Chapter Twenty-seven

10.4K 247 44
                                    

[Angel’s  POV]

Nandito ako ngayon sa resto na paborito namin nila Kean at Josh. Dito na ako nagdinner since gabi na rin. Tsaka pag nandito ako sa resto na ‘to lagi kong naaalala si Kean. Gustong gusto ko kapag iniisip o naaalala ko si Kean, nagiging masaya kasi ako pero mas magiging masaya ako kung alam niyang mahal ko siya...at kung mahal niya rin ako. Sana ako na lang ang taong matagal na niyang gusto.

Lumabas na ako ng resto at napansin ko ang isang kotse na parang pamilyar kaya nilapitan ko ito. Parang kay Kean ang kotse na ‘to. Pero hindi ko naman nakita sa loob si Kean siguro kapareha lang. Naglakad na ako ulit nang...

Nabitawan ko ang dala kong bag dahil sa sobrang gulat. T-teka a-anong ginagawa nila? B-bakit sila magkasama? Tsaka m-magkahawak sila ng kamay..

Hindi ako nagalaw sa kinatatayuan ko, nagpro-process pa rin kasi sa utak ko ang nakikita ko. Nagulat rin ata sila dahil hindi rin sila nagalaw sa kinatatayuan nila at nang makita nila ako agad nilang binitawan ang kamay ng isa’t-isa.

Bakit nga ba sila magkasama? Siguro kasama rin nila si Josh. Tama! Pinabantayan siguro ni Josh si Yna kay Kean kaya sila magkasama. Agad kong pinulot ang bag ko na nasa sahig at lumapit sa kanilang dalawa.

“Kean! Yna!! Anong ginagawa niyo dito?” tanong ko sa kanilang dalawa.

“Angel mag-usap muna tayo sandali.” Seryosong sabi ni Kean.

Bakit napaka-serious naman ata nila? Sumunod naman ako kay Kean na pumasok sa resto. Dumiretso siya sa garden...mukhang serious nga ang pag-uusapan namin. Siguro.. siguro magtatapat na siya sa'kin? Waaah! Hindi ako ready dapat mag-retouch muna ako.

Pupunta na sana ako ng comfort room nang nakita ko si Yna na nakasunod sa'min. Teka bakit sumusunod siya sa'min ni Kean? Diba dapat umuwi na siya? Kasi tapos na ang pang be-babysit ni Kean sa kanya.

Hindi na ako tumuloy sa CR, instead tumuloy na ako sa garden..Nasa bench kami ni Kean naka-upo samantalang si Yna sa swing naman naka-upo. Bakit ba nandito pa siya? Istorbo!

“Angel” napatingin naman ako sa kanya napaka sersoyoso ng mukha niya. May nangyari bang masama?

“Bakit?” tanong ko sa kanya.

“'Yung nakita mo kanina. Kindly keep it as a secret?” napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

“A-anong ibig mong sabihin Kean? Hindi ko maintindihan” bumuntong hininga siya at nagsalita..

"Angel, girlfriend ko na si Yna" A-ano daw ang sabi niya? Si Yna...girlfriend niya? Bawal 'yun diba? Matatanggal sa trabaho si Kean.

“Gel maaasahan ba kita? Can you keep it as a secret?” muling tanong ni Kean.

Unti-unting may namumuong luha sa gilid ng mga mata ko kaya lumunok ako para mapigilan ang pagbuhos nito. Tumingin ako kay Kean at ngumiti...A fake smile.

“No problem. I’ll keep it as a secret.” sabi ko.

Agad akong niyakap ni Kean. Pero hindi ako natutuwa dahil alam kong niyakap niya lang ako dahil masaya siya at hindi ako ang dahilan nun kundi si Yna.

“Salamat Gel. Alam kong maaasahan kita. Thank you talaga.” Kean said happily. Tumalikod ako sa kanya dahil, bigla na lang pumatak ang mga luha ko.

“W-wala yun. S-sige una ako ha.”


Pinunasan ko ang mga luhang pumatak sa pisngi ko. At lumakad na palayo sa kanila. Ang sakit para akong tinutusok ng karayom, ganito pala kasakit kapag nalaman na ang taong mahal mo ay may mahal nang iba.

Diary ni Teacher{Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon