Chapter Thirteen

11.3K 256 17
                                    

[Kean’s POV]

Absent na naman si Yna, tinanong ko kasi si Angel kung pumasok si Yna sabi niya hindi daw. Bakit kaya absent siya? Nextweek pa naman ang exam nila.


Kaya pagkatapos ng klase ko dumiretso ako sa restaurant na lagi kong pinupuntahan. Nang makarating ako sa resto, siyempre doon ako umupo sa pang isahang table. Naalala ko ang first lunch ko together with Yna sa resto na ‘to. Ang cute cute niya, sarap na sarap siya sa pagkain dito.


Napansin ko naman sa kabilang table sa likod ko ay may isang babae na nasa 40 na ang age at isang lalaki na nasa mid 40's na ang age. Mukhang may hinihintay sila. Sino kaya ang hinihintay nila? Teka ka nga bat’ ba ako nakikialam sa kanila? Makakain na nga.

“Mom, sino siya?!”

“Sweetie. He’s my attorney Have a seat.”

Umiinom ako ng shake na inorder ko nang marinig ko ang isang familiar na boses mula sa likod ko. Lumingon ako, si Yna pala and she’s with her parents. Mom niya pala ang naka-upo sa table sa likod ko. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Ayaw ko naman makialam sa usapan nila. Kaya pala siya absent.

“What? No! I’ve made my decision and its final. Wala akong pipiliin sa inyo!”

“But, Sweetie. Kailangan para ma-approve na ang annulment papers namin.”

“No! Ayoko! Hindi ba kayo naaawa sa'kin? Dad! Mom! Please?”

Hindi ko naman sinasadyang marinig ang usapan nila, pero pasigaw ang pagsasalita ni Yna kung rinig ko. Lumingon ako at nakita ko si Yna na umalis at dumerecho sa garden. Kaya agad kong tinawag ang waiter at hiningi ang bill ko. After mabigay ng waiter ang bill ko, agad ko itong binayaran at sinundan si Yna.


Nasa garden na ako, at nakita ko siyang nakaupo sa swing where two people can sit there, and she was crying so hard. Lumapit naman ako at naupo sa tabi niya.


“Here. Use my hanky.” sabi ko sabay abot ng panyo sa kanya.


Tumingin siya sa'kin at gulat na gulat ang itsura niya kaya agad niyang pinunasan ang mga luha niya gamit ang mga kamay niya.

“S-sir Kean?”

“Bakit ka tumigil?” tanong ko sa kanya.

“Po? Wala po 'yun.” sabi niya sabay ngiti. But I know, that smile was fake. Then I pinched her cheeks.

“A-aray ko po sir!” sigaw niya at hinimas niya ang mga pisngi niya. At nagpout. How cute. Kinurot ko ulit ang pisngi niya.

“Sir naman po.” reklamo niya pero kinurot ko ulit ang pisngi niya hindi ko binitawan ang mga pisngi niya hanggang sa medyo naiiyak na siya sa sakit.


“Aray ko po Sir, masakit 'yun ah.” reklamo niya at may namumuong mga na luha sa mga mata niya.


“I know, hindi  naman  masama  umiyak. Kaya sige na, ilabas mo na yan.”


Pagkatapos kong sabihin 'yun, bigla na lang siyang humagulgol ng iyak. Kaya pala siya hindi pumasok kahapon at kanina kasi may problem siya sa parents niya. I know masakit na malalaman mong maghihiwalay ang parents mo.

Iyak lang siya ng iyak, hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko tumayo ako at niyakap ko siya. At umiyak lang siya sa balikat ko. Okay lang kung mabasa ang damit ko, basta ang mahalaga gagaan ang loob niya.

Mga ilang minuto ganun lang kami, nakatayo at ako nakayakap sa kanya siya naman umiiyak.
- - - -
[Yna’s POV]

Pagkatapos ng crying scene ko with Sir Kean nagstay muna ako sa garden ng resto, ganun din si Sir. Nakakahiya! Basang basa ang upper part ng damit ni Sir dahil sa mga luha ko.

A big thank you talaga kay sir Kean, dahil sa kanya gumaan ang loob ko. Kaya pala kinukurot niya ang mga pisngi ko kanina kasi gusto niya akong umiyak para mailabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ang bait bait talaga ni Sir Kean, siguro pag hindi ko naging teacher  maiinlove ako sa kanya. Sino ba naman ang hindi? Ang gwapo gwapo niya at siya na ata ang pinaka understanding at mabait na tao. Ang swerte siguro ng girlfriend ni Sir.

“Okay ka na ba?” tanong niya sa'kin.


“Opo Sir. Thank you po. Nabasa pa tuloy damit niyo.”

“Ayos lang sa susunod pag may problema ka, nandito lang ako. Wag kang mahiya besides I’m your teacher naman.”

“Opo, thank you talaga Sir.”


“I’ll do everything for you." sabi niya na ipinagtaka ko naman.

He’ll do everything just for me? Ano 'yun? Nagiging weird na naman si Sir. Babalik na sana ako sa loob nang makasalubong ko si kuya Josh.

“Kuya Josh?”

“Baby, ako na maghahatid sayo.” ano ulit tinawag niya sakin? Baby?

“K-kuya Josh, ba-bakit B-baby?” hiyang hiya na tanong ko sa kanya.

“Ahh, Ikaw lang kasi ang kapatid ko at gustong gusto ko magkaroon ng little sister at tatawagin ko siyang baby.”


“Kuya hindi na ako little, big na ako.” natatawa kong sabi.

“Hayaan mo na, halika ka na Baby.” Umalis na kami at hinatid niya ako sa apartment ko.


“Thank you po kuya Josh.”


“You're always welcome baby, nga pala bukas pupuntahan kita sa school mo. Pag-uusapan natin ang plan natin okay?” sabi niya, tumangon naman ako bilang sagot. Pagkatapos umalis na siya.


“Baby?” napatalon ako dahil sa sobrang gulat. At napalingon sa likod ko.

“Yna! Nawala ka lang ng ilang araw may tumatawag na sa'yong Baby?” sigaw ni Ash.


“Naman Ash! Nakakagulat ka. Halika na sa loob at ikukwento ko sayo lahat.” sabi ko kay Ash at hinila siya papasok sa loob.


Kinwento ko naman kay Ash lahat lahat, binigyan niya rin ako ng advice about sa problem ko. Pero ang ikinagulat niya sa lahat ay ang pagcomfort ni Sir Kean. Sabi pa nga niya baka daw may relasyon kami ni Sir Kean. Loka talaga ang babaeng 'yun. At naiinggit din siya sa'kin kasi may kuya daw ako na ubod ng gwapo at sweet. Tapos tinatawag pa daw akong Baby.


“Ash, gusto mo sabihin ko na lang kay kuya Josh na tawagin ka ring Baby?” biro ko kay Ash.

 

“Che! Wag na! teka papasok ka na ba bukas?” tanong ni Ash.

“Yup.”
- - - -
Chapter thirteen end!

Diary ni Teacher{Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon