Chapter Thirty-eight

9K 191 20
                                    

[Kean’s POV]

 

Anong kakantahin ko? Wala akong maisip na kanta.

“I should think a song that Yna would like.” humiga ako sa kama at nag-isip ng kanta na pwedeng kantahin ko para kay Yna.

Nang maka-isip ako ng kanta agad akong lumabas ng kwarto at kinuha ang gitara sa kwarto ko. Kinausap ko rin si Josh na tulungan ako sa gagawin ko. I want to make Yna happy.

Pagkatapos naming kumain ng dinner ay binigay ko na kay Josh ang signal. Pumunta sila sa garden tapos umupo sa mga benches doon. si Yna naman nasa gitna. On cue lumabas na ako na may dalang gitara and I started to strum the guitar.

[Now Playing:1,2,3,4 by Plain White T's]

“1, 2, 1, 2, 3, 4
Give me more lovin' than I've ever had Make it all better when I'm feelin' sad Tell me that I'm special even when I know I'm not” Natingin lang ako kay Yna habang kumakanta. I want her to feel how much I love her.

“Make me feel good when I hurt so bad Barely gettin' mad, I'm so glad I found you I love bein' around you You make it easy, it's as easy as 1, 2, 1, 2, 3, 4” unti-unti akong lumapit sa kanya at siya naman ay nakangiti na. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko kaya napangiti na rin ako.

“There's only one thing to do Three words for you I love you There's only one way to say Those three words and that's what I'll do, I love you” hinawakan ko ang kamay at pinalapit sa'kin. Tinigil ko ang pagstrum sa gitara at tiningnan siya sa mga mata.

“I’m sorry Boo bati na tayo ha?” ngumiti siya sa akin.

“Hindi naman ako galit sa'yo. Gusto ko lang na kantahan mo ako” sabi niya tapos binelatan pa ako kaya kinurot ang pisngi niya.

“Ikaw talaga” niyakap ko lang siya pagkatapos ginulo ang buhok niya.

Nagsimula naman na mang-asar sila Ash at ayun nagkukitan na sila. Pagkatapos ng funny talks umakyay na kami sa respectives room para magpahinga. Syempre bago ako pumasok hinatid ko muna si Yna sa kwarto nila.

“Sleep tight, good night boo.” I said then I kissed her forehead.

“Good night” pumikit na siya kaya lumabas na rin ako ng kwarto nila.
- - - -
[Ash’s POV]

Third day na ng vacation namin at masasabi kong ang saya saya. Best sem-break ever!

“Anong iniisip mo?” napatingin ako kay Hiro na naka-upo na sa tabi ko. Nandito kami sa garden at pinagmamasdan lang namin ang mga flowers. Kami pa lang kasi ang unang nagising ang iba himbing na himbing pa sa tulog.

“Wala naman” sagot ko. Bigla naman naging seryoso ang expression niya.

"Ash I have a question" tumango naman para iparating na ituloy niya.

“Nakalimutan mo na ba si Miko? Mahal mo na ba ako?” nagulat ako sa tanong niya pero agad din naman akong nakarecover. Its about time para sabihin ko ang totoong nararamdaman ko.

“Yes. Nakalimutan ko na si Miko...at ikaw na ang mahal ko Hiro. Thank you for helping me to move on and for loving me.” hinaplos ko ang mukha niya at tumingin sa kanya.

“I love you Ash” mahina niyang sabi. Napangiti naman ako.

“I love you too Hiro" then we kissed.

Nakalimutan ko na nga si Miko...for me kaibigan na lang ang tingin ko sa kanya. Napamahal na ako kay Hiro hindi naman kasi siya mahirap mahalin. At okay na rin kami ni Miko at masaya ako.
* *
[Yna’s POV]

Bandang hapon na ng naisipan kong lumabas ng kwarto. After kasi akong magising ay hindi muna ako lumabas ng kwarto tinatamad ako ngayon e. Hahaha! Hindi rin ako kumain ng lunch dahil hindi naman ako nagugutom.

Si Kean naman ayun hindi ako kinausap mula pa kanina. Kasi daw bakit ayaw kong kumain...naiinis nga siya kanina sa'kin. Ang cute cute niya mainis pero hinayaan ko na lang dahil alam ko naman na magkakabati rin kami mamaya.

Pumunta ako sa garden dahil nandoon silang lahat. Pero hindi ko naman nakita si Kean doon.

“Kuya nasaan si Kean?” tanong ko.

“Buti naman at lumabas na ang prinsesa ni Kean. Nasa terrace siya.” Agad naman ako pumunta doon at nakita ko nga siya na nakaupo sa railings.

“Boo” napatingin siya sa akin pero agad niya ring iniwas ang tingin niya.

“I’m still mad Yna.” hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya, instead lumapit ako sa kanya at ginamit ko ang signatire smile ko.

“Bati na kasi tayo” 'yung seryoso niyang mukha napalitan ng smiling face.

“I really can’t resist your smile.” bumaba siya sa railings at ginulo ang buhok ko.

Nagstay lang kami sa terrace dahil kasi mamaya lulubog na ang araw at papanuorin namin ang sunset. Tinawag rin namin ang iba para mapanood nila ang sun set. After the sun set bumaba na kami at ginawa ang mga gusto naming gawin. Kami ni Kean sa sala nanunood lang.

Napatingin naman ako sa kanya nang tumunog bigla ang cellphone niya.

“I’ll just take this call.” tumango lang ako bilang tugon.

Makalipas ang ilang minuto, umupo na siya sa tabi ko with his face full of disappointment.

“Bakit ganyan itsura mo? Sinong tumawag?” tanong ko sa kanya.

“Tumawag si Dad...pinapauwi na naman ako sa France, may kailangan daw kasi kaming i-meet na client.” naiinis niyang sabi.
* *
[Kean’s POV]

As excepted biglang nagbago ang facial expression niya nang sinabi ko ang dahilan ng pagtawag ni Dad. Ayoko rin naman kasing umalis.

“K-kelan ka aalis?” tanong niya.

“Bukas” Walang gana kong sagot.

Maaga kaming gumising ngayon kasi uuwi na kami. Ihahatid na rin nila ako sa airport. Habang papuntang airport tahimik lang si Yna. Hindi ko rin naman kasi siya masisisi... pangatlong araw pa lang namin sa vacation tapos eto ako ngayon aalis papuntang France.

Nasa airport na kami at hindi pa rin kumikibo si Yna kaya kinausap ko na siya.

“Boo huwag ka ng malungkot okay? I promise tatawag rin naman ako sa'yo. Tsaka mga one week lang ako doon.” sabi ko.

“Promise mo yan ha”

“Promise! Kaya sige na...ngumiti ka na para naman masaya akong aalis.” With that she smiled at me.
- - - -
Chapter thirty-eight end!

Diary ni Teacher{Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon