Chapter49

9.7K 233 68
                                    

A/n: Basahin niyo po ang author’s note sa last ah ;) may pasurey kasi ako.. and I think  mahaba po ang chapter na ‘to, kasi sinama ko na dito ang magiging last chapter sana. So, it means ito na ang last chap and next is EPILOGUE na ^^

==================

KEAN’S POV

“Kean ano ba talaga ang dahilan at nakipaghiwalay ka kay Yna?!” tanong ni Josh nang maka-upo kami sa bench sa park.

“Akala ko ba mahal na mahal mo ang kapatid ko?” dagdag niya.

Kitang kita mo kay Josh na galit siya, sino ba naman ang hindi magagalit sa ginawa ko diba?

“Hindi ba nangako ka sakin na hinding hindi mo sasaktan si Yna?! ano ‘tong ginagawa mo sa kanya ngayon?!” sigaw ni Josh.

Huminga muna ako ng malalim saka nagsalita.

“Josh, hindi ko naman gustong hiwalayan si Yna...Napilitan lang ako.” I said.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Josh, alam mo namang na mahal na mahal ko si Yna diba? Na hindi ko kayang mawala siya.. Kaya lang naman ako nakipaghiwalay sa kanya kasi... ayoko siyang masaktan.”

“Ano bang sinasabi mo Kean?! Ano ba talaga ang dahilan?”

“Josh, I’m engaged. Kaya ako nakipaghiwalay kay Yna kasi engaged ako kay Sulli. Dahil sa pesteng business na yan kaya nasasaktan si Yna ngayon.” I said and I clenched my fist.

“I understand you Kean, pero sana pinaglaban mo man lang si Yna.” He said.

“Alam mo naman na hindi ko kaya ang mga parents ko Josh. Kung pwede lang nga sana na tumanggi ako sa arranged marriage na yan matagal ko nang ginawa.”

Tinapik niya ang balikat ko.

“Josh.. may ipapakiusap sana ako sayo.” I said.

“Sige, ano ba yun?”

“Pakibigay naman ‘to kay Yna after ng graduation nila.” I said at iniabot ko sa kanya ang diary ko.

Sa diary ko na yon, doon lahat nakasulat ang mga araw na kasama ko si Yna, at pati na rin ang totoo.

Diary ni Teacher{Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon