Chapter Eleven

11.1K 229 17
                                    

[Yna’s POV]

Dahil sa tinuloy pa rin nila Mom ang annulment sobra akong na-disappoint kaya umalis ako sa bahay. Umuwi ako sa apartment ko, mas mabuting mag-isa ako.

Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na may anak si Dad sa iba. Kung makita ko man ang anak niyang 'yun siguro aawayin ko siya. Nakakainis! Sana hindi na lang pinakasalan ni Dad si Mom kung may anak siya sa iba. I hate Dad.

Dahil sa sobrang inis at kakaiyak hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ulit nang dumating na si Ashly.

“Yna, kumusta ang lakad niyo? Mukhang napagod ka ata.” tanong ni Ash.

“Okay naman.” matamlay na sagot ko kay Ash at hindi ako tumitingin sa kanya, baka kasi mapansin niya ang mga mata ko.

“Bat’ ang tamlay mo? Naasan na ang parents mo?”

“W-wala, napagod lang ako.” I said, without  looking at her.

“Teka, bat’ di ka makatingin sa'kin?”

“Wala lang.”

“Bakit nga?” pangungulit niya. At dahil na rin sa kakulitan ni Ash, nakita niya ang mukha kong ewan. Namamaga ang mga mata ko.


“Bat’ ganyan ang mga mata mo? Umiyak ka ba buong araw?”


“Ha? K-kasi n-nanuod kami ng movie nila Mom, ayun nakakaiyak ang pinanuod namin kaya ganayan ang mga mata ko.” I said then I faked a laugh.


“Okay. Nga pala si Sir Kean tinanong ka niya sa'kin kanina.”

 

“Oh? Ano naman?”

“Akala niya kasi na late kang papasok. 8:15 na at wala ka pa kaya pinatawag niya ako. Akala ko nga papagalitan niya ako 'yun pala itatanong ka lang.” pagkukwento ni Ash sa mga nangyari kanina.

 

"Bakit naman ako hahanapin ni Sir? Obvious naman na aabsent ako, hindi naman kasi ako nagpapalate ng 30 minutes.”

 

“May quiz kasi kanina. Alam mo may napapansin talaga ako kay Sir Kean.” sabi niya kaya nacurious ako bigla.

 

“Ano naman?”

 

“Basta, hindi ko pa mafigure out. Nasaan ang parents mo?” tanong ni Ash. Sasagot pa sana ako pero narinig namin ang tunong ng doorbell.


“Ako na ang magbubukas.” pagvo-volunteer ni Ash.



Bumaba ako sa sala at bumungad sa'ki sina Mom at Dad na kinakausap si Ash. Bakit pa sila pumunta dito kung hindi rin nila ako pagbibigyan sa request ko.

“Kayo po pala.” I said in a cold tone.

“Sweetie, sa bahay ka muna matulog ngayong gabi okay?” paki usap ni Dad.

“Ayoko! Walang kasama si Ashly dito.” pasigaw kong sagot sa kanya.


“Yna, ayos lang. Kaya ko naman.”

“No Ash, dito ako matutulog.”

“Sweetie, please? You know namiss ka namin ng Mom mo, so please?”

 

“Yna, sige na dun ka na matulog. Kaya sumama ka na sa parents mo.” sabi ni Ash. Kung alam niya lang ang totoong nangyari, I’m sure maiintindihan niya ako.

Wala na rin akong nagawa kundi sumama sa kanila. Sinabi ko na rin kay Ash na di ako papasok bukas.

Nasa kotse kami ngayon, at ni isa walang nagsasalita.


“Sweetie, saan mo gustong pumunta ngayon? You want to eat dinner?” Tanong ni  Dad.


“What’s the point of having a dinner with you? Maghihiwalay lang rin naman kayo and kindly stop acting like you're okay!”

 

“Look, Yna I’m sorry kung hindi ka namin mapapagbigyan. Pagod na ako sa kakaintindi sa Dad mo at masyado na akong nasasaktan.” sabi ni Mom.

 

“Yeah! Yeah! Maghiwalay na kayo kung gusto niyo! Wala naman kayong pakialam sa'kin kaya wala na rin akong pakialam sa desisyon niyo!” I said bitterly.


Kinabukasan maaga akong gumising hindi dahil sa papasok ako, dahil sa ipapakilala sa'kin ni Dad ang anak niya sa labas. Kinausap na rin ako ni Mom last night, sabi niya nakapag file na daw sila ng annulment at hihintayin na lang daw kung kailan ang result. And the worst is pinapapili nila ako kung kanino ako sasama. Siyempre hindi ako pumili dahil ang gusto ko silang dalawa.


“Sweetie, mauna ka na muna sa loob ha? Ipapark ko lang ‘tong kotse.” Dad said.


Nandito na kami sa coffeeshop kung saan kami magkikita ng anak ni Dad sa labas. At dahil sa hinihintay ko si Dad, umupo muna ako sa mga benches sa garden ng coffee shop.


“Ang tagal naman! Magpapark na lang ng kotse ang tagal tagal pa!” pagrereklamo ko. Bakit ang tagal?


“Excuse me, may nakaupo ba sa tabi mo?” tanong ng isang lalaki sa akin.

“May nakikita ka bang nakaupo? Wala naman diba?” sagot ko sa kanya. Sorry siya ganyan talaga ako pag naiinip ako.

“Sungit naman, sige uupo na ako.” Sabi niya at umupo sa tabi. Kaya inirapan ko lang siya.



“Ang tagal tagal naman ni Dad!” sigaw ko at mukhang nagulat ata ang katabi ko.


“Miss? Okay ka lang?” tanong niya.

“No!”

 

“Sungit mo naman, sayang ang ganda ganda mo pa naman.” sabay niya kaya tinignan ko lang siya ng masama. Pakialamero!

Pagkatapos ng ilang minuto pa ay dumating na rin si Dad.

“Sweetie, I’m sorry natagalan ako...”

 

“Come’ on Dad!” tawag ko pero nakatayo lang si Dad at nakatingin sa katabi kong lalaki kanina.


“Dad! Come’on! Baka kanina pa naghihintay ang anak mo sa labas!”

 

“Dad, s-siya po ba ang kapatid ko?” tanong ng pakialamerong lalaki kay Dad.

Wait! Siya ba ang kapatid ko sa ama?
- - - -
Chapter eleven end!

Diary ni Teacher{Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon