Chapter Three

17.8K 355 53
                                    

[Yna's POV]



"Patay! Mal-late na ako! Ba't kasi nakalimutan kong i-set ang alarm clock ko?!" Leshe! Late na ako nagising, at eto ako ngayon nagmamadali para hindi malate. Hindi na ako naka paglotion, breakfast, pulbo at perfume. Basta nakaligo, toothbrush, uniform, suklay na ako eh agad agad akong lumabas ng bahay. Kahit walking distance lang ang apartment na nirerentahan ko sa school sumakay na ako ng Tricyle, alangan naman na maglakad pa ako. Sa wakas at nakarating na rin ako sa school.



"Oh! Manong bayad ko po." sabi ko sabay abot ng bayad at dali-daling lumabas ng tricycle.



"Teka Miss! may sukli ka pa." sigaw ni Manong sa akin medyo nakalayo na kasi ako.



"Keep the change na lang ho!" Sigaw ko kay Manong. Mal-late na talaga ako, baka ang teacher namin eh yung terror na Mrs. Kilabot. Sana naman iba na ang teacher.



Tinignan ko ang relo ko habang naglalakad ako ng mabilis na mabilis. Damn! Its already 7:30! Time na! kaya nagdecide akong takbuhin na lang, nasa third floor pa man din ang classroom namin. Takbo ako ng takbo, ni hindi ko na nga tinitignan ang nadadaanan ko eh. Nasa second floor na ako pero napatigil ako sa pagtatakbo nang may bigla akong nabunggo.

Dahil sa sobrang pagmamadali ko hindi ko napansin na may tao pala akong makakasalubong, kaya nagkabanggaan kami pero buti na lang at hindi kami natumba like sa mga napapanood ko or nababasa ko. Ang nangyari lang eh nagkalat ang mga papel na dala niya sa sahig kaya tinulungan ko siyang pulutin ang mga 'yon. Good thing is wala ng ibang nadaan dito.



Basta basta ko lang pinulot ang mga papel,  wala na akong paki kung na-crumple pa ito; nagmamadali kasi ako okay lang sana kung bago ang teacher namin, pero takot ko na lang kung si Mrs.Kilabot.



"Eto na yung mga papel mo, wag ka kasing paharang harang sa daan!" Inabot ko sa kanya ang mga papel na pinulot ko pero gusot gusot na ito. At dahil sa crumpled na ito eh nakatungo ako para di niya makita mukha ko.

"Salamat,sa susunod mag-iingat ka ha." sabi niya at kinuha ang mga papel sa akin. Pero teka parang familiar ang boses niya. Parang si.. Tinaas ko ang ulo ko para makita kung tama ang hula ko. Confirmed! Si Sir Kean nga.

OH NO! Crumpled na ang mga papel, lagot ako nito ba't kasi hindi ko narealize na teacher lang ang may dalang maraming papel.

"H-hello po" Double Dead ako nito. Late na nga ako nabangga ko pa si Sir tinarayan ko pa siya. MALAS ko ngayong araw.

"Naku sorry po sir akala ko po kas- - -"

"Na student ang nakabangga mo?"



"Sorry po talaga sir,nagmamadali po kasi ako. Malalate na po kasi ako sa klase. At pag nalate ako patay na!" naiiyak na ako, I'm Doomed man! I'm Doomed!

"Ha?bakit patay ka pag nalate ka?" takang taka na tanong ni sir.



"Kasi po may possibility na magiging teacher ko si Mrs.Kilabot. Diba Sir kilala mo siya?" I'm sure kilala niya si Mrs.Kilabot kasi diba dito siya nag college?

"Oo naman, paano ko ba makakalimutan ang terror na si Mrs.Kilabot? Sige wag kang mag-alala sasamahan na lang kita sa classroom mo at sasabihin ko na lang kay Mrs.Kilabot na inutusan kita kaya ka nalate."

Sabi na eh hinding hindi niya makakalimutan si Mrs.Kilabot. Pero Ano?! Sasamanhan niya ako sa classroom at sasabihin kay Mrs.Kilabot na inutusan niya ako? Para ba hindi ako mapagalitan or after class may punishment ako?

Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now