Chapter Twenty-six

11.3K 249 26
                                    

[Yna’s POV]

Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng pillow at tinignan ang oras. 9:00 AM na pala ang tagal ko namang nagising. Tinignan ko ulit ang cellphone ko walang text niya? Siguro tulog pa 'yun. Kagabi kasi... GAH! Kinikilig ako!

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at doon tumili. Waaah! Nakakakilig talaga siya!

Kaya ako late nagising dahil kagabi tumawag siya sa'kin. Tapos nag-usap lang kami tanong tanong lang ng kung anu-ano. Hanggang sa kinantahan niya ako, isa pang bagay na natuklasan ko maganda pala ang boses ni Sir Kean. Grabe hindi ako makapaniwala na boyfriend ko na siya ang saya saya ko.

Nang mahimasmasan ako sa kilig mode ko, tumayo na ako at inayos ang sarili ko. Lumabas na ako ng kwarto at nakasalubong ko naman si Ash na kakalabas lang din ng kwarto niya.

“Yna buti naman at gising ka na” bungad ni Ash sa'kin kaya napatanong ako ng 'bakit'.

“Kanina pa po kasi naghihintay si Sir Kean sa baba” sabi niya.

“Ha? What do you mean kanina pa?” gulat na tanong ko kay Ash.

“Kanina pa siya nandito, I think isang oras ka ata niyang hinintay.” nanlaki naman ang mga mata ko dahil dun.

“Isang oras na siyang naghihintay? Bakit hindi mo man lang ako ginising?” Shocks! Kawawa naman siya isang oras niya akong hinintay.

“Alam mo gigisingin na dapat kita kanina nung dumating siya, kaso pinigilan niya ako sabi niya hihintayin ka na lang daw niyang magising. Ayaw niya daw kasi putulin ang tulog mo” sabi ni Ash. Napangiti naman ako ang sweet niya talaga lalo tuloy akong nai-inlove sa kanya.

"Kinikilig ang bruha! Ang sweet nga naman talaga ng boyfriend mo.” Comment ni Ash.

“Che! Teka, bakit nandito ka? Bat’ mo siya iniwan sa baba baka nabo-bored na 'yun”

“Hindi naman yun maboboring dahil kasama naman niya si Kuya Josh”

“Anong ginagawa ni kuya dito?” gulat na tanong ko kay Ash. Nakakagulat ang mga pinagsasabi ni Ash ngayon.

“Gulat na gulat lang ang peg? Hindi ka na nasanay sa kuya mong 'yun. Alam mo naman 'yun parang kabute bigla bigla na lang sumusulpot”

“Pero dapat ginising mo na rin ako. Sige maliligo muna ako.” Sabi ko at pumasok na sa kwarto.

Agad akong pumasok sa CR at naligo. Bakit kaya siya nandito? Pagkatapos kong maligo bumaba na ako at tanging si Ash lang ang naabutan ko sa living room na nakaupo sa sofa at nanonood na naman ng k-drama. Adik talaga hahaha!

“Ash nasaan na sila? Akala ko ba nandito sila? Pinagloloko mo ba ako?” singhal ko kay Ash.

“Maka react ka naman Yna! Nasa garden sila puntahan mo na lang.” sabi niya kaya tumango lang ako.

Agad naman akong pumunta sa garden at nakita ko sila ni Kuya Josh na nag-uusap. Likod pa lang niya ang nakikita ko napapangiti na ako.

“Kuyalumingon sila sa'kin.

“Good morning baby. Buti naman at gising ka na sige papasok na muna ako” pumasok naman si Kuya kaya kami na lang ni Sir Kean ang naiwan.

“Good morning princess.” umupo ako sa tabi niya at binati din siya. “Good morning din”

“How’s your sleep?” tanong niya.

Diary ni Teacher{Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon