, nasa bahay lang kami. Si Ash nasa kwarto lang niya may ginagawa. Ako naman nanunuod ng movies.

Maya-maya lang ay lumabas si Ash mula sa kwarto at may dalang box.

"Anong laman ng box na yan?" tanong ko sa kanya.

"Nakapag decide na kasi akong magmove on kaya itatago ko na sa storage room ang mga pictures ko na kasama si Miko at ang mga bagay na ibinigay niya sa'kin." sabi niya sa akin.

"I'm sorry Ash"

"Ano ka ba Yna. Wala ka namang kasalanan. Bakit nagsosorry ka? Tsaka wag na natin pag-usapan pa ang nangyari sa'kin last night. Ikaw, why were you crying last night?" tanong niya.


"Si Sir Kean kasi" panimula ko. Umupo naman si Ash sa tabi ko. "He confessed last night. H-he likes me Ash." sabi ko at biglang nanlaki ang mga mata ni Ash.

"K-kaya pala...kaya pala lagi ka niyang tinutulungan at lagi siyang nakatingin sa'yo. Anong sagot mo sa kanya?" hindi makapaniwalang sabi ni Ash. Maging ako ay hindi rin makapaniwala.


"I...I rejected him" malungkot kong sagot kay Ash. Naalala ko na naman ang itsura ni Sir na umiiyak.

"Parehas pala kami ni Sir Kean ng sinapit. Pero bakit ka umiyak?"

Diary ni Teacher{Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon