Chapter Twenty-three

10.9K 252 28
                                    

[Ash’s POV]

Ano na kaya ang nangyari kay Yna? Bigla na lang kasing umalis 'nung nalaman niyang aalis si Sir Kean tapos hindi na siya bumalik. Hindi man lang nagtext ang babaeng 'yun.
Anyway, iba na talaga ang pumasok kanina sa subject ni Sir. Nalulungkot ako mamimiss ko ng husto si Sir Kean sa gwapo ba naman niyang 'yun sinong di makakamiss sa kanya diba?


Pagkatapos ng klase dumiretso ako sa library para humiram ng libro. After kong makahiram, nagmadali ako sa paglabas dahil gusto ko ng umuwi pero biglang nagsitapunan ang mga dala ko dahil sa may humarang sa daanan kaya nabangga ko.

Padabog kong pinulot ang mga dala ko. Hindi man lang ako tinulungan psh!

“Miss, ayos ka lang ba?” tanong niya at parang familiar ang boses niya.

Tiningala ko siya at hindi nga ako nagkamali. Si Miko..

“Ash” iniwas ko ang tingin ko at agad na tumayo. Makaalis na nga sa lugar na 'to!

Ilang steps pa lang ang nagawa ko ay napatigil ako dahil sa pagpigil niya sa akin.

“Bakit ba?!” singhal ko sa kanya. Then he sighed.

“Ash can we talk?” tanong niya.

“Ano bang pag-uusapan natin? Wala naman akong  natatandaan na may dapat tayong pag-usapan.” I said bitterly.

“Ash, we need to talk and make things back.”

“Ano naman ang kailangan nating ibalik? Wala naman diba? Wala namang nawala sa'tin! At ano bang mawawala sa'tin? Wala diba?” Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. “Una na ako” cold kong sabi saka umalis.

Psh! Bakit ganun ang inasal mo Ashly? Halatang nasasaktan ka pa rin!

“ASH! PLEASE TALK TO ME!” napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko siyang sumigaw.

“ASH! PLEASE! TALK TO ME!” sigaw niya ulit kaya lumapit na ako. Bat’ ba kasi siya sumisigaw? Ang dami daming nadaan na tao sa pathway.

“Fine! Let’s talk!”

Pumunta kami sa mga benches at umupo doon.

“Ano bang sasabihin mo?” naiinis kong tanong sa kanya.

“Ash about our friendship.” sabi niyang habang nakatingin sa akin.

“Oh...right bestfriends nga pala tayo” sabi ko in a bitter way.


“Ash I’m sorry sa nasabi ko sa'yo during socials. Hindi kita gustong saktan, pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo. Kaya please, pansinin mo na ako. Mag bestfriends tayo diba? Walang iwanan diba?” nakatingin lang ako sa kanya habang sinasabi niya ang mga yan.


“Alam ko naman 'yun Miko hindi mo na kailangang ulitin. Tsaka nag-move on na ako. Kakalimutan ko na ang nararamdaman ko sa'yo..pati ang..” huminga ako ng malalim sa tinuloy ang sasabihin ko. “pagkakaibigan natin ay kakalimutan ko na rin. I’m sorry hindi na tayo pwede maging bestfriends ulit. Salamat sa lahat Miko.” sabi ko at umiwas na ng tingin sa kanya.

“Ash huwag mo naman kalimutan ang pagkakaibigan natin. Ikaw ang bestfriend ko at wala nang iba. Mahal ko ang pagkakaibigan natin kaya please huwag mong kalimutan.” paki-usap niya.

Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now