Chapter Twenty-four

10.8K 261 22
                                    

[Yna’s POV]

Makalipas ang isang linggo, wala namang special na nangyari. Syempre dahil sa tapos na ang activities for August at September na, back to normal na ang lahat. Kaso may nangyari nga lang na ikinagulat ko.

*Flashback*

Papunta na ako sa classroom hindi ko kasabay si Ash ngayon kasi nauna na siya. Ang tagal tagal ko raw kasi magbihis.

Pagpasok ko ng classroom wala pa ang teacher namin kaya umupo naman ako agad.

“Good morning Miko” bati ko kay Miko. Siya na nga pala ang katabi ko ngayon, dati kasi si Ash ang katabi niya.

So ganito na ang arrangement ng seat namin:

Ash|Ako|Miko

“Morning din” bati niya pabalik.

Dahil sa wala pa ang teacher namin, pinatong ko na lang ang mga braso ko sa table at inub-ob ko naman ang ulo ko sa mga braso ko.

Kelan kaya uuwi si Sir Kean? I kinda miss him. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko dahil medyo inaantok pa ako. Naramdaman ko namang may umupo sa katabing upuan ko kaya tumingala ako.

“Yesung? Anong ginagawa mo dyan? Diba sa kabilang row ka nakaupo?” tanong ko kay Yesung na nakaupo sa upuan ni Ash.

“Ha? Ah—kasi sabi ni Ash palit na raw kami ng pwesto. Mas gusto niya raw kasi dun sa row namin.” sagot naman niya. Ayaw ba akong katabi ni Ash? Nakakatampo.

Tatayo na sana ako para puntahan si Ash kaso dumating naman si ma'am Angel. Kakausapin ko na lang si Ash mamaya.

Pagkatapos ng klase agad ko na nilapitan si Ash para kausapin. Pero bigla niya na lang akong hinawakan sa kamay at hinila palabas ng classroom.

"May ipapakilala ako sa'yo" bigla niyang sabi.

Huminto na kami sa paglalakad sa College lounge at may nakita akong lalaki na papalapit sa amin.

“Yna meet Hiro my boyfriend.” nagulat naman ako sa sinabi niya kaya speechless ako.

What is this? May boyfriend na pala si Ash at hindi man lang niya sinabi sa'kin? Kelan pa? I need to talk with this girl.

“Ash! Tara uwi na tayo!” Hinila ko naman siya papunta sa parking lot.

“Why?” pagtataka niyang tanong.

“Kailan ka pa nagkaroon ng boyfriend? Bat’ hindi mo sinabi sa'kin? Tapos lumipat ka pa ng seat kanina. Nakakatampo ka na Ash ha” sabi ko tapos nagpout.

“Aww. Tampo tampo agad ang bff ko. Kasi...you know, matagal nang nanliligaw sa'kin si Hiro. June pa ata pero hindi ko siya pinapansin kasi nga diba inlove pa ako sa bff kong si Miko? Ay wait! Let me correct that! EX-BFF pala.” paliwanag niya.

“Ex-bff? What do you mean?” tanong ko sa kanya.

Sinabi naman lahat ni Ash ang mga naging desisyon niya. Sayang naman ang friendship nila, kaya pala lumipat ng seat si Ash kasi Iniiwasan na niya si Miko. Naiinis ako kay Miko at the same naaawa. Naiinis ako sa kanya kasi sinaktan niya si Ash at naaawa ako sa kanya kasi nawalan siya ng bestfriend. Pero hindi ko naman siya masisisi. We can't force people to like someone.

*End of flashback*

So ayun nga may boyfriend na si Ash at ngayon si Miko ang kasama ko. Si Ash kasama si Hiro nagtatampo na ako sa babaeng 'yun minsan ko na lang siya makasama. Kasi naman lagi silang magkasama ni Hiro tapos late pa siya umuuwi sa bahay.

Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now