Chapter Nine

11.8K 258 34
                                    

[Yna's POV]

"Yna, Gising na baka ma-late tayo." nagising ako dahil sa boses ni Ash at sa kanina pa niyang pagyugyog sa braso ko kaya bumangon na ako.


"Ash, hindi muna ako papasok ngayon." matamlay kong sabi sa kanya.

Napakunot naman ang noo niya at sabay na hinawakan ang forehead ko. "Wala ka namang sakit. Bakit hindi ka papasok?"

"Uuwi kasi sila Mom ngayon." sagot ko kay Ash.

"Sige, aalis na ako." paalam niya saka lumabas ng kwarto ko.

Pagkasara ng pinto agad akong bumalik sa pagkakahiga ko at nagtalukbong  ng kumot. Bigla na lang nag flashback ang mga narinig ko kahapon habang nag-uusap kami ni Dad. Sana hindi totoo ang mga narinig ko.

"Yna, may bisita ka." rinig kong sabi ni Manang na nasa labas ng kwarto ko at kumakatok.

"Opo, Manang" sagot ko at bumangon na. I'm sure sila Mom na yan.

Nasa baitang pa lang ako ng hagdan at kitang kita ko na sila Dad na nakaupo sa sofa. I missed them both. Lumingon si Dad at nakita niya naman akong pababa, agad naman siyang lumapit sa'kin at niyakap ako. Pero hindi ko niyakap pabalik si Dad, nalilito kasi ako. Magkatabi sila ni Mom at mukhang bati naman sila.

"Sweetie, Dad missed you so much. Tumangkad ka ata ng konti at lalo kang gumanda." Dad said. At nakasimangot lang ako. 

"Sweetie? Aren't you happy? We're here!" tanong sa'kin ni Dad. At lumapit naman si Mom nang marinig niya si Dad na nagsalita.

"Why? May sakit ka ba Baby? N-nandito na kami ng D-dad mo oh. D-diba H-honey?" Mom said and she's stuttering.

"Y-yes Sweetie, nandito na kami ng  M-mom mo." Dad said and he's stuttering also. Ok, I need to clarify things.

"Mom! Dad! Stop acting like fools! Alam kong magkaaway kayo! Narinig ko lahat, Is it true? Please tell me." pagmamakaawa ko sa kanilang dalawa sabay tulo na rin ng mga luha ko.

"Sasabihin na namin ang totoo sweetie, pero wag dito uuwi muna tayo sa bahay okay?" Dad said. 

Nagpalit naman agad ako ng damit at sumunod sa kotse. Halos kalahating oras ang nakalipas ay nakarating na rin kami, tagal ko na ring di nakaka uwi sa bahay na to'. This is our real house pero dahil sa laging nasa ibang bansa sila Mom para sa business, sila Lola na lang ang nakatira dito. Ayoko rin naman tumira dito dahil mamimiss ko agad sila Mom kaya nga nagpabili ako ng apartment. 

"Yna! Apo ko!" salubong sa'kin ni Lola at agad niya akong niyakap. 

"Namiss kita ng sobra, tagal mong di dumalaw dito. Halika pasok kayo." pagyaya sa'min ni Lola. I missed Lola too and this house.

"Mabuti naman at naisipan niyong umuwi dito, sige magluluto lang ako." sabi ni Lola.

"Sweetie, lahat ng narinig mo sa phone kahapon ay totoo." sabi ni Dad.

Pagkarinig ko 'nun bigla na lang tumulo ang mga luha ko. At agad naman akong niyakap ni Dad pero agad akong umiwas, ayoko siyang yakapin.

"I'm sorry Dad, but I need explanation!" sigaw ko sa kanya. I know its not nice to yell at your parents, but I just can't control my anger. 


Huminga ng malalim si Dad bago siya nagsalita. "Kami ng Mom mo ay maghihiwalay na. Kaya kami umuwi sa Pilipinas para sabihin sa'yo ang balak namin at para magfile na rin ng annulment." paliwanag ni Dad.

Humagulgol naman ako sa harapan nilang dalawa, I don't care if they can see me.

"We're sorry, sweetie." yan lang ang nasabi ni Dad.

I calmed myself at huminga ako ng malalim bago ako nagsalita. "Anong reason? Bakit kailangan pang maghiwalay kayo? I know simpleng away lang yan. Mom please? Ayoko kayong maghiwalay."  

"B-baby, I'm s-sorry p-pero kailangan. H-hindi ko na kaya ang sakit." Mom said while she's crying.


"Anong sakit? Please tell it to me." I asked between my sobs. 


"Y-your Dad, bago ka pinanganak m-may... a-anak na siya s-sa iba." 


Pagkatapos sabihin ni Mom ang dahilan bigla na lang siyang tumakbo paakyat sa kwarto nila. And me? I was shocked. Ilang minuto na nakatayo lang ako with my mouth agape and my tears nonstop on flowing. 


S-si Dad? M-may anak sa iba? Imposible naman 'yun! Mahal ni Dad si Mom at alam kong hindi niya kayang pagtaksilan si Mom.



"Sweetie, I-I am very sorry." sabi ni Dad at agad niya akong  niyakap. 



Wala akong nagawa kundi ang yumakap din sa kanya, at umiyak ng umiyak. Galit ako sa kanya, I hate him! But he's still my father.


Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako sa kakaiyak. Nandito pa rin ako sa bahay namin pero nasa kwarto ko na ako. Siguro dinala ako dito ni Dad.


"Yna? Gising ka na ba?" narinig ko ang boses ni Lola sa may labas ng kwarto. Tinignan ko naman ang oras sa bedside table ko at sinasabi nitong 2:00 PM na. Matagal din pala akong nakatulog.


"Gising na po ako." sagot ko sa kanya. Pumasok naman si Lola sa kwarto ko na may dalang tray.

"Yna, kumain ka na muna." alok ni Lola sabay lagay ng tray sa may bed ko.

"A-ayoko po, sila Mom po?" 


"Naghahanda na sila. Pupunta sila sa court para magfile ng annulment." sabi ni Lola at kita ko ang malungkot niyang expression.


"Ano po?! Ayoko!"  agad naman akong tumakbo papuntang living room at naabutan ko si Mom na nakaupo sa sofa.


"Mom! Please? wag niyo na ituloy para sa'kin." pagmamakaawa ko sa Mom ko.


"I'm sorry Yna, pero buo na ang desisyon ko."


"Pero, hindi niyo ba ako mahal? Paano na ako? Hindi niyo ba naisip ang future ko? Mom please?" lumuhod na ako sa harapan ni Mom habang umiiyak.


"I'm sorry." yan lang ang sinabi ni Mom at lumabas na siya ng bahay. 


"Mom! Dad! Please? I'm begging." pagmamakaawa ko. I don't care If I look pathetic.


Imbes na pakinggan ako, pinaharurot na ni Dad ang kotse niya at ako naiwang umiiyak sa labas ng pintuan namin. Ang daya nila, minsan ko na nga lang sila makasama iiwanan pa nila ako? And who's that fuking child of Dad? Siya ang may kasalanan nito! Kung hindi siya naipanganak ng nanay niya hindi sana mangyayari ito.
- - - -
Chapter nine end!

Diary ni Teacher{Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon