Chapter Twelve

11.1K 243 25
                                    

[Yna’s POV]

“Yes Josh, nagkakilala na pala kayo?” tanong ni Dad habang nakatingin sa'ming dalawa.

“Hindi ko pa po alam ang pangalan niya.” sabi niya tapos lumapit sa'kin. "Hello" he said, then he led his hand.


Wait lang! Bakit hindi nagsi-sink in sa utak ko ang mga nangyayari ngayon? Ang lalaking pakialamero ay ang kapatid ko sa ama?

“Sweetie, makipag shakehands ka.” rinig kong sabi ni Dad.


“So ikaw pala ang dahilan ng lahat! Pakialamero ka na nga mang-aagaw ka pa ng Dad” naiinis kong sabi sa kanya at hindi ako nakipag shakehands sa kanya.

“Yna! Ayusin mo yang ugali mo!” mariin na sabi ni Dad.


“It’s your fault Dad! Simula ngayon ganito na ang ugali ko!” sigaw ko at nagwalk out. Pumasok naman ako sa coffee shop. Nakita ko naman silang dalawa na pumasok din at lumapit sa table ko.


“Yna, nag-usap na tayo tungkol dito right?” hindi ko pinansin si Dad dahil alam kong pipilitin niya rin ako na makipag-usap sa lalaking 'yun.


“Iiwan ko muna kayo dito may pupuntahan lang ako. Yna, be nice to your brother.” Dad said and left us.



At naiwan kami ng kapatid ko sa ama. Walang nagsasalita sa'min, ako nagsisip lang ng coffee na inorder ko at siya naman ay kinakalikot ang cellphone niya.


Psh. Ano bang tinitignan niya sa cellphone niya? Nakakainis! Hindi ako sanay na walang kausap.


"Gusto mong kumain ng cake?” tanong niya sakin. Sa wakas at nagsalita rin siya. Nakakabingi na ang katahimikan eh.

“Oo, kaya umorder ka na.” utos ko sa kanya.

Infairness, may itsura naman siya. I mean gwapo siya. Pero mang-aagaw pa rin siya. Sigurado ako ang magiging asawa niya ay aagawin niya rin sa kung sino man.


“Here, chocolate cake hope gusto mo yan.” sabi niya at inabot sa'kin ang isang slice ng chocolate cake. Agad ko naman itong inabot at sumubo.


“Wala man lang thank you?” rinig kong sabi niya.


"Thank you ha!" I said sarcastically.


“Sungit naman, Ano nga pala pangalan mo?”


“Hindi mo ba tinanong sa Dad ko? Shayna Parker is the name, and you?”


“Josh Pineda. Ilang taon ka na?”

“Pineda?” pagtatakang tanong ko naman.


“Yeah, hindi ko ginamit ang surname ni Dad.”


“I’ll be frank. I hate you and your Mom! Inagaw niyo ang Dad ko sa amin ni Mom! At dahil sa Mom mo, maghihiwalay sila Dad and Mom! Iiwanan na nila ako.” I said frankly with that bigla na naman tumulo ang mga luha ko. Buti na lang at konti lang tao dito sa coffeshop na pinuntahan namin.


“Nakakainis talaga ang mga taong mang-aagaw. Sinisira nila ang isang magandang relasyon. Tapos ano? Sasama sa inyo si Dad? At kakalimutan na ako?”


After that, tuloy-tuloy na ang buhos ng mga luha ko. Hindi ko na mapigilan dapat hindi ako umiiyak sa harapan ng anak sa labas ni Dad. I’m sure pagtatawanan ako nito.


“I-I’m sorry. Hindi ko rin naman ginusto ang mga nangyayari, I know, you hate me and my Mom. But please don’t include my Mom here.”


“Don’t Include?! Siya naman ang may  kasalanan! A-alam niya na ngang magpapakasal na si Dad, nagpabuntis pa siya! And where the heck is your Mom? I’m sure she’s laughing at us now.”


“M-my Mom’s dead. I’m sorry kung maghihiwalay ang parents mo. Thanks at nakilala na kita.” sabi niya saka umalis. At parang naiiyak 'yung boses niya.


Patay na ang nanay niya? Gosh I’m so rude, I didn’t mean to say those words. Talagang nagalit lang ako ng sobra.

Nasa labas na ng coffeshop si Josh kaya agad ko siyang hinabol.



“Wait!” pigil ko sa kanya, lumingon naman siya sa'kin at umiiyak siya.


“K-kuya Josh, I-I’m sorry for what I said. G-galit lang talaga ako. I didn’t mean it."

Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit. And I felt something, gusto ko siyang maging kuya.


“I’m sorry din, alam mo pwede naman nating pigilan ang annulment ng Mom and Dad mo.” sabi niya at bigla akong napangiti sa narinig ko.


“T-talaga? You’ll help me?”

“Yes, ayoko namang masira ang family mo. I know Dad loves your Mom so much. I’ll help you but in one condition." sabi niya. Pero may kapalit? Sige na nga lang, para rin naman ‘to kayna Mom at Dad.

“Ano?”

“Be my sister, you’ll call me kuya and don't be rude to me. Lastly kapag hindi natuloy ang paghihiwalay nila. Alisin mo na ang galit mo sa Mom ko at sa akin. So do we have a deal?”

“Deal.” sabi ko at nakipag shake hands sa kanya.
- - - -
“Sweetie, nasaan na ang kuya Josh mo?” tanong ni Dad na kakabalik lang sa coffee shop.

“Umuwi na siya. Don’t worry Dad, magkasundo kami ni kuya Josh.”


“Good, and you even call him Kuya. Come’ on your Mom’s waiting.”

“Mom? Where?”

“Basta.” sagot ni Dad kaya sumunod na lang ako sa kanya.


Dumating kami sa isang familiar na restaurant, saan ko nga ba nakita ang resto na ‘to? Nag-isip naman ako at bigla kong naalala si Sir Kean. Tama, dito ako dinala ni Sir Kean noong sabay kaming kumain ng lunch.

“Come’ on sweetie.” pinagbuksan ako ni Dad ng pinto.


Nakita ko naman si Mom na hinihintay kami at may kasama siyang isang lalaki. Mukhang desente at nasa 40’s na ang age.

“Mom, sino siya?!” salubong na tanong ko kay Mom.

“Oh, sweetie. He’s my attorney. Have a seat.”

“So, why are we here?” tanong ko.

“Sweetie, pag-uusapan natin kung kanino ka sasama.” sagot naman ni Dad.

“What?! No! I’ve made my decision and its final. Wala akong pipiliin sa inyo!”

“But, Sweetie. Kailangan para ma-approve na ang annulment papers namin.” pakiusap ni Mom.

“No! Ayoko! Hindi ba kayo naaawa sakin? Dad! Mom! Please?”

 

“We’re sorry Baby.” 

With that nagwalk out ako. Pumunta ako sa garden ng resto na ‘to.


“Nakakainis sila! hindi ba nila naiintindihan? Ayoko silang maghiwalay.” dahil sa sobrang inis naiyak na lang ako. Nakakainis talaga sila, ayaw na ba talaga nila? Paano na ang plano namin ni kuya Josh?

Umiyak lang ako ng umiyak, habang nakaupo ako sa swing na pang dalawahang tao. Hanggang sa may naramdaman akong umupo sa tabi ko.

“Here. Use my hanky.” tumingin ako sa direksyon ng taong umupo sa tabi ko at nag-alok ng panyo. And its Sir Kean.
- - - -
Chapter twelve end!

Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now