Chapter Forty-three

8.1K 180 4
                                    

[Yna's POV]

Tapos na ang christmas vacation at new year na at klase na ulit! Sila Mom at Dad bumalik na sa Canada aasikasuhin na naman ang business. Si kuya Josh busy busyhan na rin. Si Ash ayun, bumalik na rin sa bahay syempre klase na kasi.

At heto ako ngayon naglalakad na parang zombie sa corridor. Madaling araw na kasi ako natulog kagabi kaya inaatok pa ako. Pero hindi naman ako pwedeng umabsent, bukod kasi sa Monday na Monday ay si Kean pa ang teacher ko baka kasi magalit siya sa'kin kung hindi ako papasok ng walang dahilan.


Nasa classroom na ako at agad akong umupo sa chair ko at sinubsob ang ulo sa desk. Inaantok talaga ako eh.

“New year na new year tapos ang aga aga matutulog ka?” tanong ni Miko.

“Inaantok ako Mik.” Sagot ko nang di man lang inaangat ang ulo.


Ginulo niya lang ang buhok ko at di na ako kinausap. Matutulog na muna ako, wala pa naman si Kean eh.








“Good morning class.”

“Good morning sir Kean!!”


Umupo na ako ng maayos nang marinig ko sila kahit na inaantok pa ako T___T Kawawa naman ako.


“Okay. So how’s your Christmas and new year vacation?” tanong ni Kean.

“Okay na okay Sir!” sagot nila.

“Good. So let’s start the lesson.” He said.

“Ahhhhhhh!” reklamo ng mga classmates ko.


Nagstart na nga siya ng lecture at ako naman pinipilit ang sarili na hindi matulog.


*Yawn!!*


Ahhh! Inaantok talaga ako T___T

-__O

O__-

Hindi ko na kaya!!

Sinubsob ko na ang ulo ko sa desk and








(X_x)  ZZZzzzzZZZZZ






KEAN’S POV




Habang nagtuturo ako pansin kong wala sa sarili si Yna, kasi namimikit na ang mga mata niya. Mukhang inaantok. Pero tinuloy ko pa rin ang discussion, ididiscuss ko na lang sa kanya mamaya ang lesson.


Nasa kalagitnaan na ako ng topic nang mapansin kong nakasubsob na ang ulo niya sa desk. Mukhang tulog na hahaha.

Ano kaya ang ginawa niya last night at natutulog sa klase ko ngayon? Pasaway talaga ang baby boo ko kahit kelan, pero kahit pasaway siya love ko yan ◠‿◠


“Ahhh. Class, let’s take a break muna. Itutuloy na lang natin ito next meeting.” Sabi ko sa mga students ko.

“Waaaah! Really Sir?!” tanong nila.

“Yes. Sige na you can go. Class dismissed.” I said.

“Waaaaah! Thank you sir Kean.” Sabi ng mga girls.

“Wag kayo sakin mag-thankyou. Sa kanya kayo mag-thank you.” I said tapos tinuro ko si Yna na natutulog.

“Ayiieeeeeeeeee!” Exclaimed ng ibang girls. Sila yung mga nakakita samin ni Yna sa parking lot. So ibig sabihin alam nila ang tungkol samin.


Diary ni Teacher{Editing}حيث تعيش القصص. اكتشف الآن