Chapter Thirty-three

8.2K 168 47
                                    

[Yna’s POV]

Nandito kami ni Miko sa park malapit sa condo unit ni Kuya Josh. Simple lang naman ang date namin, kumain lang kami then after naglakad-lakad sa park.

Halatang halata sa mukha ni Miko na masayang masaya siya. Parang may pumipigil tuloy sa'kin na sabihin sa kanya ang totoo. Pero kailangan ko na talagang umamin.. kapag pinagpatuloy ko ‘to tatlong tao ang masasaktan ko. At isa dun si Kean.

Umupo kami sa isang bench na nasa ilalim ng puno.

“Miko may sasabihin sana ako.”  Panimula ko kaya tumingin siya sa akin. Inhale. Exhale. Kaya mo yan Yna!

“Kasi ang totoo niyan---"

“Look Yna! May ice cream parlor, come let’s buy ice cream!” pagpuputol ni Miko sa sasabihin ko. Ugh!

Hinila niya ako papasok sa Ice cream parlor at binilhan ako ng ice cream. After namin kumain naglakad na ulit kami. Ayos! Pagkakataon na talaga ‘to.

“Miko umupo muna tayo may sasabihin lang talaga ako.” Umupo naman kami sa bench.

“Ano ba 'yung sasabihin mo?” tanong niya.

Miko the truth is...I have--"

“Oh! Si Sir Kean!” Napatingin naman ako sa bandang kaliwa. Si Kean nga! Nataranta naman ako. Hindi pwede.

“Miko makiki-CR lang ako sa ice cream parlor ha! Dito ka lang.” Agad akong tumakbo sa loob ng ice cream parlor.

Whoo! Muntik na 'yun! Pero bakit ba ako tumakbo palayo? Dapat sabihin ko na sa kanya. Pero kasi si Kean..

Pumasok na lang ako sa CR at inayos ko lang ang sarili ko. Tapos lumabas na ako ng CR. Nang nasa labas na ako may biglang humila ng kamay ko.


“Sir Kean...si Yna girlfriend ko na nga pala. Kahapon niya lang ako sinagot” sabi ni Miko.

“R-really? Well congrats for the two of you.” sabi niya at tumingin sa akin.

“Thank  you sir Kean” Miko said.

Hindi pa rin inaalis ni Kean ang tingin niya sakin. I-I can’t determine his expression. Blank stare lang kasi ang mga tingin niya. Umiwas na ako ng tingin. Kean, I’m sorry alam kong nasasaktan ka ngayon.

“Sige, una na ako sa inyo. Ingat na lang kayo.” sabi niya at umalis na.

Tumingin na ako sa kanya pero likod na lang niya ang nakikita ko. Palayo na siya ng palayo. Ano nang gagawin ko? Now that he found out?

“Tara na?” napatingin naman ako kay Miko. Masasaktan ko rin siya.

“Miko pwede bang huwag mo na akong ihatid? May pupuntahan pa kasi ako.”

“Saan naman? Sasamahan na lang kita.”

“No! I mean important kasi... please? Mauna ka na?”

Sige. Basta mag-ingat ka.” Finally pumayag din siya. Then he left.

Agad ko naman hinanap si Kean. Saan kaya siya pumunta? Mag-eexplain ako sa kanya. I should say sorry to him. Naglakad lakad ako sa park baka kasi nandito pa siya. Pero, kanina pa ako naglalakad... hindi ko siya nakita kaya tinawagan ko na lang.

“Please sagutin mo” Nagri-ring kasi ang phone niya pero wala pang sumasagot.

“Kean naman please sagutin mo..” Lakad lang ako ng lakad habang dina-dial ang number niya.. Hindi pa rin siya sumasagot.

Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now