Chapter Nineteen

11.3K 235 29
                                    

[Ash’s POV]

This is it! Ang socialization day, excited na ako! Bukod kasi sa last socials na namin 'to since graduating students kami ay may isa pang dahilan kung bat’ ako excited.


“Ash, parang ayoko ng tumuloy.” sabi ni Yna na kanina pa hindi mapakali. Ano na naman problema nito?

“Bakit? Ayos ka lang ba? Kanina ka pa hindi mapakali eh.” tanong ko sa kanya sabay check na rin ng temperature niya. Okay naman.

"Feeling ko kasi ang pangit ko. Pati kinakabahan ako." sabi pa niya. Napailing na lang ako.

"At sino naman ang magsasabi na pangit ka? You absolutely look beautiful. So tara na dahil nasa labas na si Kuya Josh." sabi ko saka kinaladkad palabas si Yna.

Lumabas kami ni Yna ng bahay at bumungad sa amin si kuya Josh na nakasandal sa sasakyan niya. Ang gwapo niyang tignan parang model ng car.

You two look gorgeous.” comment ni kuya josh ng makita kami.

“Thanks.” Yna and I said.

Pumasok kami ni Yna sa sasakyan at hinintay na lang na makarating kami sa school. Sa gymnasium ng school gaganapin ang socials dahil mas madali pag doon at since malaking school ang otaku means malaki rin ang gym.


“We’re here! Ladies, wear your masks first.” sabi ni kuya Josh at mukhang mas excited pa siya kaysa sa'min.

Nauna na akong bumaba ng kotse at talagang bongga ang socials ngayon. May red carpet pa kasi ibig sabihin rarampa kami pag papasok kami ng gym.

“Ash, mauna ka na munang pumasok.” sabi ni Yna.

“Okay, basta hanapin mo lang kung saan ako nakaupo.” sabi ko at lumapit doon sa mga teachers sa may table.
- - - -
[Yna’s POV]

“Baby, bat’ di ka pa sumabay kay Ash?” tanong ni kuya Josh.


“Kuya, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit” sagot ko sabay tingin sa mga students na pumapasok na sa loob.


Ang  totoo niyan, ayaw ko ng pumasok sa loob gusto ko ng umuwi. Kinakabahan talaga ako, tsaka bigla akong nahiya dahil rarampa sa red carpet.

"Mawawala rin yang kaba mo kapag naglakad ka na sa red carpet. Kaya pumasok ka na okay? And you look gorgeous." sabi ni kuya at ngumiti sa akin. Medyo gumaan naman ang loob ko.


Ngumiti rin ako kay kuya pagkatapos sinuot ko ang mask ko. Lumapit naman ako sa table kung saan may mga teachers para isulat ang pangalan ko, para daw kasi 'yun sa awardings mamaya.

Papasok na sana ako pero agad akong pinigilan ng isang babae na nakapink cocktail dress at may mask din.

“Miss, wait for that guy. Kailangan  kasi may partner kapag papasok.” sabi niya kaya sinunod ko na lang. Medyo nabawasan naman ang kaba ko dahil may kasama akong maglalakad though hindi ko naman siya kilala.

Lumapit naman ang magiging partner ko. Inangkla ko naman ang kamay ko sa braso niya dahil 'yun ang sabi ng babae kanina. At nag-umpisa na kaming maglakad sa red carpet.



“I’m glad you came” biglang sabi ng partner ko habang kami ay naglalakad sa red carpet.

"Huh?" pagtataka ko namang tanong.

Diary ni Teacher{Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon