Chapter Seven

15.6K 314 36
                                    

[Yna’s POV]

“Good Morning Ashly!” bati ko kay Ash na kasalukuyang nakaupo sa kanyang upuan at nakahalumbaba.

“Morning” walang gana niyang response sa akin.

“Oh bat’ wala kang gana? May problema ka ba?” kilala ko ang babaeng ‘to pag walang gana ito ibig sabihin may problem siya. Bumuntong hininga lang siya bilang sagot.

“Ash may problem ka! I know you. Sige na sabihin mo sa akin.”

“Kasi sabi ng mama ko humanap na daw ako ng apartment na titirhan.”

“Ha? Bakit? Pinalayas ka ba sa inyo?” tanong ko sa kanya na may pag-aalala.

“Hindi. Sabi niya kasi para daw matuto na akong maging independent.”

“Naku! Wala na mang problema dun eh. Akala ko pa naman kung ano na.”

“Meron, wala akong mahanap na apartment.”

“Yan lang ba? Dun ka sa apartment ko tumira."

“Sure? Diba nirerentahan mo lang 'yun?”

“Dati! Pero ngayon hindi na, nabwiwisit na kasi ako sa landlord namin kaya sinabi ko kanila Daddy na ibili na lang ako ng sarili kong apartment.”


“Talaga? Yehey! Sasabihin ko na sila Mama mamaya.” Masayang saad ni Ashly.

Good may makakasama na ako sa bahay. Actually may kasama naman akong kasambahay. Pero hindi siya dun natutulog eh pumupunta lang siya dun tuwing umaga para maglinis, maglaba, at ipagluto ako.

“Paano ang bayad?” tanong niya.

“Wag ka ng magbayad it's free, basta bestfriend ko.” exclaimed niya sabay yakap sa'kin.

“Wait kumusta naman ang date niyo ni Sir Kean?” tanong niya ng kumalas sa pagkakayakap namin. Agad ko namang tinakpan ang bibig niya.

“Wag ka nga sumigaw baka may makarinig sa'yo.” at inalis ko naman ang kamay ko sa bibig niya.

“Okay! So ano kumusta ang date niyo?” tanong niya ulit sa akin.

“Anong date? Sapakin kaya kita dyan!”

“Psh. Sige na nga! Oh! ano nangyari?”

Kinwento ko naman lahat ng nangyari sa sabihin na lang nating ‘Punishment’ ni Sir Kean. At grabe lang makareact ang babaeng 'yun nung nasabi ko sa kanya na hinawakan ni Sir ang mga kamay ko at may sasabihin sa akin kaso hindi natuloy.

Curious talaga ako. Ano kaya 'yung sasabihin ni Sir? Hinawakan niya pa ang mga kamay ko tapos seryosong seryoso ang mukha niya.

“Hay naku Yna! Panira yang si Ma'am Angel eh, ayan tuloy hindi natapos ni Sir ang sasabihin niya. TSK! Pero teka ano kaya yung sasabihin ni Sir sa'yo?”


“Hindi ko alam tsaka hinaan mo nga yang boses mo. Can’t you see si Ma'am Angel ang teacher natin.” Saway ko sa kanya.

“Hmmp! Eh sa naiinis ako sa Ma'am ANGEL na yan!” sigaw ni Ashly.

At medyo malakas ata ang pagkakasabi niya kasi napansin kami ng mga classmates namin at si Ma'am Angel naman ay napalingon din sa amin na kasalukuyang nagsusulat ng kung ano man sa whiteboard.

Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now